Lumapit siya sakin at napatayo akong bigla. Aalis na sana ako pero bigla niya akong niyakap ng mahigpit. Ngunit hindi ko ibinigay ang inaasahan niya. Hindi ko siya niyakap pabalik at nanatiling bagsak ang dalawang nanginginig kong kamay.
"Kristelle anong ginagawa mo dito? Hindi kita maintindihan--" hindi ko siya pinatapos sa pag sasalita at ako naman ang nag salita para kwestyunin ang sinabi niya sakin.
"Ikaw ang hindi ko maintindihan, Giann." Umiiyak pang sabi ko. Nakatingin ako sa mga mata niya. Nag tatanong ako sa mga mata ko. Ipinaparamdam ko sa kanya kung anong nararamdaman ko pero nakita ko lang na naguhuluhan ang mga mata niya.
Sobrang sakit para sakin ang makitang ganoon. Paano niya natitiis ang makitang nasasaktan ako? Ganon nalang ba talaga ako kadaling saktan at lokohin? Matapos ang pag mamahal na binigay ko sa kanya? Matapos ko siyang seryosohin?
"Bakit Giann? Bakit ginawa mo sakin to?" Tanong ko sa kanya. "Pano mo nagawang lokohin ako? Giann ano bang pag kukulang ko?" Umiiyak ang mga mata ko. Walang tigil sa pag iyak. Hawak hawak ni Giann ang mga kamay ko at nakatingin din siya sa mga mata kong lumuluha sa harap niya.
Ganon ba talaga siya kamanhid na kaya niya akong tignan deretso sa mga mata kong lumuluha sa harap niya?
"Ano bang sinasabi mo Kristelle?"
"Giann niloko mo 'ko at kay Alexa pa pero ikaw mismo hindi mo yun alam? Giann, ganyan ka ba talaga? Hindi kita maintindihan Giann. Ikaw ang hindi ko maintindihan. San ba ako nag kulang? Nag sasawa ka na ba sakin? Wag kang mag alala, kung ayaw mo na sakin pede naman kitang pakawalan e." Pinunasan ko ang luha sa mga mata ko pero patuloy padin ang pag luha ng mga to.
"Giann sabihin mo nalang sakin kung sawa ka na! hindi yung mukha akong tangang minamahal ka pa pero nag papanggap ka nalang pala." Tahimik lang siya at parang gulat na gulat sa sinasabi ko.
"Kung ayaw mo na sakin, pag bibigyan kita. Kung iyon ang ikakasaya mo Giann. Gagawin ko. Gagawin ko lahat ng bagay na ikakasaya mo, kahit pa ako yung masaktan." Umiiyak ako at hindi ko yung mapigilan. Sobrang sakit ng nararamdaman ko at ang bigat bigat sa dibdib.
"Kristelle, hindi kita niloloko." Mahinang sabi niya pero umiling ako. "Hindi pa ba pang loloko ang tawag mo dun Giann?" Nahintuan na naman siya. Pero umiiling siya sakin.
"Mag papaliwanag ako, Kristelle. Pakinggan mo ako." hindi ko siya magawang pakinggan. "Giann tama na, gagawin ko naman ang lahat para sayo Giann at kung gusto mong pakawalan kita kahit pa ayaw ko, gagawin ko maging masaya ka lang."
"Tama na Kristelle. Hindi ko gusto ang mga sinasabi mo. Babe masyado mo na akong siniseryoso."
"A-ano?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "Giann ayaw mo bang seryosohin kita? Anong gusto mo mag lokohan tayo? Giann seryoso ako sayo at ano ang relasyon natin para sayo? Lokohan?" Lalo akong nasaktan sa mga sinabi niya.
"Kristelle--"
"Tama na Giann. Bigyan mo ako ng pahinga. Gusto kong bigyan mo ako ng oras para mag isip sa mga sinabi mo. Hindi ko na kaya, Giann." Hinawakan niya ako at yumakap siya sakin.
"Kristelle pakinggan mo muna ako." Bulong niya sakin at hinigpitan ang pag kayakap sakin. "Alam ko na ang sasabihin mo Giann. Hindi pa akong handang marinig ang bagay nayan at gusto kong bigyan mo ako ng panahon para dyan. I love you Giann. I love you so much." Bumitaw ako sa pag kakayakap sa kanya at tumakbong palayo.
Sobrang sakit ng mga nararamdaman ko. Akala ko ba mahal niya ako? Pero bakit ganon? Ang sakit. Mahal niya ako pero nagawa niya akong saktan ng ganito.
"Babe masyado mo na akong siniseryoso."