Chapter 49 [S2]: Biggest Mistake?
THIRD PERSON’S POV
“The patient is in the State of comatose.. May nakita kaming bleeding sa utak niya na maaaring makacause ng amnesia sa kanya kapag nagising siya. Let’s pray for her na wag naman sana. Ililipat na muna namin ng room ang pasyente. You can visit her na rin. I’ll go ahead” mahabang paliwanag ng doctor sa kanila.
Lahat sila ay doble doble ang kaba na nadarama. Pagkatapos marinig yun ni Axel ay napaupo siya saka napahawak sa pisnge at pinalo niya ang sariling pisnge upang malaman kung panaginip lamang ito. Pero hindi. Hindi iyon panaginip at totoo.
Nakita nilang nailabas si Hyacinth sa emergency room atsaka inilipat sa isang kwarto. Nakatingin pa rin si Axel sa kawalan at hindi pa rin magsink-in sa utak niya na nacomatose si Hyacinth. Naiyak naman ang Mommy ni Hyacinth at pati na rin sina Jam,JC,Celine,Sophie at Mobi.
Nang matauhan sila ay pumunta na sila sa kung saang kwarto si Hyacinth. Una nilang pinalapit ang magulang ni Hyacinth. Pagkatapos nun ay si Axel. Umupo si Axel sa tabi ng kama ni Hyacinth saka hinawakan ang kamay atsaka hinalikan.
“H-Hyacinth.. hindi mo naman kami iiwanan o kakalimutan diba? Hyacinth gumising ka na agad ha?! Hihintayin ka namin. Kahit anong tagal pa yan. Handa ako at kaming maghintay magising ka lang. Hindi pa natin nacecelebrate ang monthsary natin diba? Masasayang yung surprise ko sayo,sige ka!” bigla nalang huminto si Axel at hindi na kinaya at napaiyak na talaga siya.
Naisip niya nung mga panahong kasama niya si Hyacinth. Noong una silang magkita. Noong pumasok sila sa pagiging gangster. Noong panahong magkasama sila at noong sinaktan niya si Hyacinth. Naisip rin ni Axel noong magkita ulit sila ni Hyacinth. Ganun pa rin ang pakiramdam niya kay Hyacinth noong una siyang mainlove kay Hyacinth.
Ganun pa rin at hindi pa rin yun nagbabago…hanggang ngayon. Masyadong maraming nangyare sa buhay nila. Mala-telanovela na sa TV dahil sa mga kadramahan at sa mga pagsubok na dumating sa buhay nila.
Hindi nila nilapitan si Axel kundi hinayaan lang nila itong umiyak. Alam nilang nahihirapan rin ito dahil mahal na mahal niya si Hyacinth. Nagpatuloy si Axel sa pagsasalita kahit na umiiyak siya.
“Hyacinth naalala mo ba noong umalis kayo? Alam mo bang sobra akong naging miserable nun. Sobra akong nahirapan ng mawala ka. Gustong-gusto kitang sundan sa California. Pero hindi pwede eh. Hindi pwede dahil baka mas lalo ka lang mahirapan. Sobra akong nasaktan noong nakita kitang umiyak dahil sakin. Doble pa sa sakit na nararamdaman mo ang naramdaman ko noon. Hyacinth mahal na mahal kasi kita eh..
Pero bakit? Anong nangyare? Ba’t lumayo ka na naman samin? May problema ba? Kung yung nakita mo sa bahay..hindi Hyacinth eh. Mali ka ng iniisip. Hinding-hindi ako magtataksil sayo. Ikaw lang.. Ikaw lang ang mahal ko.. Kaya hinding-hindi ko yun magagawa. Bakit ba kasi ang tigas rin ng ulo mo? Engot ka din kasi eh. Hindi ka nakikinig muna..
Makinig ka naman kasi sakin minsan.. Engot ka talaga! Pero kahit engot ka.. Mahal na mahal kitang engot ka. Ikaw lang yung minahal ko. At ikaw lang ang mamahalin ko. Gumising ka na agad ha? Hinding-hindi kita iiwanan kahit anong mangyare. Gusto kong paggising mo.. Nandito ako sa tabi mo.
Hyacinth wag kang bibitiw ha?! Hihintayin ka namin. Lagi lang kaming nandito para bantayan ka kahit ano pa man ang mangyare. Madami pa tayong pangarap diba?! Hyacinth naman kasi eh.. Magtatampo ako sayo kapag hindi ka nagising agad. *sigh* Mahal na mahal kita” sabi ni Axel saka niya hinalikan sa noo si Hyacinth.
BINABASA MO ANG
Fate is Strange [DREAME]
RomanceOLD TITLE: FIMS BOOK3: COMPLICATED LOVE NEW TITLE: Fate is Strange (Book 2 of Drunk in Love) Three years have passed since everything was all perfect for them. They learned to fall in love, to trust each other, to build friendship and to forgive. Bu...