Chapter 56 [S2]: Reunion

1.3K 45 5
                                    

Chapter 56 [S2]: Reunion

HYACINTH’S POV

Pagkatapos ng mahaba-habang conversation sa Opisina ay umuwi muna kami nung mga kambal para makapagbihis. Si Axel naman itetext niya nalang daw yung address samin. Binibihisan ko na sina KL at L ngayon. Pagkatapos nun ay pinahintay ko sila sa sala.

Nagbihis na rin ako pagkatapos nun sumunod na ako sa baba. Peron g makarating ako sa baba may isang lalaking kausap sina KL at L. Nakatalikod yung lalaki sakin kaya hindi ko kita kung sino. Pero nung humarap sa side ko. Si Axel. Anong ginagawa niya dito?

Agad namang tumayo si Axel nang Makita niya ako.

“Anong ginagawa mo dito?”tanong ko sa kanya.

“Sumabay na kayo sakin papuntang resort.” Sagot niya naman.

“Hindi na.. May kotse naman kami eh” pagre-resist ko pa.

“No,I insist” sabi niya naman kaya wala na akong nagawa. Umupo ako sa passenger’s seat habang yung dalawang bata naman ay sa likod.

“So,nasan ang husband mo Hyacinth?” biglang tanong ni Axel na talagang ikinakaba ko.

“Yeah. He’s right mom! Where’s daddy?” tanong pa ni KL. Nalintikan na >___<

“It’s a private..” sagot ko nalang. Hindi na rin namilit pa si Axel at nagpatuloy nalang din sa pagdrive.

Tahimik lang kami sa kotse habang si KL kumakanta at si L naman pinapatahimik si KL.Ano bang gagawin ko dito sa dalawang bata na toh?

--

--

Pagkatapos ng medyo mahaba-habang biyahe ay nakarating na rin kami sa Resort na sinasabi ni Axel na pagma-may-ari niya. Maganda naman yung dagat. Tapos rinig na rinig na naming ang ingay sa loob.

“Mukhang nagpa-party na ata sila” sabi ni Axel. Tapos hinawakan ko yung kamay nung dalawang bata dahil baka mawala pa sila.

Nagpatuloy kami sa paglalakad na apat. Maraming nagbabati kay Axel. Asensado na talaga si Pusang Doraemon. *sigh* Si KL tuwang-tuwa ng Makita yung isang fountaion malapit sa pool na color pink yung kulay ng pool.

Si L naman parang boring na boring na. Umupo lang kami sa bakanteng table na apat. Syempre kasama si Axel. May nag-serve ng pagkain para samin.

Habang kumakain kami hindi ko mapigilang hindi mapatingin kay Axel. Sobrang ibang-iba na kasi siya sa Axel na nakilala ko. Napakagalante niya na at parang Professional pa ang dating.

“Mommy,is that Tita Celine?” napatingin ako sa tinuturo ni KL. At sina Celine nga. Bigla kong ibinalik ang tingin ko kay Axel.

“Bakit nandito sila Celine? Did you invite them?” tanong ko kay Axel.

“Ah yeah.. Nagkita-kita kasi kami kahapon eh” sagot niya naman. Mabuti naman at hindi siya binugbug nung mga yun noh?

Sina Celine naman nagpalinga-linga ng tingin hanggang sa napatingin siya sa gawi namin at nanlaki ang mata ng Makita kami nina KL at L.

Dali-dali silang tumakbo papunta sa kinaroroonan namin. As in kumpletong-lumpleto sila. Ano toh Reunion? Sama mo pa sina Prince at Sandra. Nako nako.. tsk tsk!

“Anong ginagawa niyo dito?!” agad na tanong ni Jam samin.

“I invited them” mabilis na sagot ni Axel. Napalunok nalang ako. Kitang-kita sa mata nila ang galit nila kay Axel. Pero kung galit sila kay Axel,eh bakit pa sila pumunta dito sa party?

Fate is Strange [DREAME]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon