Chapter 15

35 5 0
                                        

Matagal din kaming nag bonding nila Ally. Madami kaming nasakyan na rides at matagal tagal din kaming nag kwentuhan nang huminto kami para kumain.

Kinabukasan sa bahay ay tanghali na ako nagising dahil late na kaming nakauwi sa bahay namin. Ngayon naman ay nasa living room ako ng bahay namin nang may biglang nag door bell. Hinantay lang namin na makapasok yung bisita sa loob at nagulat ako ng makita ko si Giann.

Hawak hawak niya ang bag ng laptop niya at umupo sa tabi ko. "Giann?" Hindi ko alam na pupunta si Giann sa bahay. Wala naman siyang nabanggit sakin.

"Thesis time." Natawa ako bigla. "Im done with chapter 3." Masaya kong sabi. Kanina ako nakaisip ng gagawin ko sa thesis namin.

Since eto na ang halos last week namin for school ay ginrab ko na ang opportunity para mag ayos ng thesis. Ginawa nalang kasing special project namin 'to. Kailangan ko effortan para umanggat pa ang grades ko. Okay naman siya.

"Good. Sabay na tayo mag gawa since last chapter nalang ang kulang ko." Sabi niya pa at inilabas ang laptop sa bag na hawak niya.

"Nasaan sila Tito Gino?" Tanong niya sakin. Usually pag pupunta siya sa bahay ay nandito sila mom pero ngayon ay wala sila. Ako lang at si Kyrie ang naiwan dito since nasa office sila Mom and Dad. Pero Kyrie is not around today.

I think he's playing. Basketball.

Matagal tagal din kaming nag gawa ng thesis namin ni Giann at nang makatapos na siya ay last chapter nalang ako. "Ano pang kulang mo, babe?" Tanong niya sakin. Wala pa akong kalhati ng last chapter ng bigla niyang inagaw sakin ang laptop ko.

"Madali na lang 'to, ako na ang gagawa."

"Sure ka?"

"Hmmmn."

Niyakap ko siya at binigyan ng mabilis na halik sa pisnge. "Thankyouuuuu Giann ko."

"I love you, Prinsesa ko."

"I love you, Giann ko."

-

Pag katapos ng pag gagawa namin ng thesis ay umuwi na siya. Ako naman ay hinantay si Kyrie na umuwi. Balak ko sana siyang kausapin kaso natatakot din ako. Baka kasi sungitan niya lang ako kaya naisip ko nalang na mag kulong sa kwarto ko.

Nag bukas ako ng facebook account ko ng mag notif sakin ang facebook ng isang message. Galing kay Murvyn. I clicked our chat box and read the message.

Murvyn Maliff: lets meet @ the park. Sa Village natin.

Dali dali akong nag out at dinampot ang jacket ko. Nag lakad ako papunta ng park and there I saw, Murvyn. Sitting on the bench. Nakapatong ang siko siya sa tuhod niya habang mag kahawak ang dalawa niyang kamay.

It reminds me of my past. 8 years ago. Lumapit ako sa kanya at dahan dahan siyang napatingin sakin. Tumulo ang luha sa mga mata niya.

[Flash back]

Nakatayo ako sa kanan niya at dahan dahan siyang humarap sakin. Umiiyak siya ngayon sa harapan ko.

"Kristelle." Tawag niya sakin. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. "Murvyn, nandito na ako." Lalong humigpit ang pag kaka yakap niya sakin. Sobrang higpit. Ramdam na ramdam ko ang pagkabasa ng uniform ko sa parte ng balikat ko. Umiiyak siya sa balikat ko.

"Wala na si Alexia."

[End of flashback]

Kinilabutan ako sa pag balik ng ala ala ko. Alexia. Natatandaan ko na ang pangalan mo. Alexia. Alexia. Bakit ba hindi ka pa rin umaalis sa buhay ko?

"Kristelle." Tumayo siya at niyakap ako. Hinayaan ko siyang gawin yon. Hinayaan kong gawin niya ang bagay na 'yon, walong taon ang naka lilipas.

Muli ko na namang naramdaman ang pag ka basa ng balikat ko. Umiiyak na naman siya sa balikat ko walong taon ang nakalilipas. Pero hindi ko siya niyakap pabalik. Sa halip ay tinapik ko ang likod niya at muling ibinaba ang kamay ko.

"Kristelle, I know this is not right. But I missed you and I want you to know that Im still inlove with you." Lalo siyang umiyak sa balikat ko.

Hinayaan ko siya hanggang sa tumahan na siya ng kaunti at harapin ako. Nakatingin lang ako sa kanya. Nakatingin lang ako sa mga mata niya. Ramdam na ramdam ko ang sakit na dinadala niya. Kung ano ang sakit na nakita ko walong taon ang nakalilipas ay ganon din ang nakikita ko ngayon.

"Itigil na natin 'to, Murvyn. Mahal mo ako— mahal din kita, pero dati na 'yon Murvyn. Mahal na mahal ko si Giann at ayaw kong mawala siya sa'kin ng dahil dito."

"Kristelle–"

"Kaya sana naman Murvyn. Ibaling mo sa iba ang nararamdaman mo. Hindi ako ang taong para sayo." Pag tutuloy ko pa.

"Maaaring nasaktan mo ako noon. Nasasaktan din kita ngayon pero hindi para makaganti sayo. Dahil eto ako at ito ang tunay na nararamdaman ko. Mas mabuti pang pahalagahan ko ang pag kakaibigan natin Murvyn."

"Pero Kristelle.." umiiyak pa ding sabi niya.

"Sana maintindihan mo ako, Murvyn. Kung may pag mamahal man akong natitira sayo.. yun ay ang pag kakaibigan natin. Tigilan mo na 'to Murvyn. Dahil matagal na din akong tumigil sa nararamdaman ko sayo." Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit at nag simulang mag lakad palayo.

Alexia.

Hanggang ngayon ikaw pa din ang naiisip ko. Alam kong nakasakit ako ng tao, nasaktan ko ang taong mahal mo. Nasaktan ko si Murvyn pero alam kong ito ang tama at ito ang dapat kong gawin.

"Wala na si Alexia."

Umiyak din ako habang yakap yakap ko si Murvyn. Si Alexia? Si Alexia yung babaeng mahal niya. Si Alexia yung unang babaeng nag pa tibok ng puso niya. Si Alexia yung kababata niyang may sakit sa puso.

Hindi na nakayanan ni Alexia yung hirap kaya sumuko na siya. Pero nandito naman ako. Handa kong mahalin ka, Murvyn.

Handa akong mahalin ka kagaya ng pag mamahal na ibinigay sayo ni Alexia.

"Murvyn?" Tawag ko sa kanya ng medyo tumahan tahan pa siya sa pag iyak.

"Bakit si Alexia pa? Murvyn, nandito naman ako." Nagulat kaming pareho sa sinabi ko. Mali ang sinabi ko. Hindi ko dapat sinabi sa kanya ang bagay na 'to. Lalo na ngayong kakawala pa lang ni Alexia.

"Alam kong mali ang iisipin mo at alam kong mali talaga. Murvyn hindi man kita kababata. Hindi man kita kilala mula umpisa pero nandito ako. Hindi ko kayang pantayan ang pag mamahal na binigay sayo ni Alexia pero kaya kong higitan yon, Murvyn."

Ayon ang dahilan. Ayon ang dahilan kung bakit nag kalayo ang loob namin sa isa't isa ni Murvyn 8 years ago. 8 years ago nung iwan kami ni Alexia. Ang babaeng hindi ko pa natitigan nang matagal. Hindi pamilyar ang mukha. Pero alam kong mabait siya at mala anghel ang itsura.

Palagi siyang kinu-kwento ni Murvyn samin. Sa kwento ko lang siya nakilala pero parang pag sinabi ang pangalan niya parang kilala ko siya higit pa sa isang kwento.

One message received.

Napatingin ako sa cellphone na hawak ko at nagulat ako sa nabasa ko.

From: Unknown number

Ang makita ko kayong dalawa ay parang pinapatay na ako, pero mas nararamdaman kong makakapatay ako ng tao at  alam mong ikaw yon. ;)

The Wedding DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon