"Ayan, ang ganda ganda mo na." Ibinaba ng baklang nasa harap ko ang make-up brush niya at nag mulat ako ng mata. Nakita ko ang repleksyon ko sa salamin na nasa harap ko.
Maganda nga ang pag kakaayos niya sakin. "Handa ka na ba?" Tanong nito sakin. Napalunok ako at napalayo ang tingin. Handa na ang lahat. Ako nalang ang hindi pa handa.
Alam ko din naman sa sarili kong hindi talaga ako magiging handa sa bagay na 'to. Hindi ako handa na mag suot ng mahaba at bonggang gown na kulay puti at malagyan ng belo.
Ni minsan ay hindi ko pinangarap na maikasal... sa taong hindi ko naman gusto. Sinabi ko sa sarili ko na mag papakasal lang ako sa taong mahal ko. Sa taong tinitibok ng puso ko.
At hindi ko mahal si Murvyn dahil minahal ko siya.
"Mag smile ka naman, for sure excited na ang mapapang-asawa mo e sa ganda mong yan!" Masigla niyang bati. Ngumiti ako kahit pilit. "Ayan, naka smile kana. Tara na? Muka kasing nag mamadali na sila, kailangan kana ata nila." Hindi na ako nag salita at sumunod nalang din sa wedding organizer.
Nang pasakayin ako sa kotse ay sobrang lakas na ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung magiging tagumpay ba ang plano pero wala na akong pake, basta ang mahalaga makapag arte ako.
Ayokong matuloy ang kasal. At alam 'yon ng mga kaibigan ko.
Pansin ko din na parang nag mamadali ng talaga sila dahil maging ang driver ng sinaakyan kong kotse ay madaling madali na. Halos wala pang sampung minto nang makarating kami sa simbahan at pag dating ko, ayos at handa na ang lahat.
Lumapit sakin si Marielle at inabot sakin ang panyo na lalong nag pabilis ng tibok ng puso ko. "Kailangan mo yan." Ngumiti siya sakin at tumango ako. Nag sisimula na ring mangilid ang luha ko.
Sinabayan pa nang makita ko ang tatay kong sobrang saya ng ekspresyon. Gustong gusto niya na ang pera. Napatingin naman ako kay mom na bakas ang pag-alala sa muka. Ngumiti ako ngunit bumagsak ang mga luha sa mga mata ko. Hinayaan ko lang na umagos 'yon at hindi agad pinusan.
Marahil iisipin ng iba na naiiyak ako sa tuwa pero ang dahilan ng pag iyak ko ay ang pag tanggap na mukang hindi magiging masaya ang araw na 'to. Isang araw na parang sumpa sakin. Isang araw na hindi ko ginustong dumating.
Mabilis na nag simula ang kasal, nag lalakad ako pababa. Isang garden wedding ang naisipan nila. Ang lahat ng to, sila ang nag plano. Hindi naman madami ang bisita. Kaunti lang, halos mga business partners nila. Konektado silang lahat sa business.
Habang nag lalakad ako papalapit sa kanila, lalong bumubuhos ang luha sa mga mata ko. "Stop crying." My mom told me. She held my hand to tell me that I'll be okay—hell no.
At nang mag katinginan kaming mag kakaibigan, siguro nga ito na ang tamang oras para gawin ang bagay na 'to. Pinunasan ko ang luha sa mga mata ko at pasimpleng inamoy ang panyong inabot sakin ni Marielle.
Habang nag lalakad ako ay unti unti narin akong nakaramdam ng pagkahilo. Hindi pa ganong tumatalab kaya't inamoy ko ulit ito at nang iabot ni Mom ang kamay ko Kay Murvyn ay lalo akong nahilo. Saktong pagkahawak ko ng kamay sa kanya ay ang pag dilim ng paningin ko at ang pag bagsak ko sa sahig.
"Kristelle!" Narinig kong sigaw ni Mom bago ako mawalan ng malay pero parang gusto kong mag mulat nang makita ko sa sulok si Giann.
Giann
.
"Kristelle!" Napatingin ako sa babaeng nasa harap ko. Si Ally. Nakahawak siya sa tiyan niya at muka siyang nag alala sakin. "Bakit sobrang tapang naman ata nung nilagay niyo sa panyo?!" Bulyaw niya pa. Pinakalma naman siya ni Andrei. Medyo nakakaramdam ako ng pagod pero pinilit kong maupo mula sa pagkakahiga.
