Chapter 26

34 5 0
                                        

Lahat kami ay tahimik na nanunuod sa kanilang dalawa. Ang paraan ng pag titig ni Alexa kay Giann ay ang paraan kung paano unti-unting napipira piraso ang puso ko. Parang hindi ko na kilala si Alexa, parang hindi ko na kilala ang kaibigan kong madala kong nakakausap at nakakakulitan. Lahat kami ay tahimik lang dahil lahat ng nasa lamesang to ay alam ang meron sa aming tatlo.

Nag kakatinginan kami. Mas nadaragdagan ang tensyon sa bawat pag titinginan namin. Mag kaharap si Alexa at si Giann. Katabi ko sa kaliwa si Clyde at Katabi ko si Ally sa kanan na katabi si Andrei. Katabi ni Andrei sa kanan si Princess at si Raven. Katapat ko si Marielle na katabi si Elaine at si Murvyn. Katabi naman ni Elaine si Raff, katabi nito si Patrick, Nathan at Justine.

Si Giann ay kasalukuyang nakatayo, malamig ang aura at deretsong nakatitig kay Alexa.

"What are you doing here?" Pinag papawisan na ako. Dumagdag pa sa mataray na tanong ni Marielle kay Alexa. "You're not invited here." Dugtong pang muli ni Marielle. Naka hawak naman sa kanya si Raff para pigilan sakaling may gawin siya kay Alexa. Iwas gulo. Nakataas ang kilay at nakatayo na. Lahat kami ay napatayo ng aastang susugod si Alexa pero napigilan siya ni Elaine.

"Ano ba Alexa?!" Sigaw naman ni Elaine. "Anong ginagawa mo dito? Umalis ka na." Si Princess naman. Pero ako ay walang nagawa. Nakatayo lang ako nang lapitan ako ni Ally. Nakahawak siya sa braso ko. Sobrang higpit ng pagkakahawak niya sakin na parang gusto niyang patayin si Alexa.

"Oh bitch! Ahas ka! Dapat nasa zoo ka at wala dito." Aastang susugod na si Ally ng pigilan siya ng fiancé na si Andrei. "Hon not this way." Bulong ni Andrei. Makikita ko ang galit sa mata nila. Nakabaling sila kay Alexa habang si Alexa ay tinignan naman kami. Maya maya lang ay nag salita si Alexa na lalong kinainit ng dugo namin.

"Welcome back, Marielle!" Sarkastiko itong tumawa. "Oh, Giann bakit nandito ka? Hindi ba dapat ay kasama mo ako para iuwi ako sa bahay ko kung malasing ako?!" Tsaka ito humalakhak ng nakakatawa. Nag karoon ng ingay dito at sinensyasan ni Clyde ang guwardiya na bumalik na sa trabaho. Naka harang din sa'kin si Clyde dahil alam niyang ako ang mas naaapektuhan dito.

"Shut up Alexa. Tigilan mo na to!" Natahimik kaming lahat sa pag sigaw ni Giann. Namuo ang kaninang nawalang tensyon ngayon ay tahimik kaming lahat at tutok sa kanila.

"Oh Murvyn! Bakit naman kay Marielle ka nakatabi? Hindi ba dapat ay kay Kristelle?" Hindi pinansin ni Alexa ang masamang tingin ni Giann at tumawa pa ito.

"Tigilan mo na 'to Alexa, wag kang mang gulo dito." Sa wakas ay nakapag salita na rin ako. Natahimik si Alexa at nakita ko ang pag tulo ng luha niya kahit pa sarkastiko itong tumatawa. Lalo akong kinabahan dahil ibang iba na siya sa Alexa na kilala ko. Napaka layo niya na.

"Mas nagulo ang buhay ko! Wala naman ako dapat dito, e! Kung hindi dahil sa kanya!" Nagulat kaming lahat ng bigla niyang ituro si Muvryn. Nagulat din si Murvyn at napabulong. Mas lalo kaming nagulat ng mag bulong ng pangalan si Murvyn na kilalang kilala ko. "Alexia.." bulong niya habang nakatingin sa mata ni Alexa.

"Anong nangyayari?! Naguguluhan ako!" Sigaw ni Marielle. Kilala niya si Alexia. Ang ex ni Murvyn na namatay. Pagkatapos kay Alexia ay ito ang naging girlfriend ni Murvyn.

"Who's Alexia?" Tanong naman ni Princess kay Murvyn. "Ito ba yung nag te-text sayo?" Naguguluhang tanong ni Elaine. "Please tell me what's happening!" Muling sigaw ni Marielle.

"Mag sasalita lang ako kapag nanahimik kayong lahat." Maawtoridad na sambit ni Alexa na nakapag patahimik saming lahat. Nakatingin siya samin at inuutusan kaming maupo. Hinila niya ang isang mono block chair at umupo siya don. Katapat ng circle sofa na kinauupuan namin ngayong lahat.

Unang naupo si Justine at nag siupuan kaming lahat. Tahimik naman na bumalik si Giann sa kanyang upuan dahil naguguluhan din ito sa sitawasyon. Nang makaupo kaming lahat ay tumikhim si Alexa para makuha ang atensyon ng lahat.

The Wedding DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon