Chapter 39: Truth and Lies (Axel's Side)

1.8K 47 6
                                    

Chapter 39: Truth and Lies (Axel’s Side)

 

AXEL’S POV

Namiss niyo ba ako? Siguro galit kayo sakin dahil sa mga panlolokong ginawa ko kay Hyacinth.

Pero mahal na mahal ko siya. Kung alam niyo lang kung gano kahirap tingnan ang babaeng mahal mo na umiiyak at nasasaktan ng dahil sayo.

Hay! Eto nga kami ngayon ni Hyacinth sa garden. Dito ko sasasabihin lahat-lahat.

Malilinawan na kayo.

“Kaya mo na bang sabihin sakin?” tanong ni Hyacinth sakin.

Ngumiti ako at hinawakan ang kamay niya.

“Oo…” sagot ko sa kanya.

Magsimula tayo sa araw kung kelan ko sinaktan si Hyacinth.

[A/N: Mahaba-habang flashback to guys ^___^ Simula sa NOON hanggang NGAYON.]

 

 

FLASHBACK

[Valentines Day (3 Years Ago)]

Sobrang saya ko dahil nakadate ko si Hyacinth. Kahit papano nabawasan ang bigat na nararamdaman ko sa sasabihin kong pagsisinungaling sa kanila. Hay! Nakakainis lang. Pati buhay ko papakialaman. Pati buhay namin ni Sophie kokontrolin.

Mamaya ko sasabihin kay Hyacinth ang tungkol sa kasal namin ni Sophie.

.

.

.

Valentines Ball

Sinundo ko si Hyacinth sa kanila. Ang ganda-ganda niya. Hindi ko alam kung papano ko sasabihin kay Hyacinth ang lahat-lahat.

Pumunta na kami ng School. Nang makarating kami doon,nandun na rin sina Rence.

Maya-maya pa ay nagsimula na ang program. Marami pang sinabi at ginawa yung mga teachers. =,= Nakakainip.

Kaya ayaw ko sa mga ganito eh.

Hanggang sa dumating na yung magsasayaw ang mga estudyante.

Isinayaw nung pito—Rence,Angelo,Ariell,Victor,Toffer,Cristan at Hyun—si Hyacinth. Nang matapos sila ako na ang sumunod na isinayaw siya.

Nakatingin lang kami sa isa’t-isa. Kaya ko bang saktan tong babaeng nasa harapan ko? Ang babaeng mahal na mahal ko?

“Kahit na hindi ako ang 1st dance mo. Okay lang,ako naman ang last dance mo” sabi ko sa kanya. Tapos inilapit ko pa siya sakin. Para mayakap ko siya. Kahit sa kahuli-hulihan man lang.

Pagkatapos naming magsayaw umupo na kami. Naramdaman kong may sumipa sa paa ko. Napatingin ako kay Sophie.

Nag-excuse siya tapos tiningnan niya ako na ‘sumunod ka’ ganun.

“Hyacinth and Rence,nakapasa kayo sa entrance exam right?” sabi ni Jam kina Hyacinth at Rence.

Tumango sina Hyacinth at Rence.

“Don’t worry papakiusapan naming hindi na kami mag-aaral dun” sagot ni Rence.

Pagkatapos nun nag-excuse na ako.

Fate is Strange [DREAME]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon