Kristelle.
Matapos naming kumain ay tumambay muna kami saglit at nag kwentuhan ng kung ano anong random stuffs. Ngayon nag k-kwentuhan naman kami sa mga napanuod namin sa cinemas.
"Alam niyo yung inside out?" Tumingin ako kay Alexa. Tinuro pa siya ni Princess at tumawa. "Ya-ya! Naiyak ako sa part na ni-let go ni elephant ba yun? Basta! Si Happiness para lang makaalis dun."
"Hmm, same same!" Sabi ko. Naiyak din ako dun e. Well, i forgot the names but i can still remember the scene. "How about the boss baby?" Na excite ako bigla. So lahat ng napanuod ko sa cinema na pang bata? Pinaka cute yon! Whaaa. Their faces are still fresh.
"Whoa! Forget about the baby!" Tuwang tuwa sila nung sinabi ko yun tapos nag sasabi pa sila ng kung ano ano.
Mabilis lang ang oras at sa gitna ng pag ku-kwentuhan namin ay nag ring ang phone ni Alexa. Tumayo siya at nag excuse para sagutin ang tawag. Go lang kami ni Princess at naiwan dito.
"Komportable ka ba sa kanya?" Tanong niya sakin pagka labas na pagkalabas ni Alexa. Ngumiti ako sa kanya at nag nod. "Okay naman siya, e. Infact, masaya nga siyang kasama."
"Well, i feel the same way." Ngumiti siya at nag sipped sa juice niya. Napatingin ako sa kanang bahagi ng glasswall ng restaurant na to at nakita ko ang malaking simbahan kung saan madaming family ang napunta. Madami ding street vendors ang nagkalat pero isa lang ang nakaagaw ng pansin ko. Yung matandang babae na nanghula sakin. Si Lola Auring.
Umiwas ako ng tingin sa kanya at ibinalik ang tingin ko kay Princess pero nakita kong nakatingin din siya dun. "Lola Auring.." she whisppered. Kinabahan na naman ako. Baka hilahin na naman ako ni Princess papunta sa kanya. Ayaw ko na. Natatakot ako sa pedeng sabihin sakin ni Lola Auring. Natatakot ako.
"Princess, wag na." Sabi ko. Humarap siya sakin at tumango. Mukang alam na niya ang ibig sabihin ko. "Okay ka lang ba?" Tanong niya sakin. Tumango ako sa kanya at ngumiti. Sa totoo lang, hindi ko padin nakakalimutan ang hula ni Lola Auring sakin.
Sino ba naman ang maagaw sakin diba? Isa lang naman yun, si Giann. At ayaw kong mangyari yun, kaya habang nandyan siya hinding hindi ko ipaparamdam sa kanya na nakakasawa siya. Ayaw kong bumitaw saming dalawa. Ayaw kong makitang unti unti siyang lumayo sakin. Natatakot ako.
"Kristelle, Princess!" Parehas kaming napatingin kay Alexa na papalapit samin. Nung makalapit aiya sa table namin ay binuhat niya na ang bag niya at nag paalam.
"Sorry talaga, pagagalitan na ako ng kuya ko e. Bye!"
"Ingat." Sabi ko tsaka tumayo na din. Inayos ko ang gamit ko at sabay kaming nag lakad palabas ni Princess. "Ano, uwi na din tayo?" Tanong niya sakin. Umiling naman ako. "Dadaanan pa kasi ako ni Kyrie dito e. Tsaka mamaya pa yung usapan namin. Sorry." Sinundot niya ang bewang ko at mukang kinilig kilig pa.
"Alam mo, ang sweet ng gwapo mong kapatid." Tumawa nalang ako sa kanya at nag wave ng goodbye ko nung tumawid na siya at sumakay sa jeep. Nakatingin lang ako sa paligid ng mag vibrate ang cellphone ko.
From: unknown number
Im with your sweet boyfriend, bitch.
Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi to totoo diba? Wala namang proof, e! Hindi naman totoo na kasama niya si Giann. Hindi yon magagawa sakin ni Giann! Hindi lang kami nag uusap pero kami padin. Hindi pa naman kami tapos e, diba?
To: unknow number
Sino ka?
Nag hahantay ako ng reply niya ng may kumalbit sakin. Hinawakan niya ang palad ko at mabilis ko itong binawi, akala ko wala na siyang masasabi pero mukang nasilip niya padin ang kapalaran ko.
