Kristelle.
Nakatambay kami ni Giann sa backyard at inalis ko muna saglit sa isip ko si Alexa at nag focus kay Giann.
"Bakit nga ba susunduin mo pa ako sa classroom?" Tanong ko sa kanya. Bigla namang kumunot ang noo niya. "Palagi ko namang ginagawa 'yon sayo." Sabi niya at bumuntong hininga. "Pasensya na-- alam kong hindi ka sanay na ganito ako ngayon. Pero I just want us to be happy. Alam kong nag kulang ako sayo dati. Im so sorry Kristelle. Hayaan mo akong bumawi sayo." Sabi niya at ngumiti.
Oo nga, naninibago ako sa kanya pero may point naman siya. Gusto ko din namang maging ayos kami. Walang problema at bukod don, walang sagabal. Nginitian ko din siya at nahiga ako sa balikat niya.
"Giann ko." Baling ko sa kanya at ngumuso. Ewan ko ba? Nakasanayan ko narin siyang tawagin na 'Giann ko.' kaysa 'babe' na call sign namin. Alam kong nawala na din 'yon dahil binalik niya na naman ang tawag niya saking 'prinsesa ko.'
"Hmm?" Nakatingin padin siya sa mga bulaklak na nasa harap namin. "Sabado naman bukas, e. Wala kang pasok diba?" Tanong ko. Tumango naman siya. "Of course." Tumawa pa siya at nawala ang mga mata niya. Singkit kasi, e.
"Sila Andrei kasi. Hindi natin sila nasipot nung nakaraan." Sabi ko. Alam niya na ang tinutukoy ko. Bigla naman siyang napatingin sakin.
"Oo nga pala. Tsk." Bigla niyang inilabas ang phone niya at nag type. "Bukas. Dadaanan kita sa inyo. Around 2PM." Sabi niya ng tumunog ang phone niya.
Madami dami din kaming napagkwentuhan at tumingin siya sa relo niya. "Its already time. Ihahatid na kita." Tumayo naman siya at isinukbit ulit ang bag niya sa balikat at naglakad kami papunta sa next class ko.
Naalala ko na naman ang thesis na gagawin ko kaya binaling ko ang tingin ko sa kanya. "May nasimulan kana ba sa Chapter 1?" Alam niya na ang tinutukoy ko don. Ang thesis namin.
"Ah, meron na. Pero hindi pa sapat 'yon. Ikaw ba?" Tanong niya naman sakin. Umiling ako. Gusto ko talaga makahanap ng idea about sa thesis ko pero mukang mahihirapan ako.
"Hmm, sige. Mag gawa tayo ng thesis sa Monday. Susunduin ulit kita. Hanggang anong oras ba ang class mo?" Tanong niya sakin. Nag isip naman siya. "12:45." Sagot niya sa sarili niyang tanong.
Yes, inalam niya ang schedule ko. Ewan ko sa kanya. Hindi ko na inalam ang kanya. Hindi ko naman sobrang kailangan.
Huminto na kami ng makarating kami sa tapat ng room ko. Swerte nalang dahil wala pa din sa hallway ang prof. ko. Binaling ko sa kanya ang tingin ko tsaka nag paalam na. Mabilis niya idinampi ang labi niya sa noo ko at tumalikod na. Pumasok ako sa room ko ng makita ko si Elaine. Isa sa mga ka close namin ni Princess. Nakakasama din namin siya paminsan minsan pero kadalasan ay busy siya. Kung minsan naman, dun siya sa ibang kaibigan niya nasama. Friendly siya at halos lahat ng classmates namin ay nakakasundo niya.
"Kristelle!" Tawag niya sakin. Itinuro niya naman sakin ang katabi niyang upuan at sinenyas na umupo ako don. Naupo naman ako don at nag labas ng notebook na gagamitin namin sa subject na to. Medyo terror nga lang ng kaunti ang prof namin pero maiintindihan mo naman.
"Bakit parang 'di kana sumasama samin?" Tanong ko sa kanya. Ngumuso naman siya bigla. "Sorry na! Nag tatampo ata kayo?" Ang cute niya. Maganda din kasi siya, matangkad, tisay at bagay sa kanya ang buhok niyang curly. Ang cute cute!
"Hindi naman, busy ka ba?" Tanong ko ulit. Umiling naman siya. "Its just I have to fix things with my group. You know? The cheerleaders." Napatango naman ako. Sa totoo lang, medyo nakakatampo talaga siya, e. Kaya lang hindi ko naman siya masisisi kasi palagi niyang sinasamahan ang cheerleaders niyang kaibigan. Ganun din naman siya pero sa kanilang lahat, tatlo lang silang walang arte sa katawan. Isa din siya don.
