Chapter 21

32 4 0
                                        

"A-ayos ka lang? Bakit ka umiiyak?" Mabilis na tanong sakin ni Coreen bagaman nauutal siya.

"Sigurado ka bang boyfriend ni Alexa si Giann? Baka naman nag kakamali ka." Paninigurado naman ni Elaine. Nananatili akong naka yuko at patuloy ang pag tulo ng luha sa mga mata ko. Inabot sakin ni Coreen ang panyo ko na hindi naman niya nagamit at kinuha ko iyon. Hinila naman ni Princess ang kamay ko at pinisil pisil pa iyon.

"Hindi ko maintindihan." Sabi ni Princess. "Hayaan nalang muna nating mag kwento si Coreen para malinawan tayong tatlo." Prisinta naman ni Elaine. Tatayo na sana ako pero hinila nila ako pareho pabalik.

"Sige, ituloy mo ang kwento mo." Ngumiti ako ng bahagya at pinigilan ang nag babadyang pag tulo ng mga luha ko.

"P-palagi kong nakikita si Alexa at si Giann sa lumang room dulo ng hallway sa 3rd floor ng building namin."

"Baka naman binigyan mo lang ng malisya?" paniguradong tanong ni Princess pero umiling si Coleen.

"Hindi ako nag kakamali dahil minsang pag punta ko 'don ay nakita kong hinalikan ni Alexa si Giann sa labi nito." Nang hina ang katawan ko sa sinabi ni Coleen. Sobrang sakit sa puso ng mga naririnig ko. Sobrang sakit. Mas masakit pa to sa naramdaman ko matapos akong baliwalain ni Murvyn ilang taon na ang nakalilipas.

"Hindi ko na kinaya ang mga nakikita ko. Na kokonsenya ako sa ginagawa ni Amy kay Giann kaya naman nung araw na sasabihin ko na, binlockmail ako ni Amy na ikakalat niya na nag karon kami ng relasyon ni Lance habang sila pa ni Kaye." Hinayaan lang namin siyang mag kwento kahit patuloy ang pag hikbi ko. Hindi ko maintindihan kung panong nagawa sakin to ni Alexa at ni Giann.

Kung ganon ay tama nga ang sinabi sakin ni Lola Auring. Na may maaagaw sakin. Tama din ako dahil alam kong si Giann ang tao na 'yon.

Sobrang sakit. Dinoble pa ang sakit ng malaman kong sa lahat ng babae. Bakit si Alexa pa? Bakit ang kaibigan ko pa?

Hindi ko maintindihan. Ang gulo gulo. Ang sakit sakit.

"Hindi ko alam na may karelasyon pala si Lance at si Kaye 'yon. Nalaman ko lang ng makita kaming pareho ni Amy. Ang gara nga e, parang hinuhuli lang namin ang isa't isa. Pero ang pag kakaiba namin, alam ni Amy ang ginagawa niya at hindi ko alam ang ginawa ko." Tumulo ang mga luha sa mga mata niya at parehas kaming humihikbi ng matindi ni Coleen.

"Nag kakamali ka dahil ang girlfriend ni Giann ay si.. Kristelle." nag aalanganing sambit ni Elaine. Nalito ang muka ni Coleen pero hindi ko na kaya ang mga naririnig ko kayat tuluyan na akong umalis sa pinag uupuan namin at naramdaman ko ang pag sunod sakin ng tatlo.

"Kristelle!" Tawag nila sa pangalan ko pero mas binilisan ko pa ang pag lalakad ko at sa hindi ko namalayang pangyayari. Nabunggo ako. Nabunggo ako ng isang tao.

"Kristelle ayos kana ba?" Nag alalalang tanong nito sakin. Sakto naman ang pag hinto ng tatlo kong kaibigan at hingal na hingal pa ng abutan ako ng mga ito. Nakatingin lang sila samin ni Giann at napalinga ako sa paligid. Nagulat ako ng makita ko si Murvyn na nakatayo sa tabi ng isang building at naka tingin din samin ni Giann.

Natawa ako ng kaunti habang pumapatak ang luha sa mga mata ko at tinignan ko ang mga mata ni Giann. Bakas ang pag alala sa mga mata niya. Hindi ko alam kung anong pag alala ba ang nararamdaman niya.

Pag alalang nasaktan ako dahil sa laro ng soccer o pag alalang nasaktan ako't nalaman ko ang totoo dahil sa pag lalaro? Pag lalaro ng nararamdaman ko.

"Well played, Giann." Pag kasabi non ay sinampal ko siya ng malakas at iniwan ko siya don kasunod ang mga kaibigan ko. Alam kong hindi siya agad nakapag react dahil nagulat siya sa ginawa ko.

"Kristelle sa'n ka ba pupunta?" Nag aalalang tanong sakin ni Elaine. "Hindi ko alam, kayo na ang bahala dito. Gusto kong mapag isa." Sabi ko at umalis sa lugar na iyon. Nang makalabas ako ng school ay nag hantay ako ng sasakyan at sakto naman na nakita ko ang isang taxi na papalapit dito at agad kong pinara.

Sumakay ako don at nakita ko pa ang pag labas din ng kotse ni Giann sa school. Gusto ko munang umuwi at mag pahinga pero naisip kong lalo lang akong makakaramdam ng sakit sa bahay kaya naman ipinadertso ko ang taxi sa kompanya nila Mom and Dad. Bumaba ako at nag bayad at pagkatapos non ay dumeretso ako sa loob ng kompanya.

Madami ang bumabati sakin pero isang pekeng ngiti lang ang naisukli ko sa kanila. Sumakay ako sa elevator paakyat sa office ni Mom at di ako nabigo dahil nakita ko duon si mom at mukang may inaayos na papeles.

"Kristelle?" Gulat na tanong ni Mom. "What brings you here? What happened? Are you okay?" Nag aalalang tanong ni mom. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Iniyak ko lahat ng sakit na nararamdaman ko at niyakap naman ako ni mom. Wala siyang ibang ginawa kundi pagaanin ang loob ko.

"Mom, ang sakit sakit." Panimula ko. "Alin ang masakit anak? Mag sabi ka." Humarap ako kay Mom at itinuro ang puso ko.

Niyakap niya akong muli at ng tumahan ako ay pinaupo niya ako sa sofa ng office niya. Nag simula akong mag kwento kay mom lahat ng nangyari at nag alala siya para sakin. Sinabi ko pa muna kay mom na gusto ko nalang dito muna manatili at gusto kong libangin ang sarili ko.

Nag alala pa si mom pero sinabi kong gusto kong libangin ang sarili ko. Nakita na din ako ni Dad at mas pinili ni mom na siya nalang ang mag paliwanag kung bakit ako nandito.

Kasama ko ang secretary ni Mom at tinutulungan niya ako sa pinapagawa ni mom. Nag bibilang kami ng mga stock ng products namin dito sa isang store at tinitignan namin ang hindi na pwedeng ibenta. Habang ginagawa namin 'yon ay kinakausap ako ng secretary ni Mom na si Ate Daishiel kaya nalibang ako ng kaunti sa kanya.

Masakit ang nararamdaman  ko pero mas pinili ko lang munang libangin ang sarili ko kesa imukmok to sa isang sulok. Mas lalo lang akong nakakaramdam ng sakit kapag ginagawa ko ang isang bagay na 'yon.

Nang matapos kami sa gawain namin ay nag paalam ako kay mom na may pupuntahan ako. Pinayagan naman niya ako at ipinadala niya ang kotse ni Dad sakin. Hindi naman ako marunong mag maneho kaya isinama ko ang driver at nag pababa sa paborito naming lugar ni Giann.

"Paki balikan nalang po ako around 5PM." Sabi ko at umalis naman siya. Dahan dahan akong nag lakad papunta sa entrance ng isang park. Eto ang paborito naming lugar ni Giann. Ang park kung saan ko siya sinagot.

Nag punta ako sa pinaka main garden ng malaking park na to at doon at umupo sa ilalim ng puno katabi ang mga makukulay na bulaklak.

"Hindi ko maintindihan Giann. Ipaliwanag mo naman." sabi ko kahit alam kong hindi naman ako naririnig ni Giann. Kasabay ng pag yuko ko ay ang pag patak ng mga luha ko.

Maisip ko palang na iba ang kasama ni Giann ay winawasak na ang puso ko. Lalo pa't malaman kong kaibigan ko ito. Mas masakit.

Nasasaktan ako. Nasasaktan ako kapag iniisip ko silang mag kasama. Nasasaktan ako kapag naiisip ko kung pano nila ituring ang isa't isa. Ano ang ibig sabihin nito? Sunod ba nito ay ang pakikipag hiwalay sakin ni Giann? Hindi ko kaya.

Ang sakit. Sobrang sakit. Patuloy ako sa pag hikbi ko. Kahit pa punasan ko ang mga luha na umaagos mula sa mata ko ay hindi parin humihinto ito na parang tubig na umaagos sa isang ilog.

"Nandito ka lang pala." Nag angat ako ng tingin at duon ko nakita ang lalaking nag papatibok ng puso ko.

Siya ang nag papasaya sakin pero siya din ang nag bibigay ng sakit sakin. Ang sakit lang isipin na.. kung sino pa ang nag bibigay ng saya sa puso mo ay yun din ang wawasak sa puso mo. Napakasakit. Sobrang sakit.

"Giann."

To be continued..

The Wedding DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon