Chapter 48 [S2]: Serious Situation
THIRD PERSON’S POV
Ngayon ang araw ng operasyon ni Drake. Kaya naman nasa Hospital sila ngayon ng Maynila. Kasama ni Hyacinth sina Sylvester,Dominic at Xavier. Naka-upo lang sila habang naghihintay sa magiging resulta ng operasyon.
“Hyacinth” sabi ni Dominic kay Hyacinth. Napatingin naman si Hyacinth na kanina pa paulit-ulit na nagdadasal.
“Bakit?” tanong ni Hyacinth kay Dominic. Tumabi si Dominic sa pagkakaupo kay Hyacinth.
“Salamat ha? Hindi mo iniwan ang kaibigan namin. Kaso parang may mali ata” sabi ni Dominic kay Hyacinth na ikina-question mark naman ni Hyacinth. Naghihintay lang siya sa magiging sagot ni Dominic.
“Kasi hindi ko naman sinabi na pagtuunan mo talaga ng pansin si Drake. Hyacinth,may pamilya ka din na naghihintay sayo dito sa Maynila. At isa pa,hindi pa kayo nagkakabati ng boyfriend mo. Kaya sana.. Pagkatapos ng operation ni Drake,bumalik ka na sa inyo. Pwede mo pa naman kaming dalawin sa Sitio Maligaya eh. Pero sana.. magkaayos muna kayo ng boyfriend mo. Nakita ko kasi siya isang araw sa isang park. Nakaupo lang siya sa bench,tulala. Nasabi rin sakin nung mga kaibigan mo na kausapin kita tungkol sa boyfriend mo dahil sobra raw itong nag-aalala sa iyo noong mawala ka. Nakaabot na raw siya ng Korea just to find you. Kaya sana..magkaayos na kayo.” Mahabang paliwanag ni Dominic kay Hyacinth. Bigla namang may tumulong luha ni Hyacinth sa narinig niyang pagkwento ni Dominic.
Hindi niya akalain na sobra palang nag-alala si Axel sa kanya. Pinunasan ni Hyacinth ang mga luha niya.
“O sige. Salamat sa information. Wag kang mag-alala kakausapin ko na siya mamaya” sabi ni Hyacinth kay Dominic. Ngumiti si Dominic sa kanya saka ito pinat ang balikat ni Hyacinth.
Naghintay pa rin silang apat sa labas ng Emergency Room. Nagdadasal sila para kay Drake dahil sa natatakot rin sila sa kakalabasan ng operation nito.
Pagkatapos nung nangyare sa Hospital ay hindi pa umuwi si Hyacinth sa Maynila kundi sa Sitio Maligaya pa rin siya nagse-stay. Pero dahil sa kinausap siya ni Dominic ay mukhang babalik na nga siya ng Maynila at kakausapin niya na si Axel tungkol sa nakita nito.
--
--
--
Limang oras na at nasa labas pa rin sila ng Emergency at hinihintay ang paglabas ng Doctor. Maya-maya pa ay lumabas na ang Doctor. Agad silang tumayo at lumapit sa Doctor.
“How’s the patient,Doc?” tanong ni Sylvester sa Doctor.
“He’s fine now. It was good to know that he was survive. You can visit see him now. I’ll go ahead” sabi ng Doctor saka ito umalis. May mga ngiti naman sa labi ng apat. Masaya sila at maayos na si drake. Na magaling na ito.
Pagkatapos nun ay pinuntahan na nila si Drake. Natutulog pa rin ito.
“Hyacinth,sige na. Puntahan mo na yung boyfriend mo” sabi ni Dominic kay Hyacinth.
“Hindi. Mamaya na. Hihintayin ko munang magising si Drake para makapagpaalam ako sa kanya. Ayokong paggising niya eh wala na ako sa tabi niya” sagot naman ni Hyacinth. Ngiti nalang ang naging tugon ni Dominic kay Hyacinth.
Mga kalahating oras pala sila naghintay bago nagising si Drake.
“H-Hyacinth?” sabi ni Drake pagkamulat niya ng mata niya. Ngumiti naman si Hyacinth kay Drake.
BINABASA MO ANG
Fate is Strange [DREAME]
Любовные романыOLD TITLE: FIMS BOOK3: COMPLICATED LOVE NEW TITLE: Fate is Strange (Book 2 of Drunk in Love) Three years have passed since everything was all perfect for them. They learned to fall in love, to trust each other, to build friendship and to forgive. Bu...