"Ay girl, ang sarap ng fries dun sa canteen. Try natin?"
"No, thanks."
"Alam ko na, may masarap na Ice cream dun. Try din natin?"
"No, thanks."
"Eh yung pizza dun sa labas ng school? Mamayang uwian!"
"No, thanks."
Bumuntong hininga siya at ngumiti ulit nang malawak.
"May bagong bukas na restaurant do'n sa tabi ng simbahan. Try natin?"
"No, thanks."
This time hindi na siya nakapag pigil dahil humalumbaba siya at tinignan ako ng seryoso. "Hindi kaba talaga mag papa apekto sa pagkain? Stress eating o--"
Hindi siya nakatapos ng pag sasalita nung may nakatabig sa kanyang babae. Maganda siya, matangkad. Maganda yung hubog ng katawan at may mahabang straight na buhok.
"Sorry." Tipid na sabi niya at umalis agad ng hindi kami tinitignan. Lalo tuloy nawalan ng gana si Princess na kausapin ako. Oo, si Princess.
Princess Ferma. Yung babaeng nakita ko sa date namin ni Giann sa amusement park. Yung nerd na naging model ngayon at hindi ko akalain na magiging ka klase ko siya. At ka schedule, except sa last and 3rd to the last subject.
"Sorry din, Princess. Ayaw ko lang talagang kumain ng wala akong gana."
"Bakit ba kasi ayaw mo nalang siyang hayaan?"
"HINDI KO KASI KINAYA NA INAGAWAN NIYA AKO AKO NG APPLE PIE SA CANTEEN!"
"Madami naman kasing Apple Pie sa ibang bakery e, libre pa kita."
"Hindi! Mas gusto ko yung lasa ng Apple Pie sa Canteen."
OO, ANG BABAW KO DIBA? Kanina kasing break time, naagawan ako nung isang babae dun sa Apple Pie na gusto ko. Nag iisa nalang yun, naagaw pa ng iba.
"Dont worry friend, kain nalang tayo mamaya dun sa bagong restaurant. Okay?"
"Sige na nga."
Nag lakad lakad kami at pag katapos ay umattend na ulit ako sa 3rd to the last subject. Nag hiwalay na kami ng direksyon ni Princess pag dating namin sa lobby.
"Good afternoon, class."
Binati namin pabalik ang prof at nag discuss na siya ng about sa subject namin.
Malamang, try mo i discuss niya ang math pero english subject siya? Shunga lang e, no?
"Ready your quiz paper. Ready yourself for 1 to 20 item quiz."
Boring na kinuha ko ang quiz paper ko at nag sulat ng 1 to 20 numbers at hinantay ang mga katanungan ng teacher.
Matapos ang quiz namin ay nag check na kami at nakakuha ako ng 19 out of 20. Badtrip bes. Kaya ayaw ko ng may true or false e. Palagi ako nag kakamali dun.
Palagi nalang ako nag kakamali sa pag iidentify kung tama ba o mali.
Hays. Pag katapos ng klase namin ay lumipat na ulit ng ibang subject hanggang sa last subject na at uwian. Bago ako makipag kita kay Princess sa lobby ay nag CR muna ako.
Pumasok ako sa isang cubicle at boring na nag CR. Lalabas na sana ako nung makarinig ako ng boses ng mga babaeng nag uusap usap.
"Nakita niyo ba yung transfer dito?"
"Oo, yung babaeng tinuturo ng Cyrille kanina."
"Ahh. Anong meron dun?"
"Wala naman, muka kasi siyang mahinhin eh but ang ganda niya. Pede natin siya isali sa gagawing project ng campus."
