Chapter 41 [S2]: Valentine's Day

1.6K 44 3
                                    

Chapter 41 [S2]: Valentine’s Day

(After 2 Months)

HYACINTH’S POV

*sigh* Kainis naman oh! Valentine’s Day loner ako. :-/ Yung boyfriend ko kasi busy sa trabaho niya. Tsk! Eh ako? Tambay sa bahay =___= Masabihan nga si mom na magtatrabaho na ako ng mabantayan ko si Axel. Charot! >___< Pero seryoso nga! Tsk.

Nandito ako sa mansion. Sa bahay nina dad and mom. Yep! Bumalik na ako dito. Si Rence ganun din. Yung bahay namin? =___= Binigay namin sa lima—Angelo,Hyun,Victor,Toffer,Ariell. Christmas gift naming sa kanila last year :D Grabe diba?

Mapuntahan na nga lang si Baby Jiho.

Pumunta na ako sa room ni Baby Jiho. Pagkapasok ko nakita ko yung nagbabantay sa kanya.

“Maam Hyacinth kayo pala” sabi sakin nung yaya ni Baby Jiho.

“Ah oo.. Mas mabuti pa siguro kumain ka muna ng lunch mo. Tanghali na oh. Ako ng bahala kay Baby Jiho” sabi ko.

“Sige po maam hyacinth. Salamat” saka siya lumabas ng kwarto. Ako naman lumapit ako kay Baby Jiho na naka-upo at naglalaro.

“Hello Baby!” sabi ko tapos tumingin siya sakin. Gumapang siya papunta sakin tapos umupo siya sa tabi ko. Ang cute!

“*sigh* Happy Valentine’s Day Baby Jiho. Tayo nalang ang magspend ng time na dalawa. Wala naman si Kuya Axel mo eh.. Tsk! Siguro may ka-date na yung iba. O hindi kaya si Margarette yung ka-date niya sa opisina. Humanda talaga siya sakin!” para akong tanga na kinakausap ko si Baby Jiho =___= Litsi! Si Baby Jiho naman tumawa lang. Napabuntong hininga nalang ako saka ko hinimas-himas yung ulo ni Baby Jiho.

Bigla akong napatingin sa picture frame na nasa table malapit sa mga laruan ni Baby Jiho. Picture namin nina mom,ako,dad at si Baby Jiho noong Christmas Day.

*sigh* Nagulat ako ng pinalo ako ni Baby Jiho. Pero mahina lang,syempre. Napatingin ako sa kanya. Yung kamay niya hiniheld niya sakin. Yun bang parang yayakapin. Ganun! Kaya ang ginawa ko kinarga ko siya.

“Ano yun Baby?” tanong ko sa kanya. Tapos bigla niyang inihiga yung ulo niya sa balikat ko. Ah! Gusto niyang matulog. Geh geh! Babysitter ang peg ko today =,=

Naghu-humming pa ako habang sinasayaw-sayaw si baby Jiho. Yung pampatulog po ng baby na pagsasayaw =___= Baka ibang sayaw yung iniisip niyo eh.

.

.

.

Tiningnan ko si Baby Jiho. Tulog na siya. Dahan-dahan ko siyang inihiga sa kama niya tapos tumabi ako sa kanya.

Tiningnan ko si Baby Jiho na nakahiga sa tabi ko. Ang cute-cute talaga ng batang toh. Sino kaya ang mga magulang nito? Bakit kaya siya iniwan? *sigh* Kawawa naman yung baby. 9 months old palang siya pero iniwan na siya ng mga magulang niya.

Bigla ko namang naalala si Carleigh. Naaalala niyo pa ba siya? Siya yung anak ni Amika. Kamusta na kaya siya? I heard nakalabas na raw siya ng kulungan eh. Maayos na rin daw siya. Nakakamiss si Carleigh. Lalong-lalo na yung pinagsamahan naming nung mga bata kami.

Humiga nalang ako saka niyakap si Baby Jiho. Hanggang sa nakatulog na pala ako.

.

.

.

THIRD PERSON’S POV

Sina Angelo,Toffer,Rence,Ariell,Cristan,Victor at Hyun ay nasa bahay nung lima—yung bahay na niregalo nina Rence at Hyacinth sa lima. Nagtipon-tipon sila dahil daw sa brokenhearted si Angelo.

Fate is Strange [DREAME]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon