Chapter 13

39 4 0
                                        

Pagkatapos ng gabing dinner namin ay parang nawala ang pagka hiya ko kay Tita Silvia at Tito Rex. Hindi naman sa walang hiya pero parang sanay na sanay na ako sa presence nilang dalawa. Lalo na kay Chloe. Ngayon naman ay kinakausap ko si Kyrie.

Nasa kwarto niya ako at siya naman ay nakatutok sa computer niya at may nilalaro ata. "What?" Inis na utas ni Kyrie sakin.

"Alam ko na ang dahilan ng break up niyo ni Chloe." Deretso't mahinahon kong sabi.

"And why do you care?" Nainis ako sa tanong ni Kyrie na 'yon. "What?! Fvck--Kyrie!" Nang gigigil ako. "Are you stupid?! Im your sister and yet you're asking me why do I care?!" Halos maipon na ang luha sa gilid ng mata ko.

"Yes. Why do you care? Maibabalik mo ba kami kung sabihin ko sayo? Sa tulad mo?" Nanlambot ang tuhod ko sa mga narinig ko kay Kyrie. Halos manikip ang dibdib ko. Ganito na ba talaga siya? Tumulo ang luha ko. Pinunasan ko pero tumutulo padin. Sabihin niyo ng OA ako pero kapatid ko ang kaharap ko! Hindi ko matanggap na ganito ako kausapin ng kapatid ko.

"Hindi ko na kailangan pang mag sayang ng panahon at oras para lang sabihin sayo 'yon at wala kang pake kung ano ang nangyari saming dalawa." Halos di ako makapag salita sa dugtong ni Kyrie. Masama ang tingin niya sakin at ramdam na ramdam ko ang coldness sa boses niya.

"I care about you Kyrie! I care about your feelings! Bakit ba parang galit ka pa?! And youre saying na sa tulad ko? Ano mo ba ako Kyrie? Ate mo ako! Hindi mo ako utusan, katulong o yaya! Nandito lang naman ako, e! Pero bakit parang hirap na hirap kang mag bigay ng atensyon at oras sakin kahit isang minuto?!" Tahimik lang siya pero ganoon padin ang aura niya.

"Kung ayaw mo ng ateng kagaya ko--Fine." Inis akong lumabas sa kwarto niya at humagulgol ng iyak sa sakit. Hindi ganyan ang Kyrie na kilala ko. Hindi ganyan ang kapatid ko.

*RIIIIING*

Napatingin ako sa cellphone ko at mabilis kong sinagot ang tawag ni mommy.

"Nak? Nasan ka?" Bumuntong hininga ako at inayos ang sarili ko. "Ah--yes mommy? Nasa bahay po." Pero hindi ko maiwasan ang boses ko, parang basag.

"Nak may problema ka ba?" Hindi ko napigilan ang sarili ko. Umiyak na ako ng umiyak at hinayaan lang ako ni mommy.

"Mom, let's not talk about it.. this time, maybe tomorrow?" Sabi ko at binaba ang tawag. Hindi ko alam kung may sasabihin ba siya o wala. Nag half bath lang ako at pagkatapos ay natulog na din.

.

Kinabukasan pag gising ko ay maaga akong bumaba para mag jogging. Nakabihis ako ng leggings naka T-shirt lang sa pantaas. Nag suot din ako ng black jacket at nag palsak ng earphones sa tenga ko.

Sandali kong inalis sa isip ko si Kyrie at nag patuloy sa pag jo-jogging ko. Nang mapagod ako ay naupo ako sa park na nandito sa village namin. Dahil maaga pa ay solong solo ko ang park. Naisipan kong maupo sa bermuda grass at tumungo. Masarap ang hangin dito maghapon lalo na sa tanghali. Pero lumalamig ang dampi ng hangin pag gabi.

Tahimik lang ako dito ng mag ring ang cellphone ko. Tumatawag si Giann.

"Goodmorning, Prinsesa ko!" Masayang bati niya. Sa bati niyang yun ay parang nawala lahat ng problemang nasa dibdib ko. Napawi niya ang lahat ng yon at pag katapos ay napalitan ng ngiti ang nakakunot kong noo.

"Good morning, Giann ko." Bati ko pabalik. Tumayo ako at nag lakad lakad na pabalik sa bahay namin.

"Mmm babe! Tumawag sakin sila Ally kagabi! At susunduin kita mamaya sa bahay niyo. Were going to meet them." Sabi niya. Lalo akong panangiti sa narinig ko.

The Wedding DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon