Chapter 57 [S2]: Know The Truth
HYACINTH'S POV
Nandito ako sa isang café ngayon. Naisipan ko kasing uminom muna ng coffee bago dumeretso ng office.
"Anong ginagawa mo dito?" bigla akong napatingin sa lalaking nasa harap ko. Bigla naman akong kinabahan ng Makita ko si Axel na nakatayo sa harap ko. Anong ginagawa niya dito?
"Ano.. Nagkakape lang.. Ikaw?" tanong ko sa kanya. Umupo naman siya sa upuan na nasa harap ko.
"I own this Café" sabi niya na ikinagulat ko.
"R-Really?" hindi makapaniwalang tanong ko. Tumawa naman siya.
"Yeah,hindi mo ba nakita yung nakalagay sa labas? HX Café" sabi niya. Oo nga noh?! Bakit nga ba hindi ko yun nabasa?! Ang tange mo talaga Hyacinth >___<
"Ahh! Sorry hindi ko alam eh." Nahihiyang sabi ko sa kanya.
"You're really cute that way" sabi niya na ikinapula ko naman. Umiwas nalang ako ng tingin sa kanya.
"By the way, wala ka bang trabaho ngayon?" tanong niya sakin. Dali-dali naman akong tumayo kaya napatayo din siya.
"Ah meron! Sige aalis na rin ako" maglalakad na ako ng hawakan niya yung kamay ko kaya napahinto ako at napatingin sa kanya.
"Can we go out?" tanong ni Axel sakin.
"Go out? Tara lumabas tayo. Ano bang gagawin mo sa labas?" sabi ko naman sa kanya. Pero bigla niya akong binatukan.
"Aww! Para san yun?" tanong ko habang hinihimas-himas yung batok ko.
"Engot ka talaga! Go out.. I mean date!" tingan mo tong pusang doraemon na toh. Sasabihin nalang ang word na 'date' andami pang satsat. Pero.. ano daw?! DATE?!
"date!? Yung sa kalendaryo ba yun? Bakit wala ka bang kalendaryo sa opisina mo? Tara bibilhan kita—Aww!" binatukan niya na naman ako *pout* Nakakadalawa na siya ha!
"Tss! Ang engot mo pa rin hanggang ngayon. Halika na nga!" sabi niya saka niya ako hinila. Tapos sapilitan niya akong pinapasok sa kotse niya.
"Huy! San mo'ko dadalhin?! May trabaho pa ako!" pagpigil ko sa kanya pero wala! Hindi niya ako pinansin kundi nagpatuloy lang siya sa pagdrive.
Maya-maya pa ay huminto na ang kotse niya. Huminto ito sa park na pinupuntahan naming dati. Kung saan nakilala naming ang batang si Happy. Kung saan naming ginala si Baby Angel. Gusto niya ba talagang ipaalala ang nakaraan sakin?!
Hinila niya ako pababa ng kotse saka kami huminto sa isang puno na wala masyadong tao.
"Sabihin mo nga sakin,Hyacinth. May tinatago ka ba?" seryosong tanong niya sakin. Tinatago? May pinatago ba siyang bagay sakin? Wala naman ah!
"Wala noh!" sagot ko sa kanya sabay iwas. Alam ko naman kasing yung tinatago ko sa kanya ay yung tungkol sa kambal.
Tapos hinawakan niya yung noo niya. Atsaka siya may inilabas na envelope. Inabot niya sakin toh. Ewan ko ba pero nakakararamdam ako ng kaba. Nakatingin lang ako sa envelope. Inulit niyang iabot sakin toh. Ngayon kinuha ko na yung envelope. Napatingin ako kay Axel na seryosong-seryoso din.
"Buksan mo" utos niya sakin. Kaya naman dahan-dahan ko tong binuksan. Nang Makita ko pa lang yung umpisa ng papel sobra na ang kaba ko.
BINABASA MO ANG
Fate is Strange [DREAME]
RomantizmOLD TITLE: FIMS BOOK3: COMPLICATED LOVE NEW TITLE: Fate is Strange (Book 2 of Drunk in Love) Three years have passed since everything was all perfect for them. They learned to fall in love, to trust each other, to build friendship and to forgive. Bu...