Chapter 42 [S2]: Riot in the Hospital (Accident)

1.4K 47 4
                                    

Chapter 42 [S2]: Riot in the Hospital (Accident)

 

HYACINTH’S POV

“Baby Jiho come here~” tawag ko kay baby Jiho. Nandito kami ngayon sa kwarto niya. Naglalaro =___= Wala kasi akong magawa eh. Yung mga kaibigan ko may mga trabaho.

“Baby you want to go to the office?” tanong ko kay Baby Jiho pero tumingin lang siya sakin saka naglaro na naman. Oh yeah Hyacinth. Naiintindihan ka niya..grabe =,=

Binuhat ko si Baby Jiho saka ako kumuha ng mga damit panlakad niya. Pagkatapos nun ay iniwan ko muna si Baby Jiho sa yaya niya para ako naman ang makapagbihis.  Pagkatapos kong magbihis pinuntahan ko ulit si Baby Jiho saka kami umalis papuntang office nina mom.

.

.

.

.

Pagkarating namin dun ay nag-elevator na kami papunta sa taas. Pagkatapos ay pumunta na kami sa office ni mom.

Pero talagang grabe talaga ang tadhana.

“Baby Jiho!!” sabi niya tapos akala ko si Baby Jiho yung hahalikan niya eh.. ako >___<

“Huy PDA ka!” sabi ko kay Axel. Tama kayo si Axel lang naman =____= Si Pusang Doraemon -___-l|l

“Eh Namiss kita eh *wink*” si Axel >///<

“Heh! Break mo na?” tanong ko sa kanya.

“Oo eh.. Sama kayo sakin ni Baby Jiho? Lunch tayo” pag-aayaya niya.

“Sige. Samahan mo muna kami kay Mom. May itatanong lang ako” sabi ko sa kanya. Nagnod naman siya saka kami pumunta ng office ni mom.

Pagkabukas naming ng pinto tinakpan ko yung mata ni Baby Jiho. SPG!

“MOM! DAD! Bakit dito niyo yan ginagawa?!” singhal ko sa kanila.

“Anak naman! Akala mo naman kung anong ginawa namin mom mo,Were just kissing” sabi naman ni Dad.

“Nakakadiri kaya!” sabi ko naman saka ko inalis yung kamay ko sa pagkakatakip sa mata ni Baby Jiho.

Tong katabi ko naman tumatawa lang. Abah!

Pumasok na kami nina Baby Jiho saka kami umupo sa sofa.

“Bakit nga pala kayo nandito? Dinadalaw mo si Axel,noh?” asar ni dad. Tapunan ko kaya toh ng Vase ng mabalik sa katinuan. =____=

“May isa pang rason.. Gusto kong magtrabaho dito” sabi ko. Lahat sila nagulat. Maliban kay Baby Jiho syempre na nilalaro ang kamay ko.

“ANO?!” tatlo sila—mom,dad,Doraemon.

“Anong ‘ano’?! Yun nga.. Gusto kong magtrabaho. Kaya hanapan niyo na ako ng pwesto at ng bukas ay makapagsisimula na ako. Geh alis na kami.. Saka iwan muna namin si Baby Jiho dito. Mayla-lunch lang kami.” sabi ko saka hinila ko si Axel papalabas.

Habang naglalakad na kami papalabas ng building kinulit ako ng kinulit ni Axel kung seryoso ba daw ako o biro ko lang daw yun.

Of course I’m damn serious!

“Hyacinth sagutin mo naman kasi yung tanong ko! Seryoso ka ba talaga?” pangungulit niya pa.

“Oo nga eh..” sagot ko sa kanya. Nakatingin lang siya sakin na parang binubuo pa sa utak niya yung sagot ko.

Fate is Strange [DREAME]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon