Chapter 51 [S2]: Again,the best day becomes the WORST.

1.2K 39 4
                                    

Chapter 51 [S2]: Again,the best day becomes the WORST.

THIRD PERSON’S POV

Nasa garden ng Hospital sina Hyacinth at Axel ngayon. Hindi pa kasi nakakalabas ng Hospital si Hyacinth dahil chineck pa siya ng mga doctor niya. Pero bukas pupwede na talagang siyang lumabas.

Nakatakip ang mata ni Hyacinth ng isang panyo. Susurpresahin kasi siya ni Axel.

Icecelebrate nila ang 3rd Monthsary nila na hindi natuloy. Ipinaliwanag na rin ni Axel kay Hyacinth ang mga nakita niya. Dahil sa may tiwala si Hyacinth kay Axel ay naniniwala siya dito.

Pinaupo ni Axel si Hyacinth sa upuan na merong round table at may mga pagkain. Inalis niya ang piring ni Hyacinth. Nabigla si Hyacinth dahil sa paghalik sa kanya ni Axel.

“Belated Happy 3rd Monthsary Lucky Girl” sabi ni Axel kay Hyacinth sabay bigay ng isang heart balloon na merong LG and LB sa gitna.

“Belated Happy 3rd Monthsary din Luck Boy” sabi naman ni Hyacinth. Umupo si Axel sa kabilang upuan saka niya nilagyan ng pagkain yung plato ni Hyacinth.

“Ako nagluto niyan. Kaya kumain ka ng marami.” sabi sa kanya ni Axel.

“Di nga?! Ikaw may luto nitong lahat?!” di makapaniwalang sabi ni Hyacinth.

“Makapagsalita ka namang engot ka! Oo naman noh. Anong tingin mo sakin? Hindi marunong magluto” sabi naman sa kanya ni Axel. Tumawa nalang si Hyacinth sa sinagot ni Axel sa kanya.

“Oo na Pusang Doraemon. Naniniwala na po ako” sabi ni Hyacinth kay Axel. Ngumiti nalang si Axel sa kanya saka sila nagpatuloy sa pagkain.

--

--

--

Habang kumain sina Axel at Hyacinth ay biglang naisip ni Axel noong panahong nagising siya sa condo ni Margaret. Lalong-lalo na nung bago siya lumabas sa condo ni Margaret.

 .

‘I will do everything,Axel..mapasakin ka lang. I can ruined your relationship. Hindi lang yun.. Meron pa akong proof na magkasama tayo. I took a picture of the both of us,naked. I can give it to Hyacinth. Kaya..humanda ka’

.

Yun ang sinabi sa kanya ni Margaret na sobrang ikinababahala niya. Bigla niyang hinawakan ang kamay ni Hyacinth.

“Bakit?” tanong ni Hyacinth na napahinto rin sa pagkain.

“Kahit anong mangyare sakin ka lang maniniwala,okay? Sakin lang” sabi ni Axel kay Hyacinth. Ngumiti si Hyacinth atsaka sumagot.

“Don’t worry.. May tiwala ako sayo” sabi ni Hyacinth kay Axel.

--

--

Nang matapos sila sa pagkain ay dinala naman ni Axel sa isang side ng garden. Kung saan merong fountain doon. Tapos nagkaroon ng putting tela sa isang gilid at may nagplay na video.

“Hello Lucky Girl. Nagustuhan mo ba yung surprise ko?! Sana oo kasi sobra akong kinabahan dahil baka hindi mo magustuhan eh. At may isa pa akong surprise sayo Lucky Girl ^___^ Sigurado akong magugulat at matutuwa ka ng sobra.. Enjoy watching Lucky Girl” sabi ni Axel sa video tapos si Axel naman nagthumbs up dun sa isang lalaki na nag-aayos nung video.

Nang mabigay ni Axel ang signal sa lalaki ay agad nitong pinaplay ang video. Pero laking gulat ni Hyacinth ng ibang video ang lumabas dito. Isang slideshow picture ni Axel at Margaret na papasok ng Condo. Mga picture noong panahong nalasing si Axel.

Fate is Strange [DREAME]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon