Chapter 4. Pilit Ipinaglalapit

2.1K 51 3
                                    

Chapter 4. Pilit Ipinaglalapit

HYACINTH'S POV

 Nandito ako ngayon sa office ni mom. Dahil may ipapagawa daw siya saken. At dahil sa wala naman akong ginagawa. Pumayag na rin ako. Kesa maboring lang ako sa bahay. Nasa office rin si Rence eh. Lumabas muna ako sa office ni mom dahil after 20 minutes pa daw siya darating.

Naglibot-libot muna ako sa building. Then suddenly....

*BLAG*

"Aww!" daing ko.. May nakabangga kasi ako. Hindi kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko eh :-// Dali-dali akong tumayo at kinuha yung mga folders.

"I'm so sorry! I didn't saw you.. I'm sorry" paulit-ulit kong sabi.

"It's okay miss" sabi niya naman. He's voice sounds familiar.

Nang mapulot na namin lahat ng folders tumayo na kami at nagkaharap.

"A-Axel" sabi ko. Halatang nagulat din siya. Dito siya nagta-trabaho?

"H-Hyacinth? I-Ikaw pala"Axel

"Y-Yeah! Dito ka nagtatrabaho?"

"Well,assistant ako ng mom mo dito"

"Ahhh... Okay! I'll go ahead. Sorry again"

"Okay" pagkatapos ay naghiwalay na ang landas namin. You still have space in my heart Axel. Hindi ka ganun kadali para kalimutan. Ikaw ang unang lalaking minahal ko. Ikaw rin ang unang lalaking niloko ako. *sigh* Minahal niya ba talaga ako?

"How many times I will said to you na mahal ko si Sophie at hindi ikaw! Pwede ba! Tigilan mo na ako. Sawang-sawa na ako sa pangungulit mo at kadramahan mo! Maghanap ka ng taong mamahalin mo! Hindi yung pinipilit mo yung sarili mo sa taong hindi ka naman gusto!! At bakit ba napakadesperada mo?! ha?! Wala naman tayong relasyon ah!! at ano ba kita?!"

"Don't give me a stuffs anymore. Hindi ikaw ang mahal ko. At wala akong pakealam sayo. sana itanim mo yan sa kokote mo. I'm getting married to Sophie. I'll already prupose to her. Kaya tigilan mo na ako. At sana pagkatapos nito hindi mo na ako kilala at hindi na kita kilala."

Bumabalik na naman ang mga sinasabe niya saken. Gabi-gabi umuulit yan sa utak ko nung nasa California pa kami. Kaya gabi-gabi akong umiiyak. *Sigh* Ano niya nga ba ako? Manliligaw ko lang naman siya at hindi pa naman kami. Tss! Wala na nga raw siyang pakealam saken diba? Bakit pa ako maga-aksaya ng panahon sa kanya eh he can't love me back in the first place.

"Maam Hyacinth nasa office na po ang mom niyo" nabalik lang ako sa katinuan ko ng dahil sa isang empleyado. I just smiled to her at tumungo na sa office ni mom. Pagkarating ko dun naka-upo na si mom. I just greeted her goodmorning and I sit down in the couch.

Fate is Strange [DREAME]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon