Kabanata 50 - Hindi waring Pangyayari

1.2K 39 27
                                    


Kabanata 50 – Hindi waring Pangyayari

Ciudad de Santa Clara de Asis

1890

"Catherina?"

"Catherina!?"

"CATHERINA!?"

Nakabalik ako sa katinuan ko ng marinig ko ng malakas ang pangalan ko at napatingin ako kay Donya Hilaria na nakakunot ang noo sa akin habang nakatingin.

"Dispensa po Donya Hilaria may iniisip lang po ako kaya hindi ko po kayo agad narinig" pagsosorry ko sa kanya.

Imagination ko lang pala lahat ng iyon? Akala ko totoong nangyari na, saying edi sana nakaganti na ako agad sa demonyang 'to? Para siya makatotohanan pero imahinasyon lang pala?

Ano na bang nangyayari sa akin? Nadedemonyo na ba ako ng hindi ko namamalayan?

"Nauunawaan kita Catherina kung bakit kanina pa nakatuon ang atensyon mo sa kinakain ko" pang-aasar niya pa sa akin at syempre ako pigil lang ako baka kasi totohanai ko na ;yong imagination ko kanina baka mapatay ko siya ng wala sa oras.

Hindi na lang ako umimik para wala ng gulo pang mangyari.

"O sige Catherina kumain ka" napa-what the fuck na lang ako sa isip ko ng sabihin niya 'yon.

"Po?" tugon ko sa kanya at napairap pa siya.

"Oo Catherina tama ang iyong narinig, halika kumain ka at saluhan mo ako" at napatayo pa siya at in-offer niya sa akin 'yong isang upuan "Ipaghahain pa kita ng iyong kakainin" sambit niya at napakunot noo na lang ako, seryoso ba 'tong ginagawa niya? Anong nakain niya? Wala naman akonag nilagay na pampabait na potion sa nilalamon niya kanina ah? Bakit biglang bumait sa akin 'tong demonyang 'to?

"Seryoso po ba?" tanong ko sa demonyang donya, naniniguro lang ako baka kasi binibiro niya lang ako.

"Oo nga kaya umupo ka na diyan at ipaghahain kita ng pagkain, alam ko naman kasi na matagal ka ng hindi nakakakain ng pagkain ng mayayaman, kaya ito pakakainin kita" sabi niya sa akin at nawiwirduhan na talaga ako sa kinikilos niya, biglang bait daw ba.

Umupo na ako at kinuha niya ako ng pagkain, dinamihan niya at parang pinagmumukha niya akong patay gutom, aba nang-iinsulto ba 'tong hayop na 'to?

"O Catherina kuhin mo ang pinggan na hawak ko at kumain ka" sabi niya sa akin at hawak ng isang kamay niya 'yong plato.

"S-sige po at salamat po" pilit kong pagpapasalamat sa kanya.

Kukuhin ko na sana sa kanya 'yong plato kaso ng malapit ko ng abutin ay bigla niya itong binitawan kaya naman nalaglag lahat sa akin at pagkain sa lapag at nabasag ang plato, nakita kong napatawa siya ng patago, letse kang demonya ka nanadya ka ha!

"Ano ba naman Catherina!?" galit niyang sabi sa akin "Bakit hindi mo kinuha agad 'yong plato? Tignan moa ng mahal mahal ng pagkain na sinayang mo!" galit niyang sermon sa akin.

"Donya Hilaria kayo po ang nanadyang bumitaw do'n sa pinggan kaya nahulog ang pagkain, kitang kita po ng dalawang mata ko" hindi ko na napigilan pang sumagot pero kalmado lang ako sa pagsagot baka kasi ingud-ngod ko siya sa mga pagkain na nasa harapan naming ngayon.

"Sinasabi mo bang nagsisinungaling ako Catherina?" galit niyang tanong sa akin at napatayo na ako sa kinauupuan ko baka kasi magpang-abot na naman kaming dalawa dito.

"Hindi naman po Donya Hilaria, sinasabi ko lang po 'yong totong nangyari at nililinaw ko lang po sa'yo kaya huwag po kayong magalit" sagot ko sa kanya in a kalmadong way.

The Unexpected 19th Century JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon