Chapter 36: (FAST FORWARD) Letting Him Go
THIRD PERSON’S POV
MAHABANG FASTFORWARD. 1 week before the wedding. Si Hyacinth ay nag-iisa sa bahay nila ngayon. Dahil si Rence ay nasa trabaho at ang ibang kaibigan ay may ginagawa. Kaya naman mag-isa siya sa bahay nila.
“Next week ikakasal na siya. Siguradong torture to para sakin” sabi ni Hyacinth sa sarili.
Noong mga nagdaang-araw ay lagi silang lumalabas ni Axel pero sa araw na ito ngayon,hindi. Busy si Axel para sa gaganaping kasala next week nina Sophie. Kahit ayaw niya ay kinakailangan.
Nakahiga lang si Hyacinth sa kama niya. Nag-iisip siya kung anong mangyayare kapag ikinasal sina Sophie at Axel.
Hanggang doon nalang ba ang kwento ng lovestory nila?
Hindi ba talaga sila ang para sa isa’t-isa?
Wala na naman ba silang Happy ending?
Kelangan niya na bang i-let go si Axel?
Gulong-gulo na siya. Hindi niya alam kung anong gagawin niya?
Napaisip siya.
‘Kung hindi talaga kami para sa isa’t-isa,dapat itigil na naming toh. Nakakapagod na.. Sobra! Hindi ko na kaya.. Ewan. Naguguluhan ako. Pero.. next week na ang kasal nila. Mas lalo akong mahihirapan. Siguro nga hindi kami ang para sa isa’t-isa. Ang tadhana na mismo ang gumagawa ng paraan para paglayuin kami.. Minsan nakakapagod na rin. Ayoko ng masaktan. Kung ilet-go ko pa siya sa mismong araw ng kasal nila.. Mas lalong masakit. Mas lalong hindi ko kakayanin.’
Biglang tumulo ang isang luha niya ng maisip yun. Na hanggang doon nalang ba talaga sila?
Panandalian na naman ba ang pag-iibigan nilang dalawa?
Hindi ba sila ang para sa isa’t-isa at ganyan ang tadhana?
Lagi nating tatandaang kasama sa pagmamahal ang salitang pagpapalaya.
Pero wag na wag mong ile-let go ang taong mahal na mahal mo. Ipaglaban mo..
Ngunit sa sitwasyon nila.. Masyado ng mahaba at marami ang pinagdaanan nila.
Marami ng nangyare.
Makakaya pa ba ni Hyacinth? Masasaktan na naman ba siya ulit?
Napaisip ulit siya.
‘Siguro nga. I really need to let him go..’
Bumangon siya at inayos ang sarili. Tumingin siya sa salamin. Napaiyak siya bigla sa gagawin niya.
“Hindi ko kaya” sabi niya sa sarili.
“Mahal na mahal ko siya pero.. wala na.. pagod na ako. Masyado ng marami ang napagdaanan naming. Siguro sapat na yun” sabi niya ulit.
Naghilamos siya at inayos ang sarili. Nagbihis siya.
.
.
.
.
.
Palabas na siya ng madatnan niya si Rence na papasok na ng gate.
BINABASA MO ANG
Fate is Strange [DREAME]
RomanceOLD TITLE: FIMS BOOK3: COMPLICATED LOVE NEW TITLE: Fate is Strange (Book 2 of Drunk in Love) Three years have passed since everything was all perfect for them. They learned to fall in love, to trust each other, to build friendship and to forgive. Bu...