Chapter 23

39 5 0
                                        

"Bakit ngayon ka lang ulit naka bisita Kris?" Pangangamusta sakin ni Tita Mae. Ngumiti lang ako sapagkat hindi ko alam ang isasagot ko.

"Ah, sorry." Pag bawi niya sa sinabi niya dahil sa pag tingin ni Murvyn sa kanya. "Ano ka ba mommy? Dapat ganito ang tanong mo. Bakit ka napa bisita?" Natawa ako ng bahagya ng bigla siyang hampasin ni Tita Mae.

"Mas awkward iyon dahil parang hindi welcome ang bisita. Diba?" At tumango naman si Murvyn na bahagyang natatawa. Tumayo si Tita Mae at dumeretso sa kusina. Kami namang tatlo ay nasa dining area nila Murvyn.

Katabi ko sa kanan si Murvyn at nasa harap ko naman si Mica. "Alam mo ate Kristelle, nagulat ako kasi akala ko may girlfriend na si Kuya! As in! Pero natuwa naman ako kahit papaano dahil mukang matino naman ang dinala niya pero mas nagulat ako dahil ikaw pala yan!" Mabilis na kwento ni Mica.

"Sayang ate Kristelle! Hindi ka masyadong bumibisita dito. Alam mo ba si Kuya wala nang ibang bukang bibigyan kundi Kri--hmmmp." Hindi niya natapos ang pag sasalita niya ng subuan siya ni Tita Mae ng isang buong brownies sa bibig na ikinatawa namin.

"Wag mong pansinin yang si Mica. Napaka dada talaga ng bibig niyan. Nga pala, bakit ang aga mo ngayon Mica?" Nag takang tanong ni Tita Mae na ikinataka ko din.

Kung maaga siya ay maaga din kaya si Kyrie? Sandali kaming natahimik dahil nginuya muna ni Mica ang kinakain niya bago bumaling sa mommy niya.

"Ma! May conference meeting ng biglaan ang mga teachers! Kakaloka nga e ang daming natuwa dahil don dahil syempre half day ang klase namin at dahil vacant naman ang last subject namin sa umaga ay mas napaaga pa ang uwi ko!" Mahaba na naman niyang sagot. "Nga pala ma! E bakit sila maaga din?" Turo ni Mica saming dalawa ni Murvyn na tahimik lang na kumakain.

"Kasi wala na kaming sports na lalaruin." Maiksing sambit ni Murvyn. "E wala ba kayong bantay na guard?"

"Open gate." Maiksing sambit na naman ni Murvyn. Hindi padin nag babago, maksi pa rin ang bawat pahayag. Hindi kagaya ni Mica.

"At may problema po ako." Nahihiyang sambit ko naman na ikinatahimik nila. Nag kwento naman ako. Hindi ko naman kailangan itago ang bahay na yon. Isa pa, gusto ko ring may mapag sabihan nitong nararamdaman ko.

"Nako! Wag na nating pag usapan pa iyan! Ang mabuti pa ay pag usapan nalang natin ang birthday ni Murvyn bukas. Nainvite ka na ba ni Murvyn?" Nahintuan ako sa pag kain. Bukas ang birthday ni Murvyn? Tinignan ko ang kalendaryo na nasa taas ng cabinet nila.

"I forgot. Im sorry." Pag amin ko. Dahil din siguro to sa madami kong iniisip. "Oh, its okay. I understand. So.. bukas you need to come here. Hindi pwedeng wala ka dito. Inimbita ko na din si Lyn over the phone kahapon at sinabi niyang makakarating siya." Tumango naman ako.

"Magiging simple lang ang--"

"Tita alam ko namang magiging en' grande na naman ang birthday ni Murvyn! Noong birtbday mo nga po e sinabi na sakin ni Mica na simpleng dinner pero, wow!" Pag putol ko sa sasabihin nito. Sinusubukan kong maging magaan ang usapan namin at tumawa naman siya.

"Kris, ayaw ko lang naman kasing isipin ng nakakausap ko na nag yayabang ako kaya sinanay na namin ang sarili namin sa ganon." Ngumiti naman ako.

"Mom, mag la-lunch time na." Reklamo ni Mica na nakahawak sa tiyan at nakanguso pa. "Ikaw talaga. Kelan ka ba mabubusog?" Natatawang tanong ni Tita Mae at tumango. "Mag luluto na ako. Saglit lang to, dito kana mag lunch Kris." Nakangiting sambit ni Tita Mae.

Siniko ko naman si Murvyn at bigla siyang napatingin sakin. "Okay lang ba sa inyo?" Nahihiya kong tanong. Tumango naman siya. "Okay lang. Si mom na nga ang mismong nagyaya sayo." Nakangiting sabi niya at tsaka hinila ako.

The Wedding DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon