Chapter 36

27 5 0
                                        

"Andreeeei!" Tawa kami ng tawa habang tinitignan si Ally na nag mumukmok. Hindi niya kasi nakuha ang gusto niyang blueberry cheescake na bubudburan ng madaming almonds sa ibabaw. "Ally." Sagot lang ni Andrei kaya lalo kaming natawa. Halos mangilid na ang luha ni Ally sa pag c-crave niyang yon kaya naman lalo kaming natawa.

Ang cute lang nilang tignan. "Wait, ganyan ba talaga ang mga buntis?" Curious na tanong ni Princess. "I mean like that, palagi? Or depende sa tao?" Tanong niya ulit. Nag buntong hininga naman si Marielle. "Well ahm, ganyan talaga kapag buntis ang babae. Nag c-crave sila sa kung ano anong pagkain." Sagot ni Marielle.

"Ya! My mom always ask for cupcakes na watermelon daw yung flavor and on top, madaming strawberry syrup." Pag s-share naman ni Trix. "Really? Si Mama naman palaging gusto yung pizza na sobrang daming cheese sa ibabaw, buti nalang at madali lang 'yon. Weird lang kasi pinapalagyan niya ng paminta sa ibabaw." Halos hindi ko maimagine ang sinabing 'yon ni Elaine. Sobrang daming cheese at may paminta sa ibabaw? Hmmm

"Andreeeei!" Napatingin kaming lahat kay Ally at ngayon ay humahagulgol na. Sakto namang dumating yung waiter dala ang pinagawa sa kanya ni Andrei. "Eto na Ally." At humarap siya sa waiter, "thanks." Sagot nito bago kami nag simulang mag kainan.

Nasa loob kami ng cafe ngayon at nakaupo sa 8-seater na lamesa. Sa mag kabilang dulo sa kanan, nakaupo si Elaine. Sa kabilang dulo naman dito sa kaliwa, si Princess na halos nakadikit na din sakin. Katabi ko si Murvyn na katabi si Trix. Sa harap ko naman si Ally na katabi si Andrei at katabi ni Andrei si Marielle.

Nag paiwan na kasi si Mica sa bahay dahil may kailangan padaw siyang gawing project kasama ang mga kaklase niya. Sinundo na nga siya kanina sa bahay sa sobrang tagal niya.

"Bae, CR lang ako." Paalam ni Trix. "Sama ako Trix!" Sigaw naman ni Princess at sumunod din sa kanya si Elaine. Hindi na din mapag hiwalay ang dalawa. Biglang natahimik ang table at biglang nag salita si Marielle.

"Sorry to ask this, pero Kristelle can you talk something about Giann?" Nagulat ako sa simabi ni Marielle. Hindi naman ako naiiyak sa tanong niya pero baka maiyak ako sa pag kwento ko. "Ate! Bakit kailangan pang mag kwento?" Tanong naman ni Ally. "Its okay Ally, matagal ding nawala si Marielle! Maybe gusto niyang malinawan sa bagay." Ngumiti ako at nag sasabinh okay lang ako which is true naman. Ayoko nang mag mukmok ng mag mukmok sa tabi.

"Saang part ba?" Natatawa kong tanong. Lahat sila nasaakin ang atensyon. Isa pa, gusto kodin siyang i share sa kanila. Kung gano niya ako napasaya, gano niya ako pinapakilig at kung gaano ko siya minahal.

"Dun sa part na punatawad at binigyan mo siya ng second chance." Sagot naman niya. Inalala ko ang lahat ng pangyayari.

"Okay here's what happened..." huminto ako at iniisip ulit yon. "Naisip ko lang na bigyan siya ng second chance. Everybody deserves a second chance si why mot? Besides, nakikita ko na naman na sincere siya at ang mga salitang binibitawan niya. And there... bumigay na ako. Hindi rin naman ako nag sisi dahil kahit sobrang laki ng kasalanan niya sakin nakita ko ang pag babago sa sarili niya at kung tatanungin ako, hindi siya nag bago sa pakikisa sakin. Siya padin yung sweet na lalaking nakilala ko nung una kaming mag kita." Madami pa silang tinanong at nag kwento padin ako hanggang sa makarating kami sa part na nawala na siya at eto ako umiiyak ako sa harap nila.

Hinahagod ni Murvyn ang likod ko at napatingin ako sa malayo...

"Sht." Natahimik ang lahat at napatingin sakin. Nahintuan ako sa nakita ko. Nakatingin siya sakin. May lungkot sa mga mata niya. Nakatingin siya sakin!

"Nananaginip ba ako?" Tanong ko sa kanila. "Anong nangyayari sayo, Kristelle?" Nakatingin padin kami sa isa't isa ng bigla akong iharap ni Ally sa kanya. "Uy!" Kay Ally na ako nakatingin ngayon at pag harap kong muli sa direksyon na tinitignan ko kanina, wala na siya. At kakatalikod niya lang kaya agad akong lumabas ng cafe ng hindi hinaharap ang mga kaibigan kong tinatawag ang pangalan ko.

"Kristelle! San ka pupunta?"

Dere deretso ako sa pag lalakad at pumunta sa dinaanan niya kanina. Halos lakad takbo ang ginagawa ko. "Giann!" Sigaw ko. "Giann alam kong ikaw yan! Mag pakita ka naman sakin o." Halos mawalan na ako ng pag asa. Malayo na ako sa cafe at nakita kong sumunod sakin si Murvyn at Marielle.

"Ayos ka lang ba?" Tanong sakin ni Murvyn. Tumango ako. "Nakita ko si Giann!" Sigaw ko pa na pinaparating sa kanilang buhay siya. "Kristelle baka namamalik mata ka lang." sagot sakin ni Marielle.

"Imposible Marielle! Buhay siya, nag katinginan pa kami sa cafe at nakita kong pumunta siya dito. Kaya imposibleng namamalik mata lang ako. Buhay siya. Nararamdaman ko 'yun." Sagot ko sa kanila.

"Alam mo ang mabuti pa bumalik nalang muna tayo sa cafe." Sagot ni Marielle sakin at hinawakan ako sa wrist ko pero nag kasabay sila ni Murvyn. Naramdaman ko ang ilang sa pagitan nila kaya't bumitaw akong pareho sa kanila at tsaka ulit sila nag bitaw.

"Dito lang ako, hahantayin ko siya." Sabi ko at umupo aa bench na nandon. Nilapitan naman ako ni Marielle at hinila. "Okay! Bukas babalik tayo dito at ipag tatanong natin sa mga tao dito. Okay? Basta ngayon sumama ka muna samin pabalik. Besides, kailangan malaman to ng parents mo." Ngumiti siya sakin at wala ba akong inang nagawa kundi ang sumama sa kanya.

Babalik ako bukas Giann, hintayon moko.

"Bae!" Napatingin kami sa direksyon sa bandang kaliwa at nakita namin si Trix na nag lalakad. "Tss." Napatingin ako kay Marielle ng umirap siya kay Trix. Natawa ako bigla at parang nakalimutan pansamantala si Giann.

"Bitter ka ba sa kanya?" Tanong ko sa kanya pero pabulong. Nag lalakad na kami pabalik sa cafe. Nasa harap namin si Trix at Murvyn na mag kahawak pa ang kamay pero hanggang ngayon ay kahit kinakausap ko si Marielle, binabagabag ako ng isip ko tungkol kay Giann.

Asan ka ba talaga Giann? Buhay ka ba talaga? Pero imposible. Nag match ang DNA niyo.

"Wag kang tumanggi, ganyan ako sayo dati." Natatawa kong sabi. "Hindi naman sa bitter ako dahil gusto ko pa si Murvyn pero—I just can't accept the fact na hindi ka niya nakuha." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Marielle.

"Ha?" Muli na naman akong napa isip.

Baka sadyang namamalik mata lang ako Giann dahil sa sobrang pag ka miss ko sayo.

"Pinakawalan ko si Murvyn ng end ng school year para kunin ka niya pero hindi niya nagawa kasi na fall kana kay Giann." Bulong niya ulit sakin.

Naalala ko ang araw na 'yon kung saan binuksam ko na ang puso ko para sayo Giann.

"Yeah, hindi naman kasi mahirap mahalin si Giann." Nakangiti kong sabi. "Pero alam mo, okay na ako. Basta sana maging masaya siya kay Trix." Sabi ni Marielle at napangiti.

"Sana ikaw din Kris, matanggap mo ang lahat ng katotohanan at sana maging masaya ka din." Ngumiti si Marielle at hinila na ako papasok ng cafe.

Ang pinaka mahirap na gawin sakin ay maging masaya. Hindi ko na alam kung pano maging masaya ng wala siya. Ang hirap tanggapin na wala na siya at iniwan niya ako sa ganitong kaagang panahon at hindi ko rin masasabing bata pa ako at kaya ko pang mag mahal ulit dahil sa totoo lang natatakot na ako.

Natatakot na ako sa darating na araw at sa susunod pang araw na dadaan sa buhay ko. Natatakot ako na baka unti unti ko nang makalimutan si Giann.

Pero alam ko sa sarili ko ang totoo, alam ko sa sarili kong araw-araw akong aasa na sana isang araw bumalik siya at yakapin ako sabay sabing "joke" lang ang lahat. Umaasa padin ako na dadating ang araw na 'yon.

At sinasabi ko ngayon sa sarili ko, na hindi ko bubuksan ang puso ko para sa ibang tao dahil ang puso ko ay para lang kay Giann.

To be continued...

The Wedding DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon