Epilogue

87 5 2
                                    

🎵Wise men say only fools rush in
But I can't help falling in love with you🎵

Hindi ko maipaliwanag ang kabang aking nararamdaman habang nag lalakad papalapit sa Altar. Hindi ko inakalang mauulit na naman ang bagay na 'to.

Habang nakatingin sa lalaking nag hahantay sakin sa dulo ng altar ay napaluha nalang ako. Eto na naman ang araw na hindi ko inakalang darating ng ganito kaaga.

🎵Shall I stay?
Would It be a sin
If I can't help falling in love you?🎵

Sa pangalawang pagkakataon ay lumuluha na naman ako sa araw ng aking kasal. Sa kasal na hindi ko inakalang mangyayari pa. Para bang nanghihina akong maglakad papalapit sa taong nag hahantay sakin sa dulo ng Altar.

Natatakot ako para sa aking sarili at para sa araw na 'to. Natatakot ako para sa bukas na gigising ako at sa mamayang siya na ang kikilanin kong asawa ko.

🎵like a river flow surely to the sea
Darling so it goes
Some things are meant to be🎵

"Are you happy?" Mom asked. I nodded. Patuloy padin ang pagpatak ng luha sa mga mata ko habang nag lalakad papalapit sa Altar.

Hindi ko man inasahan na mangyayari pa ang bagay na 'to pero ginusto kong dumating ang araw na 'to.

Nakatingin ako sa lalaking nag hahantay sakin. Lalo akong napaiyak ng ngumiti siya sakin at binulong ang katagang 'mahal na mahal kita.' Sa hangin.

Halo halo ang emosyon na nararamdaman ko. Natatakot ako na baka hindi matuloy ang bagay na to ay may pumigil samin. Natatakot din ako na baka ang bagay na to ang makakapag tapos sakin ng kasiyahan ko bilang dalaga. Pero naisip kong masaya naman akong kasama ang lalaking mahal ko.

Bukod sa takot na nararamdaman ay masaya ako. Masaya akong dumating ang araw na to, na kahit kabado at natatakot ako, alam kong ang pakakasalan ko na ay ang lalaking mahal na mahal ko. Hindi ko alam kung pano kami nakarating hanggang dito. Basta ang alam ko, tunay na 'to at hindi na ako nananaginip pa.

Nakarating ako sa dulo ng altar na abot tenga ang ngiti kahit kabadong kabado na ako. Kinausap siya ni Mom at Dad at ngayon ay naka angkla ang aking kamay sa kanyang braso.

Nag lakad kami hanggang sa harap ng altar at saka sinimulan ang seremonyas ng kasal.

"Giann, will you take Kristelle here present, for your lawful wedded wife according to the rite of our Holy Mother, the Catholic church?"

"I will." Giann answered.

"Kristelle, will you take Giann here present, for your lawful wedded husband according to the rite of our Holy Mother, the Catholic church?"

I smiled and look at Giann then I answered whole heartedly. "I will, father."

🎵Take my hand, take my whole life too
For I can't help falling inlove with you🎵

"I, Giann Peñaflorida, take you, Kristelle Villela, for my wife, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, until death do us part."

🎵For I can't help falling in love with you...🎵

"By the power vested in me, I now pronounce you, husband and wife." Binaling niya ang tingin niya kay Giann. "You may now kiss the bride." Tumingin sakin si Giann. At parang maluha luha pang inangat ang belo ko. Napatingin ako saking pamilya na ngayon ay pumapalakpak ng mahina at nakangiti habang patuloy ang patulo ng luha ni mom.

The Wedding DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon