Chapter 26: It's Fun to be with YOU,Again Part II

1.6K 44 1
                                    

Chapter 26: It’ Fun to be with YOU,again Part II

 

 

HYACINTH’S POV

Nakarating kami sa isang park. Medyo tago siya kaya naman dalawa lang kami ni Axel ang nandirito. Oo,kaming dalawa lang. Umupo ako sa ilalim ng puno habang si Axel naglalakad at tumitingin sa mga bulaklak.

Nakita kong pipitasin niya yung bulaklak na rose. Pero diba may thorns ang rose?

“Ouch!” ohh tinginan mo =____= Siya yun.

Dali-dali akong lumapit sa kanya. Saka ko tiningnan yung kamay niyang may dugo.

“Ano na naman ba kasing katangahan ang pumasok sa utak mo?” sabi ko sa kanya habang nakatingin pa rin doon sa sugat niya.

Kinuha ko yung panyo ko saka ko pinunasan yung dugo sa kamay niya.

“Okay ka lang ba?” mahinahong tanong ko sa kanya. Sa halip na sumagot siya ay wala. Kaya naman napatingin ako sa kanya.

Nakatitig lang siya saken. Tapos ngumiti siya.

“I miss the way you worry for me” sabi niya. Ngumiti nalang ako sa kanya. Speechless ako eh.

Pagkatapos kung talian ng panyo ko yung sugat niya bumalik ako ng upo sa ilalim ng puno. Siya naman nakatitig lang sakin.

Maya-maya pa lumapit na siya sakin. Tapos umupo siya sa tabi ko.

“Hyacinth naalala mo pa ba yung araw na sinabi ko sayong hindi kita mahal?” biglang sabi niya. Bakit niya bay un itinatanong? Syempre alalang-alala ko yun. Dahil yun yung kauna-unahang nasaktan ako sa pag-ibig eh.

“O-Oo naman” sagot ko sa kanya habang nakatingin sa kanya. Nakatingin lang siya sa kawalan.

“Yun na ata ang pinakamasamang araw na nangyare sa buhay ko.. Lalong-lalo na yung engagement party namin” sabi niya.. Nagulat ako ng may tumulong luha sa pisnge niya.

Hindi ako nagsalita kasi alam kong may sasabihin pa siya. Nakatingin pa rin ako sa kanya kahit sideview lang siya saken.

“Gustong-gusto kong magwala nung araw na yun. Sobra akong nasaktan.. At mas sobra pa akong nasaktan nung nakita kitang umiiyak” gulat ako sa sinabi niya. Ano bang sinasabi niya? Naguguluhan ako.

Sobra sobrang naguguluhan ako.. Tumingin siya saken. At tama nga ako.. umiiyak siya.

“Hyacinth,kaya mo pa ba akong hintayin?” tanong niya sakin. Ano nga ba ang dapat kong sagot? Eh matagal ko naman siyang hinihintay diba?

“Hindi” sagot ko. Nakita ko ang gulat ang pagkadismaya sa kanya. Yumuko siya tapos ay pansin kong tuloy-tuloy ang luha sa mga mata niya.

Itinaas ko yung mukha niya para magkaharap kami. I use my thumb to wipe his tears.

“Hindi..kasi matagal na kitang hinihintay. Gaya ng sabi ko nung nasa mall tayo.. Help me to realize what my feelings to you.” Sabi ko tapos ngumiti ako sa kanya.

Hinawakan niya yung kamay ko na nasa pisnge niya.

“I will… Kung hindi Kaman inlove saken.. I will do my best to make you fall inlove with me..again” sabi niya.

Tapos ay tumayo siya at inayos ang sarili niya. Nagulat ako ng paluin niya ako sa kamay ko. Mahina lang naman tapos ang sabi niya.

“Taya ka!! Habulin mo ako!” sabi niya tapos dali-dali siyang tumakbo.

Fate is Strange [DREAME]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon