Chapter 44 [S2]: When The Best Day Becomes Worst

1.3K 48 1
                                    

Chapter 44 [S2]: When The Best Day Becomes Worst

 

HYACINTH’S POV

Maaga palang ay nag-ayos na ako. Susurpresahin ko si Axel ngayon dahil sa 3rd monthsary nga namin. Bumili pa ako kagabi sa mall ng gift for him at nagbake pa ako ng cake. Kaya sana talaga magustuhan niya ito T_____T

Bumaba na ako para pumunta sa bahay niya. I want to surprise him.

Nilagay ko yung vox ng cake sa gilid tapos nandun rin yung gift ko sa kanya. Kung anong laman nung gift ko? Doraemon na teddy bear. Haha! Galing diba?

Nagsimula na akong magdrive papuntang bahay niya. Mga 10-15 minutes pa ang pagdadrive ko bago nakarating sa bahay niya.

Ang ipinagtataka ko lang pagkarating ko ng bahay nila ay may isa pang kotse na nakaparada dito. Hindi na ako nagdoorbell at pumasok na ako.

Pero bago pa man ako makapasok sa mismong bahay may tears fell.

Nabitawan ko yung dala ko. Napatakip rin ako sa bibig ko dahil sa nakikita ko. Dali-dali akong tumakbo pabalik ng kotse ko atsaka ito pinaandar. Pinaandar ko ang kotse ko habang umiiyak ako.

Sobrang sakit eh.. Sobrang sakit.

I just saw my Boyfriend kissing Margaret.

Parang binasag yung puso ko ng paulit-ulit at tinapakan pa. Nakakainis! Bakit ba lagi akong tanga sa pag-ibig?

Ang dali kong magtiwala sa mga tao ngayon. Akala ko ba maayos na kami? Pero bakit biglang ganun?! Sa mismong monthsary pa namin niya nagawang magtaksil ha?

Pakshet lang! Hindi ko alam kung anong nagtulak sakin at sa sementeryo ako nahinto sa pagdadrive.

I just found myself walking. Naglalakad papunta sa puntod ng dating bestfriend ni mom. Minsan ng nakwento sakin ni mom si Tita Joy. Ang sabi sakin ni mom kapag may problema siya dito siya pumupunta sa puntod ni Tita Joy.

Kahit ako noong mga at age of 14 palang ako at pabalik-balik palang kami ng Pilipinas ay nakapunta na rin ako dito. At doon nagsimula ang pagdalaw ko sa puntod ni Tita Joy para siya ang kausapin kapag may mga masasamang saloobin ako na dala-dala.

“Tita Joy bakit ganun? Nagmahal ka lang naman ah. Pero..bakit kelangan pang may masaktan. Bakit kelangan mo pang magsakripisyo. Hindi ba pwedeng magmahal ka na lang? Hindi ba pwedeng maging masaya ka nalang? Minsan kasi nakakapagod rin diba? Minsan kasi nakakapagod na rin yung paulit-ulit na nasasaktan ka. Paulit-ulit nalang na lumalaban kayong dalawa tapos may iisang bibitaw na naman. Bakit ganun?! Nakakainis lang talaga eh. Nakakainis lang talaga. Tita Joy,pakisabihan naman si God na kunin nalang din ako ohh. Nakakapagod na kasi eh. Mas gusto ko pang matulog habang buhay kesa manatili pa sa mundo na nasasaktan…

Manatili pa sa mundo na lumalaban para sa taong sinayang ka lang. Tita,pakisabi kay God ah? Hinding-hindi ako magsisisi kapag ginawa niya yun. Kung pupwede nga lang ay magka-amnesia nalang ako. Matulad kina Dao Ming-Zi. Pero iba yung sitwasyon ko. Kung si Dao Ming-Zi pinipilit na ibalik ang nakaraan niya. Ako gusto kong kalimutan ang nakaraan ko. Gusto kong makalimutan ang mga mapapait na nakaraan ko.”

Talagang naki-ayon pa talaga ang panahon sakin at umulan pa. Hindi alintana sakin ang ulan at naka-upo pa rin ako. Kahit na umiiyak ako hindi naman malalaman dahil sa umuulan eh. Kaya walang kaso yun sakin. Nagpatuloy ako sa pagkakausap kay Tita Joy.

“Tita what’s the feeling in Heaven? Siguro masaya ka na kasi tahimik na yung buhay mo dyan. Habang kami dito sa lupa nagpapakahirap pa. Pero bakit ganun? Parang sobrang hirap ata ng pinagdaanan ko.Ang unfair sakin ng tadhana. Bakit ba napakalupit niya at mga ganun pagsubok talaga yung binibigay niya sakin? Ganun ba ako kasama? /cry/”

Fate is Strange [DREAME]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon