Kristelle.
"T-thank you M-Murvyn."
Unti unti niya akong binaba sa pag kakabuhat niya sakin. Grabe! Ngayon ko nalang ulit siya nakita matapos niyang maging exchange student sa malayong lugar. Ang laki ng pinag bago niya.
Ngumiti siya ng malawak at ginulo ang buhok ko. "Ayos ka lang?" Grabe! Parang dati hindi siya makatingin sa mata ko, ngayon nakatingin siya sa mata ko at wala akong makita kundi ang kasayahan sa mata niya. Ganito din siya sakin dati, 7 years ago. Nung kaibigang kaibigan ko pa siya.
Mahal pa kaya niya ako?
Oh sh*t! Bakit ko ba tinatanong ang nga bagay na yun? Panigurado namang hindi niya na ako mahal. Sa ilang taon na hindi ko siya nakita? Malamang ay may nahanap na siyang kapalit ko.
Pero ano naman bang pake ko? Nandyan naman si Giann. At hindi ko kailangan ng isang Murvyn sa buhay ko. Alam kong kay Giann, pede na akong sumaya. Magiging masaya ako. Ilang taon na kaming nag sasama ni Giann kaya imposibleng hindi ko siya mahalin. Mahal ko si Giann, umpisa palang. Minahal at binigyan ko na siya ng pag kakataon.
Teka, bakit ba sinasabi ko pa? Alam ko na naman sa sarili ko ang mga bagay na yon. Hindi ko na dapat pang ipag diinan.
"Oo, ano ka ba! Tsaka, bakit ka nandito?"
"Ah-- e, gusto sana kita makausap. Puwede ba?"
Napatingin ako sa mga kasama ko. Lahat sila nakatingin sakin at biglang nag iwasan ng tingin. Maliban kay President na ang sama ng tingin.. samin? Oo ang sama ng tingin niya samin. Bakit kaya?
Unti unting lumapit si Raven saming dalawa ni Murvyn tsaka sinuri kaming mabuti. Anong meron sa lalaking to?
"Ahm, president.. si--" hindi ko na nagawang ipakilala pa si Murvyn kay President dahil nag salita agad si President.
"Siya si Murvyn. Tama ba ako?"
"Yes President."
"Ahhh. So, bakit nandito ka?"
Natawa ako ng mahina sa inaasal ni Raven. Muka siyang tatay ko na sinusuri ang dala kong manliligaw sa bahay. Oo, ganun yung itsura niya ngayon.
"Ahm--" napalunok si Murvyn. Ganon din siya, muka siyang manliligaw na kinakausap ng tatay na strikto. "Gusto kong maka usap si Kristelle." Sabi ni Murvyn tsaka tumingin sakin.
"Ah, ge." Tipid na sagot ni Raven. Binaling naman sakin ni Raven ang tingin niya at sinabihan ako na wag ko daw kalimutang bumalik bukas ng hapon kaya naman sumama na ako kay Murvyn na gusto akong kausapin.
Dinala niya lang ako sa park na pamilyar na pamilyar sakin. Kung saan ko sinagot si Giann. Ang park na kung saan kami palaging pumupunta ni Giann para bumisita tuwing nag a-anniversary kaming dalawa.
"Kristelle."
"Hmm?"
"Kumusta na?"
Natawa nalang ako sa itinanong ni Murvyn sakin. Syempre okay lang ako, e siya kaya? Para siyang shunga dyan na kasama na e tinatanong pa kung kumusta ako. Hindi ba obvious sa mukha ko na okay lang ako?
"Okay lang naman. Ikaw? Kumusta buhay exchange student?"
"Okay lang din naman. Bakit pala hindi mo tinanggap ang pagka exchange student?"
Boom! Bakit ko nga ba hindi tinanggap? Simple lang. Dahil nung mga panahon na yan, bago palang sa utak ko ang mga salitang binitawan sakin ni Murvyn nung 4th year high school kami. Naiilang ako sa kanya kaya naman ayan, hindi na ako sumama sa pag ka exchange student. Dahil lalo lang kaming mag kakalapit ni Murvyn kung ganon ang mangyayari.
