Chapter 11

46 4 0
                                        

Kristelle.

Halos hindi kami makapag salita ni Elaine sa narinig namin. Hindi rin kami makagalaw. Parang nag uusap kami sa mata namin pero hindi naman.

Nag maka recover kami sa nangyari ay sabay na naman kami napabuntong hininga. "Ha!" Hindi makapaniwalang singhal niya.

"Hindi ako makapaniwala.. Kristelle." Biglang sambit niya. Chineck niya pa kung nandoon pa sila at nang wala na talaga sila ay tsaka siya nag lakad dahan dahan.

"Tayo Kristelle.. tayo mismo ang naka rinig ng mga 'yon at malaki ang maitutulong natin sa babaeng yun!" Sigaw ni Elaine. Agad naman akong umiling.

"No Elaine, hindi dapat tayo maki-alam. Oo malaki ang maitutulong natin but we still don't know kung ano ba ang dahilan o kwento sa likod nun." Pag tanggi ko sa kanya.

"What? All we have to do is to speak up, Kris. Hindi naman natin papalalain ang sitwasyon. Kapag nag salita tayo, tapos na!" Umiling ako sa kanya. "No Elaine. You don't know what I mean-- hindi natin lubos na kilala si Amy. Pano kung sa'tin naman mabaling ang galit niya?"

Napabuntong hininga si Elaine. May point siya pero alam ko sa sarili kong mas malaki ang point ko. Oo, pwede kaming mag salita. Pero hindi ngayon. Dahil hindi namin alam ang storya. Isa pa, baka samin mabaling ang galit ni Amy. Pinag kakatiwalaan ko si Amy. Sa college life ko at nahing matalik ko din siyang kaibigan.

Sa tuwing mag problema kami ni Princess ay siya ang nilalapitan namin. Tunay siyang kaibigan sakin at sa madaming tao. Hindi man ganon kabait ang katangian niya pero nandoon ang kabutihan sa loob ng puso niya.

Kaya sigurado ako.. sigurado akong may malalim siyang dahilan kaya niya nagawa ang mga bagay na 'yon.

"Sayang. Akala ko makakatulong na tayo. Parang wala lang din ang mga narinig natin." Sabi niya at nag pakawala na naman ng buntong hinga. "You're right Kris. Hindi dapat tayo agad agad gumawa ng hakbang. Siguro for now, lets just forget kung ano man ang narinig natin."

Sinang ayunan ko siya at nag hantay kami sa labas ng computer room. Medyo tumila nadin ang malakas na ulan. Ambon nalang ito ngayon at makikita mo padin ang araw. Makikita mo padin ang sikat ng araw. Kakaiba ang panahon pero hindi namang ganon kasama.

"Class dismissed." Narinig naming sabi ng prof namin at nag labasan ang huling estudyante niya doon. Mga freshmen ang mga ito. Ang ingay nilang lumabas pero okay nadin. Pagka labas na pagkalabas nila ay kami namang pumasok ni Elaine. Gulat namang napatingin samin ang prof namin.

"Youre 10 minutes earlier." Sambit niya. "Yes sir. Mr. Dominguez dismissed us early that's why we came here early." Tumango tango naman si Sir Leon-- na leon din magalit! Maya maya padin ay nag datingan na ang mga classmates namin at nag simula na siyang mag klase.

Mabilis natapos ang araw na to, at kagaya ng naka gawian pag katapos ng klase ko ay may sumundo sakin. Si Giann. Kaklase ko naman si Princess at nag sabi ako sa kanya na mauuna na ako. Naintindihan niya naman dahil nga sa pag iiba namin ng schedule.

"Giann, saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya. Hinila niya naman ako at inenter-twined ang mga kamay naming mag kahawak. Hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pag ngiti. Kahit talaga sa simpleng bagay ay hindi niya ako nabigong pasayahin.

Madami dami na din napag daanan ang relationship namin, away bati kami dati pero ang maganda noon ay buo parin kami. Nawala man ang sweetness namin, naibalik naman 'yon at hindi ako nag sisisi kung nag away kami dahil maganda naman ang pinatunguhan ng relationship naming dalawa.

"Wala naman. Naisipan kasi ni Mom na i-invite ka sa bahay since hindi ka na daw napunta don masyado." Natawa pang sabi niya.

"Bakit nga naman hindi kana napunta samin?" Natawa ako sa tanong niya. Napunta padin naman ako sa kanila, hindi nga lang ganon kadalas dahil nahihiya parin ako kay Tita.

Malapit na malapit ang loob ko kay Tito Rex at kay Tita Silvia kaya lang syempre, nahihiya padin naman ako kahit papa ano sa presence nila. Kilalang kilala ni mom at dad ang pamilya nila. Katuwang nila sa business ang pamilya namin at talagang mag kasundong mag kasundo sila kaya naman natuwa at suporta talaga samin ang parents namin both side.

"Eh kasi minsan nahihiya--" hindi ko natapos ang pag sasalita ng mag tanong si Giann. "Nahihiya?" Tanong niya at tumawa ng malakas. Napatingin tuloy ako sa paligid. May mga tao pero wala namang may pake.

"What the-- Kristelle?! Ilang years na tayo and.." lumapit siya sakin. Malapit na malapit ang muka namin sa isa't isa. Ramdam ko ang pag hinga niya at ganun din naman siya sakin. "Wala ka dapat ikahiya." dugtong niya at mabilis na dinampi ang labi niya sa pisngi ko. Mas lalo akong namula sa ginawa niya.

"Giann!"

"Oh?" Natatawa niyang baling sakin. Inirapan ko lang siya at nag patuloy nalang ulit kami sa pag lalakad papuntang parking lot.

Pinag buksan niya ako ng pinto sa passenger seat bago siya sumakay at nag maneho na. Medyo traffic pa nga sa dinadaanan namin at medyo boring kahit na nag uusap kami kaya naman sinuggest ko na mag patugtog kami sa radio niya.

"Ang boring ng kanta sa radyo!" Natatawang sabi ko. Tumawa din naman siya. "Hindi yan boring. Sadyang maka lumang henerasyon lang." sabi niya naman at kinonekta ang cellphone niya sa radio ng kotse niya habang traffic.

Nag simulang tumugtog ang kantang 'Heartbreak girl' ng bandang 5 seconds of summer. Medyo rock pero bigla kong naalala ang lahat. Ang pag amin sakin ni Giann at ang mga highschool memories namin.

Naalala ko tuloy bigla sila Ally, Andrei, Murvyn at Marielle. Mga panahong nuknukan pa ng yabang 'tong si Marielle! Hindi ko makalimutang ang pabangong pinag yabang niya! Natatawa nalang ako pag naaalala ko ang mga bagay na 'yon. Totoo kaya na umaabot ng gano'n ang presyo ng pabango? Parang ang OA naman no'n! Pero baka gusto niya lang talagang magpa impress nung araw na 'yon.

"Heartbreak girl? Hmm." Napatingin ako kay Giann. Sinabayan niya naman ang kanta kaya medyo naalala ko si Mica. Idolo niya ang bandang 'to kung hindi ako nag kakamali.

"Kailan mo pa nag simulang pakinggan ang mga kanta nila?" Tanong ko sa kanya. Tumingin siya sakin at mabilis ding binaling ang paningin niya sa kalsada. "High school palang, napadaan lang kasi sa tenga ko 'yan e at mukang relate naman kaya sinearch ko 'yan ng mag tanong ako dun sa babaeng kumakanta." Natawa ako sa kwento niya.

"Ginawa mo yun?" 'Di makapaniwalang tanong ko at tinanguan niya naman ako. Sabay tumawa ako ng malakas.

"What's so funny about it, my princess?" Napalinga naman agad ako sa kanya. "Nakakatawa ka lang kasi, e!" Sabi ko pa tsaka nag simulang tumawa ulit. Nag kwento pa siya sakin at pagkatapos nun ay nag dere-deretso na ang biyahe namin hanggang sa kanila.

"Kristelle?"

"Hmm?" Inaayos ko ang gamit ko at napatingin ako sa kamay ko ng hawakan niya ang mga 'yon.

"Wag ka nang maniniwala sa fortune teller, okay?" Napatitig ako sa kanya. Panandaliang nawala sa isip ko ang manghuhulang 'yon.

"But believe on what destiny is. Everything happens for a reason, and I believe that there's a reason behind that fortune teller." Ngumiti siya sakin at inilapit ang muka niya. Mariin niyang idinikit ang labi niya sa labi ko.

Pakiramdam ko ay yun na ang pinaka masayang araw ko.

"I love you, Prinsesa ko.. my Kristelle Villela."

--

To be continued..

a/n: Belated happy birthday, That Should Be Me! And happy 3.78K reads💕

The Wedding DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon