Chapter 37: I’m your band-aid
THIRD PERSON’S POV
“HYACINTH MAG-USAP TAYO~! HINDI AKO PAPAYAG NA MAWALA KA SAKIN! SIGE NA!” sigaw ni Axel sa labas ng bahay nina Hyacinth. Pangatlong araw niya ng balik dito sa bahay nina Hyacinth. Pero hindi siya nilalabasan o kinakausap ni Hyacinth.
Kapag napapagod si Axel saka lang siya aalis. Habang si Hyacinth naman umiiyak na tinitingnan si Axel sa labas.
“Hyacinth bakit baa yaw mo siyang kausapin?” tanong sa kanya ni Rence.
“hindi. Ayoko na! B-Baka hindi ko pa mapigilan ang sarili ko.. At baka masabi kong—“
“Mahal mo siya?” pagtatapos ni Rence sa sasabihin niya. Yumuko si Hyacinth atsaka tumango ng marahan.
Napabuntong-hininga nalang si Rence. Tumayo si Rence at pinat ang balikat ni Hyacinth.
“Pag-isipan mo muna yan Hyacinth. At baka magsisi ka” sabi ni Rence saka siya lumabas para kausapin si Axel.
“Rence papasukin mo naman ako. Kelangan ko lang maka-usap si Hyacinth” pagmamakaawa ni Axel.
“Mas mabuti pa Axel bigyan mo muna ng space si Hyacinth para makapag-isip. Kinausap ko na siya at sinabihang pag-isipan niya ang gagawin niyang paglet-go sayo. Wag kang mag-alala.. *smile* Mahal ka niya” sabi ni Rence kay Axel.
Tumango nalang si Axel.
“Sige alis na’ko” sabi ni Axel saka siya tumungo sa kotse niya at umalis.
Si Rence naman bumalik sa loob.
.
.
.
.
Kinabukasan ay walang narinig na sigaw si Hyacinth sa labas ng bahay nila. Hindi katulad kahapon at nung mga nakaraang araw na umaga palang ay sumisigaw na si Axel. Pero magta-tanghali na at walang Axel na nakita niya.
Nalungkot siya dahil naisip niya na baka napagod na rin ito.
Bumalik siya sa kwarto niya para doon makapag-isip. Nang biglang tumunog ang cellphone niya. Tumatawag ang mom niya..
“Hello,mom?”
[Hyacinth,pumunta ka dito sa mansion. Urgent lang! Bilis.. *baby cries* Shhh.. tahan na baby!]
“Mom,sinong baby yun?”
[Basta pumunta ka na dito]
“O sige”
Dali-daling nagbihis si Hyacinth at pumunta sa bahay ng magulang niya.
.
.
.
.
Nagdoorbell si Hyacinth tapos ay binuksan ng katulong.
Dali-dali siyang pumasok. Nakita niya ang mom niyang may karga-kargang baby.
“Mom? Sino yang baby?” tanong agad ni Hyacinth saka siya dali-daling lumapit para tingnan yung bata .
“Eh hindi nga naming kilala eh. Nakita ko nalang siya sa garden kanina” sabi naman ng Mom ni Hyacinth.
“Mom,ampunin natn. He’s so cute” sabi ni Hyacinth na parang bata saka niya kinarga ang bata.
BINABASA MO ANG
Fate is Strange [DREAME]
RomanceOLD TITLE: FIMS BOOK3: COMPLICATED LOVE NEW TITLE: Fate is Strange (Book 2 of Drunk in Love) Three years have passed since everything was all perfect for them. They learned to fall in love, to trust each other, to build friendship and to forgive. Bu...