Chapter 5: Tagaytay With Him

2K 50 1
                                    

Chapter 5: Tagaytay With Him

 HYACINTH'S POV

Nandito na ako sa office ni mom ngayon. Dito kasi kami magkikita ni Axel eh. Sana talaga maging maganda ang bakasyon naming dalawa...Eh?! Haist! Kung ano-ano pa tong iniisip ko eh. Baka mamaya ipasalvage pa ako ni Sophie sa pagkaka-agaw kay Axel =___= Nako! ANo ba tong iniisip ko!? Grr. Erase. Erase. I forget my feelings to Axel na nga.. Aish!

"Hyacinth ready ka na ba?"

"Ay Axel daw!.." napatakip ako sa bibig ko. Nakakagulat naman kasi eh. Tapos si Axel pa toh.. >___<

"*smirk* Are you thinking of me?" Axel

"H-Ha?! H-Hindi noh! Wag ka naman kasing manggulat. tsk! Tara na nga!" tapos lumabas na ako dun dala-dala yung bag ko. Keaga-aga kung ano-anong kahihiyan ang ginagawa ko >o<

Nang makarating kami ng parking lot pinagbuksan niya lang ako tapos ayun nagdrive na siya. Nakakabingi ang katahimikan promise =___= Sobrang naa-awkward ako. Kung awkward ako ngayon,papano nalang sa mga susunod na araw? Argh! Bakit ba kasi sa dinami-dami ng pwedeng isama saken eh si Axel pa? Nakalimutan ba ni mom na may past kami ni Axel? I mean niligawan niya ako dati tapos blah blah... Ayoko ng balikan ang mga oras na yun.

Psh. Si Axel nga parang wala ng pakialam eh. Ano pa kaya ako? Hindi pa din ako sigurado kung hindi ko na ba talaga mahal si Axel. Nalilito pa rin kasi ako hanggang ngayon. Hindi pa rin ako sigurado kung may gusto na rin ba ako kay Rence. At bawal rin akong mainlove kay Rence. Dahil alam kong hindi niya naman ako sasaluin eh. Alam naman nating lahat na mahal pa rin ni Rence si Sophie. The way Rence look at Sophie,ibang-iba.

Ang haba talaga ng hair ni Sophie. Hindi ako galit kay Sophie kasi hindi niya din naman yun ginusto eh. Siguro nagtampo oo pa. Kasi niloko nila kaming LAHAT! Parang nagsisisi tuloy ako ngayon na nakilala ko si Axel. Ganun ba talaga ang Tadhana? Pilit kayong ipaglalapit sa isa't-isa kahit naman talaga na hindi kayo yung dapat sa isa't-isa? Nang-aasar ba yang pesteng tadhana na yan? Kasi sobrang nakaka-asar.

Ang hirap umiwas sa taong nakasama mo Noon lalo pa't may nakalipas rin kayong dalawa. Kung dating hindi ako naniniwala sa tadhana na yan. Pwes,ngayon oo. Umiiwas na nga ako kay Axel ngayon eh. Para mas mapadali yung pagka-ubos ng nararamdaman ko sa kanya ngayon tapos ipinaglalapit kaming dalawa? Kaasar diba!

Biglang tumunog yung phone ko kaya naman hinanap ko sa bag ko. Kaso biglang nahulog yung bag ko.

"Nako,Axel itabi mo muna yung kotse. Pupulutin ko lang yung mga gamit kong nahulog" sabi ko kay Axel. Nang mahinto ang sasakyan tinulungan niya akong pulutin yung mga gamit kong nahulog. Pagkatapos naming mapulot lahat ay bumalik na ako sa pagkaka-upo. Bago pinaandar ni Axel yung kotse may inabot siya saken.

"Eto oh.. Hindi ko akalaing tinago mo yan ng matagal" sabi niya tapos tiningnan ko yung inabot niya saken. Yung bracelet na binigay niya saken nung nasa dalampasigan kami. Eto yung pangalawa niyang binigay. Kasi yung una ay yung shell. Nasa sa akin pa rin yung hanggang ngayon.

"Ah.. Eh..Oo,s-sayang naman kasi eh" sagot ko sa kanya. Kahit nakaside view siya saken makikita mong ngumiti siya. Nung mga nakalipas na araw sa tuwing nakikita ko siyang ngumiti. Minsan iniisip ko na sana ako yung dahilan nun. Minsan naman pinipigilan ko ang sarili ko dahil baka mahalin ko na naman siya ng sobra.

Fate is Strange [DREAME]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon