Chapter 40: When The MomSter Strike
HYACINTH’S POV
Kakagising ko lang at agad kong ginawa ang morning rituals ko. 9 am na. Late na kasi kami natulog kami kagabi eh =,= Nagparty-party pa dahil daw sa official na raw na kami na ni Axel.
Pagkatapos kong gawin ang morning rituals ko ay bumaba na ako. Pero ang ipinagtataka ko ay naka-upo sila sa sofa at wala sina Sophie,Axel at Rence.
“Hyacinth” napatayo sila pagkatapos sabihin yun ni Hyun.
“A-Anong nangyare?” kinakabahang tanong ko.
Para kasing may mali eh.
Nagtinginan sila. Tapos bumalik sila ng tingin sakin. Parang nag-aalanganin pa sila kung sasabihin ba nila sakin o hindi.
“Kasi Hyacinth…Sina Axel at Sophie.. sapilitang kinuha kaninang madaling araw.” Sagot ni Angelo.
“ANO?! SINO?!” tanong ko tapos dali-dali akong bumaba.
“Yung mom ni Sophie. Hindi naming sila malabanan. May dalang mga bodyguard yung mom ni Sophie. Nagpupumiglas na rin kanina si Sophie at Axel pero wala talaga” sabi ni Jam saka siya yumuko.
Napa-upo ako sa sofa. Hanubayan! Bakit ngayon pa?! Maayos na eh.. Tapos andito na naman?! Nakakainis naman ohh.
“Eh si Rence?” malumay kong tanong.
“Sinundan sila” sagot ni Ariell.
Dali-dali akong tumayo.
“Aalis ako” sabi ko saka ako dali-daling lumabas.
Eton a siguro yung time na ako na yung ipaglalaban ka Axel. Hintayin mo lang ako. Pinapangako ko sayo hindi ako titigil hangga’t hindi kita naipaglalaban.
Sapat na yung mga oras na naging duwag ako, Ayoko ng maging duwag pa. Bahala na! Kahit na ano pa man ang mangyayare. Ipaglalaban kita.
Magkamatayan man.
.
.
.
.
Pagkarating ko sa harap ng bahay nina Sophie. Nakita ko na si Rence. Pinarada ko na yung kotseng dala ko.
“Hyacinth” sabi ni Rence ng Makita niya ako.
“Rence sila Sophie?” tanong ko kay Rence.
“Nasa loob sila. Ayaw lang ako papasukin ng mga bwisit na guards na toh” sabi ni Rence.
Tiningnan ko yung mga guards na nakaharang. Lima sila ang nakatayo sa harap ng gate. Matatangkad at malalaki ang katawan. Hmm! Mukhang mapapalaban ako nito ah.
Ehem! Dating gangster ako,right guys?! Pagbigyan niyo na ako ngayon! Ipaglalaban ko lang ang lalaking mahal ko *smirk*
Naglakad na ako papasok sa gate pero bigla akong hinarangan nung isang guard.
“Sorry po pero hindi kayo pwedeng pumasok.” Sabi ng guard sakin.
“Aalis ka dyan o susuntukin kita” sabi ko sa kanya.
Pero tumawa lang sila ng mga kasama niya. Aba’t?! Porke babae hindi na kayang manuntok?
*bogsh*
BINABASA MO ANG
Fate is Strange [DREAME]
RomansaOLD TITLE: FIMS BOOK3: COMPLICATED LOVE NEW TITLE: Fate is Strange (Book 2 of Drunk in Love) Three years have passed since everything was all perfect for them. They learned to fall in love, to trust each other, to build friendship and to forgive. Bu...