Chapter 1: Comeback
THIRD PERSON'S POV
Nasa mall ngayon si Axel at naglilibot-libot nang biglang tumunog yung phone niya. Pagkaraan ng ilang taon ay nakapag-tapos na silang lahat at may sari-sarili ng trabaho na inaatupad.
"Hello, Sophie?" pagsagot ni Axel.
"Axel, bumili ka raw ng cerelac ni Baby Angel." Mabilis na utos ni Sophie sa kanya.
"Cerelac? Uso pa ba yun?" Napakamot sa ulo si Axel habang naglalakad pabalik sa Grocery.
"Oo nga. Bilisan mo. Dito ka na sa Restaurant dumiretso."
Pagkababa ni Sophie ng tawag, agad na nagtungo si Axel sa Grocery at naghanap ng cerelac para kay Baby Angel. Hindi naman siya nahirapan sa paghahanap nito kaya nabayaran niya agad at nagtungo siya sa Restaurant na ipinatayo nilang magkakaibigan.
Sa opisina ng Restaurant nagtungo si Axel at agad na binigay ang cerelac kay Sophia habang isa-isa namang dumating ang iba nilang kaibigan. "Hello Baby Angel! How are you?" bati ni Jam sa bata.
Umupo silang lahat sa sofa maliban kay Axel at Sophie. "O guys kamusta ang buhay mag-asawa?" matawa-tawang tanong ni Gelo kina Sophie kaya tinapunan ni Axel si Gelo ng folder.
"Aray! Haha. Hindi naman mabiro si Axel. Seryoso sa buhay, sers?" sabi ni Gelo pero inirapan lang siya ni Axel at hindi na pinansin.
AXEL'S POV
Walangyang Gelo yun. Tama bang i-joke ako ng ganon. Baka kung ano ang isipin ng iba oras na marinig nila ang pinagsasabi niya. Tss.
"Ano nga palang nagdala sa inyo dito para dalawain ang resto, ha?" Masungit na tanong ko dahil madalang lang naman sila kung dumalaw dito sa restaurant dahil may sari-sariling business rin kaming inaasikaso, lalo na ang mga family businesses namin.
"Tumawag sakin si Tita Gabriella 'e. Sabi niya magtipon-tipon daw tayo ngayon dito." sabi ni Ariell.
"Bakit kaya?" Takhang tanong naman ni Victor.
"Hindi kaya uuwi na sina Rence?" muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko sa sinabi ni Hyun. Parang hindi pa ako handa sa bagay na 'yan.
"E diba next year pa raw 'yon?" singit naman ni Jam habang nilalaro si baby Angel.
"Ewan." Kibit-balikat na sagot ni Celine habang busy sa kanyang cellphone.
Biglang bumukas yung pinto ng opisina at pumasok si Manager Kim. "Excuse me, Sir, meron po kasing customers na nag-iinsist ng specialty sa lunch menu natin kahit na hindi po available 'e."
"Bakit? Ano ba yung specialty natin sa lunch menu?"-Cristan
"Yong strawberry poppyseed chicken salad po 'e. Kaso wala po tayong available na strawberries."
"O sige. Sabihin mo kung makakapag-hintay sila. Magpapabili tayo ng strawberries right away."
"Okay po." Umalis na si Manager Kim kaya kami nalang ulit ang naiwan dito sa loob.
Maya-maya pa pumasok na naman ulit si Manager Kim at mukhang nag-aalala ang mukha. "Sir, excuse lang po ulit, may gusto po kasing kumausap kay Sir Hyun sa labas."
Hindi naman nagdalawang-isip si Hyun na tumayo at lumabas ng Opisina.
Pagkatapos ng ilang minuto pumasok ulit si Hyun na gulat na gulat. Umupo siya sa tabi nina Ariell tapos sinasampal niya ng marahan 'yong mukha niya. "Hyun anyare sayo?" tanong ni Victor.
BINABASA MO ANG
Fate is Strange [DREAME]
RomanceOLD TITLE: FIMS BOOK3: COMPLICATED LOVE NEW TITLE: Fate is Strange (Book 2 of Drunk in Love) Three years have passed since everything was all perfect for them. They learned to fall in love, to trust each other, to build friendship and to forgive. Bu...