Chapter 9

47 5 0
                                    

Natapos ang Mr. and Ms. Campus. Halos isang linggo din 'yong naging usap usapan. Lalong sumikat si Amy dito. Siya kasi ang nanalong Ms. Campus at si Bryan naman sa Mr. Campus.

Sumunod kay Amy si Alexa na Campus Princess. Si Ralph naman ang Campus Prince at sumunod sa kanila si Lorraine at Yuan na runner up.

"Lunch?" Napatingin kami kay Alexa. Natapos na din ang booth namin at ang aatupagin naman namin ngayon ay ang thesis namin. Nag iisip pa ako ng pede kong ilagay don dahil wala pa akong nasisimulan sa chapter 1.

Sumama kami kay Alexa papunta ng canteen. Madami dami ang bumabati sa kanya ganon din samin. Hindi na rin namin sila pinake-alaman dahil sanay na kami sa ganyan.

"Anong oorderin mo, Princess?" Baling ko kay Princess. Nag sabi naman siya ng oorderin niya at ganun din si Alexa kaya lumapit ako sa counter at kinuha ang order namin.

Nilapag din ng dalawang staff ng canteen ang order nila at nag simula na kaming kumain. Nag ku-kwentuhan kami sa mga bagay bagay at na open din namin ang gagawin naming thesis. Naka hanap na sila ng topic. Namroblema tuloy ako bigla. Hindi ko pa talaga alam kung ano ang sakin. Nag simula tuloy akong kabahan ng lumingon sila sakin at nag tanong.

"Anong sa 'yo, Kristelle?" Baling sakin ni Alexa. Nag kibit balikat lang ako. "Hindi ko din alam, e." Sinabi ko naman sa kanila na wala akong maisip. Medyo nag tagal pa ang kwentuhan namin at napatingin ako kay Alexa.

"Alexa, wala ka na bang class?" Tanong ko pa. napakamot naman siya sa batok niya. "Uhm- Meron pa. Mag papaalam na sana ako. Bye, thanks for the time." Sabi niya at unalis na. Kumaway naman kami tapos ay aalis na sana ng biglang may nag lapag ng tray sa lamesa namin.

"Oh-- Raven?" Baling ko sa lalaking nag lapag ng tray at umupo pa. Hindi na ako mag papabebe o ano-- aaminin kong gwapo siya. Matangkad, chinito at maputi. Makinis ang mukha at matangos ang ilong. Maninipis at mapupula din ang labi niya.

"May class pa ba kayo?" Tanong niya samin. Meron pa akong tatlong class na aattendan ngayong araw na to. Apat pa ata ang kay Princess.

"Oo. Pero mamaya pa akong 1:30." Sabi ko at tumingin sa orasan. Mag tu-twelve thirty palang. Meron pa akong isang oras.

"Meron. Apat, mamaya pang one." Sagot naman ni Princess. Mag kaiba na kami ng schedule ngayon simula ng mag resign and isa naming teacher. Pero kadalasan sa subject namin ay mag ka klase padin kami ni Princess.

"Good, then. Samahan niyo muna ako." Nag katinginan kami ni Princess at tumango ako. "Okay." Mabilis kong sagot. Siniko naman ako ni Princess at pinag kunutan ko siya ng noo.

"O-okay lang." nauutal niyang sagot. Nag buntong hininga siya at saka muling bumaling kay Raven na kumakain. Nag labas naman ako ng notebook at ballpen. Naalala kong hindi pa ako tapos sa take-home-test na pinapauwi ng isa kong Prof.

"Anong gagawin mo?" Tanong sakin ni Princess. Nag simula akong mag sagot at sinagot ko si Princess ng "Take home test." Habang hindi tumitingin sa kanya. Alam kong nakatingin din sakin si Raven dahil nakikita ko siya sa peripheral vision ko.

"Nevermind me guys, mag usap lang kayo dyan." Sabi ko habang sinasagutan ang essay part. Maya maya palang ay lumuwag ang kwentuhan nila. Nasagot ako pag tinatanong nila ako pero tutok padin ako sa take home test na hindi ko nasagutan. Katamaran kasi ang pinaiiral ko minsan. Psh.

"Mind if I sit here?" Lumakas ang pintig ng puso ko ng may mag tanong samin. Hindi ko pa man siya hinaharap, alam ko na kung sino siya. Murvyn, great. Tinuloy ko lang ang pag papasok ng gamit ko sa bag ko at hindi siya tinatapunan ng tanong. Walang nasagot sa kanya at mukang napag tanto naman niya na medyo awkward.

The Wedding DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon