Chapter 50 [S2] : Wide Awake
HYACINTH’S POV
Nagising ako sa isang napakagandang lugar. Puno ng mga bulaklak at mga paru-parong lumalipad. Para siyang isang hardin na sobrang ganda. Ngayon lang ako nakapunta sa ganitong lugar. Naglakad pa ako nang biglang manlaki ang mata ko dahil sa nakita ko.
Bigla kong kinusot yung mata ko at totoo nga. Nakikita ko sina Snow White?! Cinderella?! At si Sleeping Beauty?! WTF?!
“Uh? Hello?” sabi ko tapos sila naman biglang umalis tapos nawala. Nasan na yung mga yun? Nasan ba ako? Nasa Fairytale World?! Yung totoo? Ang adik ng author sa fairytale. Sana sinali niya nalang sina Dyesebel o di kaya si Inday Labandera. Ay,may palabas bang Inday Labandera? Wala ata.
Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad tapos ngayon ang nakikita ko na naman eh sina Spongebob,Stitch,Pokemon at si Doraemon. Walangya! Kanina nasa fairytale World ako. Ngayon nasa Cartoon Network na ata. >___<
“H-Hyacinth.. hindi mo naman kami iiwanan o kakalimutan diba? Hyacinth gumising ka na agad ha?! Hihintayin ka namin. Kahit anong tagal pa yan. Handa ako at kaming maghintay magising ka lang. Hindi pa natin nacecelebrate ang monthsary natin diba? Masasayang yung surprise ko sayo,sige ka!”
Isang tinig ang narinig ko. Hinanap ko yun pero hindi ko nakita.
“Hyacinth naalala mo ba noong umalis kayo? Alam mo bang sobra akong naging miserable nun. Sobra akong nahirapan ng mawala ka. Gustong-gusto kitang sundan sa California. Pero hindi pwede eh. Hindi pwede dahil baka mas lalo ka lang mahirapan. Sobra akong nasaktan noong nakita kitang umiyak dahil sakin. Doble pa sa sakit na nararamdaman mo ang naramdaman ko noon. Hyacinth mahal na mahal kasi kita eh..
Pero bakit? Anong nangyare? Ba’t lumayo ka na naman samin? May problema ba? Kung yung nakita mo sa bahay..hindi Hyacinth eh. Mali ka ng iniisip. Hinding-hindi ako magtataksil sayo. Ikaw lang.. Ikaw lang ang mahal ko.. Kaya hinding-hindi ko yun magagawa. Bakit ba kasi ang tigas rin ng ulo mo? Engot ka din kasi eh. Hindi ka nakikinig muna..
Makinig ka naman kasi sakin minsan.. Engot ka talaga! Pero kahit engot ka.. Mahal na mahal kitang engot ka. Ikaw lang yung minahal ko. At ikaw lang ang mamahalin ko. Gumising ka na agad ha? Hinding-hindi kita iiwanan kahit anong mangyare. Gusto kong paggising mo.. Nandito ako sa tabi mo.
Hyacinth wag kang bibitiw ha?! Hihintayin ka namin. Lagi lang kaming nandito para bantayan ka kahit ano pa man ang mangyare. Madami pa tayong pangarap diba?! Hyacinth naman kasi eh.. Magtatampo ako sayo kapag hindi ka nagising agad. *sigh* Mahal na mahal kita”
Again may narinig na naman ako. Pero hindi ko alam kung aino at san yun nanggagaling. Pero bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko. Tumingin ulit ako kina Spongebob,Stitch,Pokemon at Doraemon tapos nandun pa rin sila.
Nang kumurap ako ay nawala na yung apat. Naglakad ako ng isang step ng mahulog ako. Kaya naman..
“WAAAAAAAAAAAAAAAAAH!” malakas kong sigaw. Nabagsak ako sa isang damo. Pero bakit ganun? Wala akong maramdamang sakit. Maya-maya pa ay may kamay na nasa harap ko. Nang tingnan ko kung sino toh. Ay laking gulat ko ng Makita ko si Tita Joy.
“T-Tita J-Joy?” sabi ko tapos ay napalunok laway ako. Ngumiti siya sakin tapos ay tinulungan niya akong tumayo. Dinala niya ako sa isang upuan. Umupo kaming dalawa doon. Hindi ko pa rin alam kung anong nangyayare.
“Kamusta ka na,Hyacinth?” tanong sakin ni Tita Joy habang nakangiti.
“M-Maayos po.” Sagot ko sa kanya.
“Talaga? Alam mo ba kung bakit ka nandidito?” Umiling ako sa kanya. Hindi ko talaga alam. Wala.. Wala akong alam kung ano ba talaga ang nangyare. Ngumiti siya sakin.
“N-Nasa langit na ba ako? Teka…” pagkatapos kong sabihin yun may bigla akong naalala. Kung bakit ako nandito. Kung bakit ko nakikita si Tita Joy..
“Patay na ako?!” gulat na tanong na sabi ko. Anla ewan! Magulo.
“Hindi.Natutulog ka lang Hyacinth. Kung bakit ka nandito ay hindi ko rin alam. Pero alam alam kong plano ito ni God. Plano niya ito upang magka-usap tayong dalawa” sabi ni Tita Joy sakin. Ngumiti ako sa kanya.
“Nandito ako para sabihin sayong hindi ka pa maaaring mamatay. Hyacinth,wag ka sanang susuko. Wag na wag kang magpapadala sa emosyon mo. At Maniwala ka sa kanya. *smile* Maniwala ka sa mga taong mahal mo. At wag sa iba.” Sabi niya sakin. Tapos ay tumayo siya. Naglakad siya palayo sa akin. Humarap siya sakin saka ngumiti.
“Lagi mo sanang tatandaan na lahat ng mangyayare ay plano ng Diyos. At lahat ng mangyayare ay may dahilan.. Hanggang sa muli.. Paalam” sabi niya sakin saka siya naglakad palayo. Ako naman ngumiti kahit alam kong hindi niya na ako makikita pa.
“Paalam” mahinang bulong ko. Kasabay nun ang biglang pagmulat ko.
.
.
.
THIRD PERSON’S POV
Nang marinig nila ang sabi ni Hyacinth ay agad nilang tinawag ang doctor. Bigla namang minulat ni Hyacinth ang kanyang mga mata na sobrang ikinatuwa nila. Dumating na ang doctor at patuloy pa rin nilang inoobserbahan si Hyacinth kung ano ang unang gagawin o sasabihin nito.
Dahan-dahan siyang bumangon. Kinakabahan sila kung anong gagawin ni Hyacinth. Naisip naman nila yung dating ginawa niya.
“Uh..” unang sinabi ni Hyacinth.
Yung mukha ni Hyacinth ay puno ng pagtataka. Kaya naman mas lalo silang kinabahan doon.
Lumapit si Mobi kay Hyacinth. Hinawakan niya ang kamay nito.
“Hyacinth? Naaalala mo ba kami?” tanong ni Mobi sa kanya.
“Ahm.. Sino ka?” biglang nagulat ang barkada sa naging tanong ni Hyacinth.
“Maybe,she have an amnesia” sabi ng Doctor. Nagulat sila ng sabihin nung Doctor yun. Si Axel naging doble ang kaba. Ay triple na pala. Naiyak na sina Jam dahil sa nalaman nila. Hindi pa rin nagsasalita si Hyacinth.
Napatingin sila kay Hyacinth ng magfake-cough ito.
--
--
--
--
--
--
--
--
“Hehe! Joke lang yun ^_______^V” sabi sa kanila ni Hyacinth habang nakangiti.
Lumapit sa kanya si Gelo saka ito binatukan.
“So,joke na naman?! =____=” pokerface na sabi ni Toffer.
“Hyun.. Gusto mo ba talagang sumunod dyan?” sabi ni Rence kay Hyun na nanahimik lang sa isang tabi at kahit siya na hindi rin akalain na Joke NA NAMAN yun ni Hyacinth.
“Ohh. Bakit ako na naman?! T____T Naman eh” sabi ni Hyun.
Lumapit si Axel kay Hyacinth saka ito niyakap na ikinagulat ni Hyacinth. Pero ng mawala ang pagkagulat niya ay napangiti siya saka niyakap pabalik si Hyacinth.
“Akala ko nakalimutan mo na kami” sabi sa kanya ni Axel.
“Hindi. Hinding-hindi ko kayo makakalimutan.” Sabi naman pabalik ni Hyacinth.
Pagkatapos nun ay chineck lang ng mga doctor si Hyacinth. Hindi pa siya pupwedeng lumabas dahil mahina pa siya. Habang si Axel naman ay biglang kinabahan ng maalala niya yung nangyare sa kanila ni Margaret—kung may nangyare ba talaga.
BINABASA MO ANG
Fate is Strange [DREAME]
RomanceOLD TITLE: FIMS BOOK3: COMPLICATED LOVE NEW TITLE: Fate is Strange (Book 2 of Drunk in Love) Three years have passed since everything was all perfect for them. They learned to fall in love, to trust each other, to build friendship and to forgive. Bu...