Chapter 28: Comeback in The Philippines

1.6K 44 0
                                    

Chapter 28: Comeback in the Philippines

 

 

HYACINTH’S POV

Ngayon na ang balik naming sa Pilipinas. Pero hindi kasama si Prince kasi babalik siya ng California at may mga kelangan rin siyang balikan doon syempre. Kung tatanungin niyo ako kung anong nangyare pagkatapos nung pang re-revenge sakin ni Axel eh talagang hindi niya ako tinigilan =___=

Kaya naman iwas na iwas ako sa kanya ngayon. Papunta na kaming airport ngayon at talagang malayo ako kay Axel.

Nang makarating kami sa Airport hindi ko pa rin siya pinapansin. Kina Sophie o Hyun ako lumalapit kapag malapit na si Axel sakin. Bahala siya. Tss!

Nang makapasok na kami sa eroplano hindi ako tumabi kay Axel kundi kay Sophie ako tumabi. Okay lang rin naman daw sa kanya. Naikipagbiruan pa siya kay Rence na sawa na daw si Sophie sa pagmumukha nito =___=

Nalaman ko ring nililigawan na ni Rence si Sophie. Syempre,okay na rin sakin. Kasi nag-usap naman kami ni Rence eh. Sinabi ni Rence sakin na maaari raw na gusto ko siya. Pero gusto lang daw at iba ang mahal.

Tinanong ko rin siya tungkol sa nararamdaman ko tungkol kay Axel. Pero ang sabi niya lang.

 

‘Ikaw lang ang makakasagot niyan’

 

Ganun.. Eh paano nga?! T____T Kainis naman.. Ahh bahala na!

.

.

.

Nagising ako sa umaalog-alog sakin.

“Hyacinth gising na nandito na tayo” sabi ni Sophie. Kaya naman inayos ko na yung sarili ko ^____^

.

.

.

Nang makababa kami sa eroplano.. *sigh* Home sweet home ^______^ sabi ko sa sarili ko.

Nakalanghap na ulit ako ng hangin ng Pilipinas. Sumakay na kami sa van nagsundo sa amin. Isa-isa kaming hinatid sa mga kanya-kanyang bahay namin.

“Home sweet home” sabi ko tapos umupo agad ako sa sofa.

“*sigh* Sana naman hindi na maulit yun Hyacinth” Rence

“Yes sir ^___^”

“Heh! Aakyat na ako at matutulog.. Pagod pa ako sa biyahe.”

“Pagod daw sa biyahe. Sus! Ang sabihin mo may date lang kayo ni Sophie! Hahaha!”

“Heh!” tapos umakyat na siya. Ako naman umakyat na rin. Nagbihis na ako ng pambahay tapos umupo ako sa veranda.

Hay naku!

“Hello Hyacinth”

“Hello--waaaaaaaaaaaaaah!—araaay!” napa-aray ako sa sakit dahil natumba ako sa kinauupuan ko. Ang sakit ng likod ko. Huhuhu!

“Bakit ka ba kasi nanggugulat!” sigaw ko kay Axel. Oo si Axel. >___< Eh kasi naman tumitingin ako sa kawalan tapos bigla nalang sumulpot si Axel.

“Hehe! Sorry Hyacinth ^___^V”

“Papano ka—“ hindi niya ako pinatapos.

Fate is Strange [DREAME]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon