Chapter 35: Bad news
HYACINTH’S POV
“Jam pakikuha naman nung chips thanks” sabi ni Victor.
Kinuha ni Jam yung chips saka tinapon sa mukha ni Victor.
“Ayan! Makautos toh” reklamo ni Jam.
“Sophie say aah~!” sabi ni Rence kay Sophie na susubuan ng chips.
Ngumanga naman si Sophie at isinubo yun ni Rence.
“JC bakit ka ba nananapak?” sabi ni Cristan kay JC.
“Eh bakit iba-iba yung tinitingnan mo sa model? Ikaw napaka manyak mo talaga” sabi ni JC tapos pinitik niya yung ilong ni Cristan.
Grabe! Ang kalat ng bahay namin.
Parang dinaanan ng bagyo tapos may malakas na hangin na dumaan.
Yung mga chips nakakalat.
Yung mga unan kahit nasan na napunta.
Yung sofa napakalayo na =,= Grabe!
Nandito kasi sila sa bahay dahil magmo-movie marathon daw kami.
Kakatapos lang naming pinanood kanina ang The Conjuring pagkatapos nun nagpahinga muna kami dahil si Baby Angel parang iiyak na sa takot.
Parang yung bahay naming ang na-conjuring eh. Langya!
“Hyacinth,I love you” bulong sakin nitong katabi ko.. Naka-upo sa lap niya si Baby Angel.
“Manahimik ka nga dyan,Axel” bulong ko din sa kanya.
Nagpout naman siya. Napa-iling nalang ako sa kakulitan niya =,=
“Nood na tayo ng another movie” sabi ni Jam. Nagnod naman kaming lahat sa kanya.
“Romance naman” sabi ni JC. Tapos nilagay na ni Jam yung CD.
.
.
.
.
Naiiyak na kami sa pinapanood naming. Sobrang nakakalungkot kasi nung story.
Yung girl kasi may boyfriend..
Tapos yung girl umalis ng bansa para makapag-aral. Pero nagpromise sila nung boyfriend niya sa isa’t-isa na pagbalik ni girl magpapakasal na sila.
The years had passed at nakatapos ang girl at maganda na ang buhay.
Babalik na siya ng Pilipinas dahil nakatapos na siya at para rin balikan ang boyfriend niya. kaso minsanan nalang sila magkaroon ng communication nung boy.
2 years ang gap nung boyfriend niya sa kanya.
Nang makauwi yung girl sa bahay nila nagulat siya ng nagtipon-tipon yung mga pamilya niya sa bahay nila.
Tapos yun pala ikakasal na yung ate niya.
Tinext ni Girl yung boyfriend niya na nasa Pilipinas na siya. Pero wala siyang reply na natanggap
The day of the wedding isa sa mga abay yung girl.
Kapartner niya yung pinsan niya.
Habang papalapit si Girl at yung pinsan niya sa uupuan nila napaiyak si girl.
Tumakbo siya ng palabas ng simbahan.
Pumunta siya sa park na nakasuot pa ng dress.
Umiyak yung girl ng umiyak kasi yung groom na nadoon ay yung boyfriend niya.
Bumalik yung girl sa bahay nila.
Nadtanan niyang nandun yung boyfriend niya.
Gulat na gulat ang boyfriend niya ng Makita siya..
.
.
.
“*sob *sob* Hayop talaga kayong mga lalaki” biglang sabi ni Jam na umiiyak at pinapalo si Ariell. Natatawa tuloy kami.
“Bakit kami? Wuy! Iba-iba ang mga lalaki noh” sabi naman ni Ariell.
“heh! Subukan mo lang akong lokohin at ipapalapa kita sa piranha.. at ibibitay ko ang kabit mo” banta ni Jam.
Kami naman pigil tawa.
“Sus! Para namang kaya kong gawin yun sayo.. mahal kaya kita ^___^” sabi ni Ariell sabay hug kay Jam. Awww! So sweet.“Ang corny!” panira moment ni Celine. Hahaha~!
.
.
.
Nakaupo kaming lahat sa sofa ngayon. Nilinis na rin naming ang sala dahil sa kinonjuring nila =,=
“Rence,Hyacinth matutuloy pa ba yung pagtira niyo sa Korea?” tanong ni Sophie. Napa-isip rin ako. Tutuloy pa ba kami? Siguro,oo. Pagkatapos ng kasal nina Sophie at Axel =,=
“Ewan” sagot ko.
“Ano bang plano ninyo sa kasal namin?” tanong ni Sophie.
“Secret ^__~ Kami ng bahala dun!” sabi naman ni Angelo.
“Siguraduhin niyong hindi papalpak yan ha” sabi ni Axel.
“Narinig ko kay mom na maglalagay raw sila ng guard sa araw ng kasal sa simbahan para hindi kami makatakas” sabi ni Sophie.
“Sino bang may sabing makakaabot pa kayo sa simbahan” sabi ni Victor with matching smirk pa.
“Oo nga” sang-ayon naman ni Toffer. Ano bang binabalak ng mga toh?
“Edi kayo na nakakaalm ng plano =,=” singit ko sa kanila.
“Wag kang mag-alala Hyacinth. Kaming bahala” sabi ni Rence with matching pat pa sa shoulder ko.
.
.
.
Lumabas si Axel dahil tumawag yung mom niya na tita niya. Mwehehe! Gulo noh?
Naka-upo pa rin kami..
Maya-maya pa bumalik siya na may mukhang problemado..
At lahat kami nagtaka.
“Anong problema,Axel?” tanong ko.
“oo nga. Ba’t para kang binagsakan ng mundo dyan?” sabi ni Hyun.
Nakatingin lang kami sa kanya. Siya naman parang nalilito pa kung sasabihin ba niya sa amin o hindi.
“M-May badnews tayo” sabi ni Axel.
Nagtinginan kaming lahat tapos bumalik ang tingin naming kay Axel.
Halatang napakabad news nung sasabihin niya kasi hindi maipinta yung mukha niya. Umupo siya sa tabi ko tapos inilagay niya yung mukha niya sa palad niya.
“Axel ano ba kasi yun?” pagpipilit pa ni Hyun. Kasama namin siya ngayon eh..
Hinawakan ko yung kamay niya para macomfort siya.
Ngumiti siya sakin.
“Kasi..napakabad news talaga ng balitang sasabihin ko.. *sigh*” sabi niya tapos yumuko siya.
“Sabihin mo na kasi” sabi ni jam.
“*sigh* The wedding will be next month”
BINABASA MO ANG
Fate is Strange [DREAME]
RomanceOLD TITLE: FIMS BOOK3: COMPLICATED LOVE NEW TITLE: Fate is Strange (Book 2 of Drunk in Love) Three years have passed since everything was all perfect for them. They learned to fall in love, to trust each other, to build friendship and to forgive. Bu...