Kabanata 38 - Ako ay Sayo at ikaw ay Akin

1.8K 70 17
                                    


Kabanata 38 - Ako ay Sayo at ikaw ay Akin

Plaza de Santa Clara de Asis
Ciudad de Santa Clara de Asis

"ANO!?" gulat na wika ni Gobernador Mondragon at kaagad siyang napatayo mula sa kinauupuan niya at napatigil yung mga guardia civil sa paghampas sa akin "Tama na iyan! Mga guardia halina sa kapitolyo! Magmadali!" Utos ng gobernador at binitawan nila yung mga hawak nilang latigo sabay alis at nagtungo sila sa kapitolyo at lupaypay na akong nakahandusay dito.

"Catherina!" Narinig kong sigaw ng isang lalaki at hindi ko siya malingon kasi nanghihina na ako ngayon hin ko alam bakit parang nawala na yung lakas ko pero kanina kaya ko pa naman eh tapos ngayon nawala na.

Naramdaman kong may lumapit sa akin na lalaki at naaninag ko na si Crisostomo pala ito laya naman napangiti ako. Dios mio mabuti na lang at nagpakta na siya kanina habang hinahagupit ako eh wala siya.

"Crisostomo mabuti at nandito ka na?" Wika ko sa kanya at kahit papaano ay nawala yung nararamdaman kong sakit ngayon kasi nakita ko na siya.

"ANAK!" rinig ko naman sa salita ni Ina at nakita kong lumapit siya sa akin at napayakap siya at hinawakan niya ang mukha ko "Catherina anak ko patawarin mo ako at wala akong nagawa" naiiyak na wika ni Ina at napayakap pa siya sa akin ng mahigpit.

"Pagbabayaran ng mga hayop na ito ang ginawa nila sa iyo!" Galit na wika ni Ama at napansin kong naiiyak siya at halos pumuputok na siya sa galit.

Tumayo naman si Crisostomo at tinanggal ang pagkakatali sa kamay ko at nang matanggal na niya ay kinanlong ako ni Ina at wala pa ring humpay ang pagdaloy ng luha niya sa kanyang mata.

"Ina huwag ka na pong umiyak diyan mapapagod ka lang po at buhay pa naman ako oh! Tignan mo nakakahinga pa ako ng maayos" pabiro kong sabi sa kanya at medyo napatawa siya pero mas nanghingibabaw ang kanyang pagiyak.

"Magtigil ka nga Catherina sa mga sinasabi mo na iyan, tignan mo ang iyong sarili at nagagawa mo pang magbiro" sambit niya at maya maya ay may nakakainis na lumapit sa amin na nag pakulo na naman ng dugo ko.

"Padre Velasco ano pa pong ginagawa niyo dito? parurusahan niyo pa po ba ang anak ko? Hindi pa po ba sapat na kabayaran itong natanggap niyang parusa sa pambabastos na ginawa niya sa inyo?" Wika ni Ina at kinalabit ko siya para hindi na siya magsalita pa.

The Unexpected 19th Century JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon