Kabanata 61 - Kahihinatnan ni Catherine

718 34 24
                                    

(DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT)


Kabanata 61 - Kahihinatnan ni Catherine

1891

Ciudad de Santa Clara de Asis

-----------

"Gumising ka!" rinig kong sigaw ng isang guardia sibil at naalimpungatan ako dahil dito.

Ano ba naman 'tong mga 'to, natutulog 'yong tao tapos istorbo, isa na naman pa lang masamang panaginip 'yon akala ko totoo na.

Nitong mga nakaraang araw panay na lang masamanag bangungot ang napaniniginipan ko, baka mamaya isa na namang masamang senyales 'to.

"Mag madali hindi dapat ipinaghihintay ang gobernador sa plaza!" pagmamadali ng guardia sibil at binuksan na anila 'yong kulungan ko.

"Sandali lang 'di ba!?" sigaw ko sa kanila "Nakitang kagigising lang no'ng tao tapos pagmamadaliin niyo!?" ani ko pa sa kanila sabay irap.

"Itali niyo na nga iyan at bilisan natin, mapagagalitan tayo ni Heneral Castellano sa bagal natin" pagmamadali ng isang guardi sibil at marahas nila akong inangat at tinalian ang kamay.

Lord tulungan niyo po ako kasi ipupublic execute nila ako ngayon, ito na inihahanda na nila magbiagay naman po kayo ng milagro na mailigtas ko, ayaw ko pa pong mamatay.

"Bilisan mo sa paglalakad!" sigaw sa akin ng guardia sibil at kinaladkad nila ako na para bang aso.

"Aray ko naman maari niyo naman akong isama ng hindi kinakaladkad 'di ba? Huwag niyo naman akong hilahin na para bang hindi ako tao, papatayin niyo rin naman ako kaya ireserve niyo na lang 'yon para mamaya" wika ko sa kanila at tinutukan ako ng baril no'ng isang guardia sibil.

"Kapag hindi ka nanahimik ay mapapaaga ang pagkamatay mo!" pagbabanta niya sa akin.

Hindi naman ako nagpatalo at sinamaan ko siya ng tingin.

"Sige gawin mo iyan at makikita natin kung sino ang malilintikan sa gobernador kapag pinatay mo ako agad ng hindi man lang niya nakikita" sabi ko sa kanya at hindi siya nakasagot sa akin.

"Vamonos! Itigil na 'yan at lumakad na tayo!" salita ng guardia sibil na nakasakay sa kabayo.

Ibinaba niya 'yong baril at tinalikuran ako.

"Duwag ka pala eh" bulong ko at napatawa ako, hindi nila sinunod an pakiusap at kinakaladkad pa rin nila ako.

Dinala nila ako, ay mali kinaladkad nila ako palabas ng piitan hanggang sa makarating kami sa lansangan at nang kami ay malapit na sa plaza'y may iilang tao na manonoood at sa gitna ay may isang upuan doon at isang lalaki na nakatakip ng itim ang kanyang mukha.

Pakiramdam ko naging mabagal ang paggalaw ng lahat ng makita ko si Ina at Luciana sa gilid, iyak na iyak ang dalawa at awang awa para sa akin.

"Ang anak ko" rinig kong panaghoy ni Ina at nagkatinginan kaming dalawa, ngiti lang ang ibinato ko sa kanya at sinabing...

"Kaya ko 'to Ina, wala silang mapapala sa akin" napailing iling na lang sa iyak si Ina at nalulungkot ako dahil makikita ni Ina na papatayin harap harapan ang kanyang anak, sabihin man nating hindi ko talaga siya tunay na Ina ngunit alam niyang ako si Catherine sa panahon na 'to at masakit iyo para sa kanya.

Walang kasiguraduhan ang mga susunod na pangyayari baka nga mamaya patay na talaga ako, pero hindi maaari paano kung mapatay nga nila ako? Sino ang magtutuloy ng misyon ko? Tanging ako lang naman ang nakatakda na baguhin ang nakaraan at pigilan ang digmaan sa pagitan ng nakaraan at kasalukuyan.

The Unexpected 19th Century JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon