Chapter 30

31 6 0
                                    

"Giann!" Napaupo ako mula sa pag kakahiga at napatingin sa paligid. Nakita kong walang tao at nasa loob ako ng opisina, nakahiga sa sofa.

Sobrang lakas ng kanog ng dibdib ko na parang may nag kakarerang kabayo. Nag sisimula naring manginig ang buong katawan ko at namuo ang luha sa mga mata ko.

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko? Iiwan ba ako ni Giann? Ipag papalit niya ba ulit ako? Hindi ko alam. Hindi ko maintindihan.

Anong gagawin ko? Hinanp ko yung cellphone ko at agad kong dinial ang number ni Giann. Hindi siya nasagot kaya napaupo nalang ako. Nararamdaman ko ang pag bigat ng katawan ko at ang pagkalam ng sikmura ko.

Maya maya pa lamang ay sumagot na si Giann. Kaya nabunutan ng tinik ang dibdib ko at napasigaw din ako sa tuwa.

"Giann!" Sigaw ko. Nataranta naman ata siya sa kabilang linya at napanatag ang loob ko. "Kristelle? Where are you?! Anong nangyayari sayo?!"

"Im fine Giann, nawalan lang ako ng malay kanina." Kalmado kong sagot at inayos ang sarili ko. Nag lakad ako papalapit sa pinto at sinagot ang sinabi ni Giann na, "bakit ka nawalan ng malay? Tsk! Pinag aalala mo ako sayo, alagaan mo ang sarili mo dahil malayo ka sa pamilya mo at sakin."

"Ayos lang ako Giann, nalipasan lang ako. Kakain na din naman ako gusto ko lang marinig ang boses mo dahil nag aalala din ako sayo." Sabi ko at binuksan ang pintuan at bumungad naman sakin sa di ganong kalaking hallway si Ms. Linzy.

"Im fine Kris, isipin mo ang sarili mo at palagi kang mag iingat dyan. Hindi naman ako aalis, hindi kita iiwan gaya ng pangako ko sayo. Understand? Kung ano man yang bumabagabag sa isip mo Kris. I'll explain kung ano ang meron samin ni Alexa dati. Okay? Listen—" pinutol ko ang salita niya at sumenyas ng wait kay Ms. Linzy habang hawak hawak ko ang folder.

"Alam ko na Giann, the night nung nag lasing ka.. kinausap mo ako nun. Hindi nag sisinungaling ang lasing diba? Oo, kinailangan pa kitang sunduin para lang umalis ka don." Natatawa kong sabi. Bago tumingin kay Ms. Linzy.

"Giann? I need to get back to work na. Sorry. I'll call you later." Sabi ko at sinabi ang huli kong linya. "I love you." Ngumiti sakin si Ms. Linzy, ani mo'y kilig na kilig saming dalawa kaya napangiti nalang din ako.

"I love you more, babe." Tsaka niya binaba ang tawag. Ngumiti ako at binulsa ang cellphone ko.

"Ms. Linzy, tara na. Kumain muna tayo. Sorry din kanina and thank you for bringing me here." Lumapit siya sakin at sabay kaming naglakad. "Wala 'yon, umorder nadin ako ng foods natin. Dito nalang tayo kumain sa labas para mahangin." Pagkatapos ay hinila niya ako sa labas ng store namin. Meron doong parang park pero ang pinag kaiba ay walang palaruan. Madami lang siyang puno at bulaklak, may mga bench at may lamesa din. Siguro para talaga to sa mga gustong kumain ng presko. Madami kasing katabi ang store namin.

Nang makaupo kami don ay nilapag ni Ms. Linzy ang take-out foods niya sa kilalang fast food chain at kumain na kami. Habang kumakain kami ay nakikinig ako sa kwento niya.

Nag karon na pala siya ng fiancé noon kaya lang ay nahuli niya tong may kasamang iba at di maganda ang ginagawa kaya naman nakipag hiwalay nalang siya dito. Nag karoon din daw siya ng boyfriend dito pero si Linzy ang unang sumuko dahil na nga sa hindi niya na maramdaman ang pag mamahal niya sa lalaki.

"E kamusta naman ngayon, Linzy? Naangat na ang business natin. Hindi kana magiging ganong ka busy. Any plans of having a boyfriend?" Ngumiti siya.

"Wala pa akong balak, pero who knows? Baka next time mag karoon na ako. At sa next time na 'yon, sisiguraduhin kong siya ja talaga." Ngumiti siya sakin. Isang nag babakasakaling ngiti.

The Wedding DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon