Nakatingin lang sakin si Elaine at nag pakawala ng buntong hininga. Ganon din ako at hinayaan ko nalang. Nag patuloy kami sa pakikipag tawanan at pakikipag kwentuhan. Hindi ko muna dapat iniisip si Alexia. Kung siya nga talaga ang hinala ko, impossible ang bagay na 'yon.
"Ah. Lets go?" Yakag namin sa isa't isa. Aattend na kasi kami ng meeting dahil nakatanggap si Princess ng text kay Raven na tapos na ang listing. Papunta kami ngayong apat sa library dahil doon ang meeting place namin. Ka group namin si Raven at siya ang leader sa group namin.
Kasalukuyang maunti lang ang bawat groups. Nasa 30 plus lang ang bawat group dahil ang iba ay nang hingi nalang ng special projects. Hindi sila sporty gaya ng inaasahan.
"Who would be our muse and escort?" Tanong ni Raven. Luminga naman sa paligid ang iba ng may nag taas ng kamay.
"Kayo nalang ni Princess." Suggest nito at nag agree naman kami doon. Binaggit na ang iba't ibang sports na pwedeng salihan at medyo na dissapoint ang iba dahil sa may sports na hindi kayang laruin. No choice kundi mag practice ang iba. Bukas ang start ng game day namin kaya naman excited na ang iba.
Mag m-muse lang si Princess at lalaro siya ng badminton since marunong naman daw siya. Si Alexa, mag v-volleyball siya at mag ta-try ng kaunting board games while si Elaine naman ay madaming sasalihan. Swimming, soccer, 50 meters sprint at iba pa. Ako naman ay okay na sa board game na chess at baka makasali din ako ng basketball girls. Kasali din ako sa swimming at 100 meters sprint.
--
"Thank you and Goodluck!" Pag tatapos ng salita ng head teacher namin sa speach niya. Kasalukuyan kaming nasa field ng school namin.
Ang unang laro ay ang 50 meters sprint. Nandito kami ngayon sa field ni Elaine at nag re-ready na habang ang iba naming kasama ay nag hahanda sa iba pa nilang game.
Nag simula ang game at nakatutok ako kay Elaine. Nang mag sign ng go ang assigned teacher ay mabilis ang pangyayari. May kapantay si Elaine and wow, nauna siya sa kapantay niya. Ending, panalo siya.
Sumunod ang boys sa kanila at papalapit sakin si Elaine na hingal na hingal pa. "Tubig?" Pinigilan ko si Alexa. "Wag muna. Masyado pang mabilis ang tibok ng puso niya." Bigla naman siyang natawa. "Mag do-doctor ka ba?" Nag bibiro niyang tanong. Tumawa lang ako at pag katapos ng ilang minuto ay saka siya inabutan ng tubig na hindi malamig.
Sabi sakin ni Coach Lee, wag daw ako uminom ng tubig kapag mabilis daw ang tibok ng puso ko at wag daw malamig na tubig ang inumin ko. Kaya siguro natandaan ko ang sinabi niya at ngayon ay ina-apply sa mga kakilala ko.
Pagkatapos ay ako naman ang sumalang sa field, umunti ang nanunuod dahil nag simula na din ang soccer ng boys kaya mas dumami ang nanunuod dun.
Nakapila kaming mga lalaban ng pantay pantay at hinahantay ang go signal ng assigned teacher. Binaba nito ang orange flag at nag simula kaming tumakbo.
May nauna sakin at nagulat ako ng makita kong 'yon ang binlockmail ni Amy. Hindi ko muna siya tinignan at nag patuloy sa pag takbo nalampasan ko siya at ng makarating ako sa dulo ay kakarating niya lang rin.
"Congrats." Bati niya at narinig ko ang sigaw ng iba kong ka team. Hingal na hingal akong nag lakad pabalik sa pinag takbuhan ko at nagulat ako ng kasabay ko ding mag lakad yung babaeng binlock mail ni Amy. Hingal na hingal din siyang nag lalakad pabalik.
"Im Coreen. You?" Pakilala niya sakin at ngumiti pa ito. "Im Kristelle." At tuluyan kaming nakarating sa pwesto namin kanina.
"This is Elaine, This is Alexa and this is Princess." Pakilala ko pa. "Hello! Coreen here." at tumingin siya kay Alexa. "I know you. Alexa right? Girlfriend ka ni--" hindi natapos ang sasabihin niya ng may tumawag sa kanya.
"Coreen!" Napatingin kaming doon at nakita namin si Amy. Kinabahan ako at napatingin ako kay Elaine na nakatingin din sakin.
"Kanina pa kita hinahanap." Napabuntong hininga si Coreen at lumapit ng kaunti kay Amy. "Oh, hello and goodbye." puna niya samin at mabilis na hinila si Coreen. Lalo kaming nag katinginan ni Elaine at di namin alam ang gagawin. Hindi na nagawang mag paalam samin ni Coreen. Alam kong kinakabahan din siya.
"Alexa may boyfriend ka pala?" Nabaling ang tingin namin ni Elaine kay Princess at Alexa ng magsalita ito. Tinignan namin si Alexa at bigla siyang tumawa ng pilit. "Baka akala niya lang. Alam niyo namang palagi kong kasama si Yuan." Tumango lang kami ni Elaine at ngumiti.
"Ahhh." Mahinang usal ni Princess. Pagkatapos no'n ay nag pahinga pa kami nang kaunti. Sunod na game ay si Elaine para sa soccer.
Nag papahinga kami sa ilalim ng puno sa taas dahil pag baba mo ay field. Sa taas ay may building na hindi ganong kataas at madaming kwarto.
"Wala kayong game?" Tanong ko kay Alexa at kay Princess. Tumango sila at mag sasalita pa sana si Alexa ng sumulpot sa harap namin si Raven.
"Ano? Aakyat ka ng ligaw? Mag asikaso ka muna ng game." Natatawang biro ni Elaine. Tumawa din ako ng bahagya at umiling naman samin si Raven habang seryosong nakatingin lang si Alexa at Princess kay Raven.
"Kulang tayo sa soccer girls, kayo nalang ang pwede kong lapitan. Sinong marunong dito?"
"Bakit tayo nag kulang? E kumpleto naman kahapon?" Tanong ni Elaine. "Nag back out yung iba, hindi ata kinaya yung 150 meters sprint. Yung isa naman, injured sa long jump." Napabuntong hininga si Elaine.
"Why not try natin girls?" Napatingin ako kay Alexa na may pagka excite sa muka niya. "Marunong ba kayo?" Tanong Raven samin.
Napa-isip ako. Last year ay lumaro na din ako. Masaya naman pero hindi ako ganong nakaka score. Pero okay na din kahit hindi kami nanalo sa soccer nun.
"Oo marunong ako." Sagot ko. "Me too." Sabi naman ni Princess. "Of course maalam ako!" Excited na sabi ni Alexa kaya napatawa kami. Ang kulit niya padin, hindi nag babago.
Nag start na kaming pumunta sa soccer field at ang kalaban namin ay Green team. Medyo kinabahan ang iba dahil magaling daw ang iba naming kalaban which is true dahil sila ang nakatalo samin.. kaya lang yung iba ay nasa team namin at ang iba pa nilang ka group dati ay nasa iba pang group.
"Wag kayong kabahan, okay lang kahit matalo tayo. Just enjoy the game." Sabi nung isa naming ka group at tsaka lumapit ng kaunti sa coach.
Nag explain pa ng kaunti ang assigned teacher at nag start na kami. Napunta sa kalaban ang bola ng bigla kaming magkasabay sa pagtakbo ni Alexa para habulin yung kalaban at corner-rin.
Malapit na kami ng may tumabig sa gitna namin dahilan para matumba kami pareho sa grounds. Nahinto ang laban at nakakapit ako sa siko ko habang nakalumpasay sa damuhan.
"Ang sakit." Namimilipit ako at napatingin sa babaeng naka bangga samin to see its Amy Fantallion at malayo na sa amin. Agh.
Nakita ko naman si Alexa na hawak hawak ang binti niya habang nakaupo. "Aray. Sino ba yun?" Inis na tanong ni Alexa.
Nakita ko ang ibang nag lapitan na ka team namin at teacher pero nakita ko ang lalaking nangunguna sa paglapit dito. Sobrang bilis ng takbo niya at pag lapit dito ay naalis ang pag aalala ko.
"Giann." "Babe."
Napatingin ako kay Alexa. Tinawag niya si Giann ng "Giann." at parang bagong gising na malungkot ang boses niya. Napatingin din siya sakin ngunit iniisip ko kung bakit ginawa niya yon.
Napatingin naman ako kay Giann na nakatingin din sa kanya. "Si Kristelle, b-bilisan mo." At agad akong nilapitan ni Giann at hinawakan ang braso ko na sobrang sakit. Pero pag kahawak niya 'don ay nawala ang pag alala ko sa sarili ko. Pakiramdam ko ay sobrang safe ko na.
"Sa'n masakit? Dadalhin kita sa clinic." Dahan dahan niya akong tinayo at inalalayan sa bewang ko.
Napatingin naman ako kay Alexa na ngayon ay inaalalayan ng teacher. Lumingon ako sa ibang tao na naka tuon sa mga laro nila. Sa malayo ay nakita ko si Coreen na nag fo-focus sa tatalunin niya. Lumapit din sakin sila Elaine at inalalayan ako ang kaunti.
Kaya ko namang mag lakad pero paika ika. Mas napuruhan ako sa'min ni Alexa.
"Giann." ngunit hindi ko makalimutan ang paraan ng pagtawag ni Alexa kay Giann. Hindi ako kuntento sa narinig ko kanina.
Ano ang ibig sabihin non?
To be continued..
