Chapter 4

74 4 0
                                        

Kristelle.

"Uy, buti naka punta ka?" Nginitian ko lang si Raven at pumwesto na sa stage kung nasan ang mga materials na kailangan ko para makapag design. Friday night na bukas kaya kailangan na naman dalian to.

Hahawak palang sana ako ng materials kaso bigla na nilang sinabi na mag pahinga na daw muna. Late kasi ako pumunta dito dahil napuyat ako kagabi. Hindi ako nakatulog sa mga sinabi sakin ni Murvyn.

"Uy friend! San ka nag punta kahapon?"

"Oo nga ate." -Arah

"Bigla ka nalang nawala dito ate." -Cyrille

"Sabi ni kuya Raven sumama ka daw sa lalaki mo? Duh! Tapos inis pa yung muka niya" -Jane

Tumawa nalang ako. "Kaibigan ko lang yung sinamahan ko girls, wag niyo pansinin yang si Raven."

And speaking of, lumapit samin si Raven tapos umakbay pa sakin. Siniko ko nga pero ayaw patibag. Naalala ko tuloy ganyan na ganyan si Giann sakin dati mangulit.

"Bakit narinig ko ang gwapo kong pangalan? Hmm, girls?"

"Ang pangit nga ng pangalan mo e!" Tawa nang tawa si Arah tapos nakitawa nalang din kami.

"Kamuka mo!" Lalo kaming tumawa nung sabihin ni Jane na kamuka niya yung pangalan niya. Siya naman nginisian lang kami.

"Tss. Alam niyo kayo? Minus 5!"

"Hoy bakit, Raven? Teacher ka ba ha?" Reklamo ni Princess. "Hindi ikaw nag bibigay ng grade namin sa Art Appreciation kaya hindi ka dapat nag ma-minus."

"He! Bahala kayo, binubully niyo ako. Dito na nga lang ako kay babes." Sabi niya sabay harap sakin nahampas ko tuloy siya.

"Babes mo mukha mong panget!"

"Aray." Humawak pa siya na parang inaatake sa puso. "It hurts!" Sabi niya sabay ayos. "Joke! Pero anong meron sakin?" Tanong niya pa at tinaasa baba ang kilay.

"Wala yun kuya, sinabi lang namin na sinabi mong lalaki ni ate Kristelle--"

"SINABI MO?!"

Nag tawanan kaming lahat nung namula si Raven. Akala naman niya naniwala ako dun. Tse! "Oy pero dont take it seriously ah? Joke lang yun." Tumango naman sila. "I know right." Sabi ko sabay hila kay Princess papunta ng canteen.

Nakakagutom no! Hindi rin ako nakapag almusal kanina dahil lang sa pesteng Kyrie na yan. Guess what? Sobrang gutom na gutom daw siya at nagawa niyang ubusin ang hinandang pagkain ni Nanay Luisa. Ang tagal na namin siyang tagaluto sa bahay kaya parang lola ko na din siya. Ang sarap niya kaya mag luto kaso.. INUBOS NI KYRIE YUNG NILUTO! Tapos binigyan niya ako ng isang daan para mag almusal don sa cafe na tinuro niya sakin. Seriously? Isang daan?! Errr-- ang sarap niyang sapakin!

"Anong order mo?" Tanong niya sakin. "Ahm.. spaghetti, burger, fries, ice cream: cookies and cream flavor and Apple pie. Tsaka Iced tea."

"Yung totoo kasi!" Naiirita na siya sakin. Bakit ba? E, totoo naman na gutom ako e! Hindi talaga ako nakapag almusal ng kahit ano! Nakakahiya naman kasing istorbohin ko pa si Nanay Luisa.

"Ahm, totoo yun Princess. Hindi kasi ako nakapag almusal." Chill kong sabi. Bigla siyang tumawa at kinuha ang pera ko. "Okay, ang takaw mo." Sabi niya sabay tawa ulit. Seriously? Wala kayang nakakatawa sa pag ka gutom ko. Try niya kayang maubusan ng madaming pagkain tapos gutom na gutom na?

Inabot ni Princess sakin ang tray na may order ko at ngumiti. Nakita ko palang yung pagkain ko natakam na ako so ayun nga, kumain ako nang kumain pero napahinto ako nung bigla niya akong tanungin kung bakit late ako.

The Wedding DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon