Lumipas ang ilang araw at natapos namin ang graduation practice. Ngayon ay nakaupo kaming lahat at pinapakinggan ang valedictorian speech ni Princess. Matalino pa rin siya kahit hindi na siya nerd looking. Hindi naman nawala sa kaniya ang hilig niya sa pag-aaral kahit na marami na ang nag bago rito at masaya kami para sa kaniya dahil deserve niya kung ano man ang natatanggap niya ngayon.
Hindi ako naging valedictorian pero nagkaron naman kami ng latin honors na mag ka-kaibigan.
Nag papasalamat si Princess sa lahat. Sa mga naging experience niya ay kinwento niya. Kasama kami doon at medyo nakakaiyak ang speech niya. Napaiyak kaming mag kakaibigan at nag katinginan. Nasa unahan kasi kami dahil sa may awards and honors kami.
Masaya ako para sa'ming lahat.
"Ma-mimiss ko ang school." Malungkot na sabi ni Elaine na katabi ko. "Mamimiss mo? E mag te-teacher ka naman." Biro naman ni Murvyn na katabi si Elaine.
"Ano ba Murvyn! Syempre yung ako ang estudyante." Natatawa pero naiyak na sagot ni Elaine. "Ako din, ma mimiss ko ang pagiging estudyante." Naluluha kong sambit at binigyan sila ng ngiti. Binalik din naman nila iyon.
"Sa mga teacher na nandiyan palagi para umagapay saamin, maraming maraming salamat po. Sa parents ko, mom, dad.. Im so thankful na kayo ang binigay na magulang sa akin ni God. Maraming kabataan ang hindi nakakapag aral pero mapalad ako na nakatayo ako sa harapan niyo at nakapag tapos ng pag aaral. Maraming maraming salamat po." Naluluhang speech ni Princess.
Naalala ko tuloy nong panahon na nerd pa siya at walang may gustong sumama sa kanya. Kagaya sa mga romantic movies and stories na nababasa ko ay parang ganoon din ang nangyari sa kanya. Pero kahit noong nerd pa siya ay may mga lalaki pa ring lumalapit sa kanya. Hinahanggan siya dahil sa kabaitan at katalinuhan niya. Maganda rin naman siya noong may salamin siya, hindi nga lang siya nag aayos.
Nakita ko si Alexa pero nag iba na siya. Ang Alexa na nakita ko sa bar ni Clyde ay naging maamo dito. Hindi namin alam kung paano ba naming paniniwalaan ang inaasal niya pero hindi kami nag kikibuan matapos ang mga pangyayari.
Naging close na naman kaming lahat. Sinusuyo din ako ni Giann pero hindi ako bumibigay. Inaayos ko ang sarili ko para sa pag balik ng tiwala ko sa kanya. Gusto kong pag hirapan niya ang bagay na 'yon. Dahil kung gaano niya kadaling nasira ito ay ganoong kahirap niya ring maibabalik ang bagay na 'yon.
"Congratulations!" Bati samin ni Marielle kasama niya si Ally at Andrei. Umattend sila ng graduation namin. Kasalukuyan kaming nandito at nag pi-picture picture. Panay ang picture sa'min ng mga magulang namin.
Alam na din ng pamilya ko kung anong meron sa relasyon namin ni Giann. Si Kyrie ay nagalit pa rin pero humuhupa naman to nang pinapakita ni Giann na nag babago siya. Si Chloe at Kyrie ay nakapag usap na tungkol sa relasyon nila at tinanggap na lang nila ang isa't isa bilang kaibigan. Nababaling na din kasi ang atensyon ni Chloe sa ibang lalaki. Halata namang mas masaya siya duon.
"Oh! Dont forget tomorrow, ha? Boracay! Duon nalang kasi gaganapin ang kasal namin ni Andrei!" Excited si Ally sa pag babalita. Sa isang araw na kasi ang kasal nila. Beach wedding at sakay kami sa private plane nila.
Masaya kami para sa kanila. Medyo minadali na daw dahil na excite si Andrei maging ang pamilya nito. Okay lang naman 'yon sa pamilya ni Ally. Bagamat medyo napaaga ang bagay na ito, sinabi na nila sa sarili nila na desedido na sila at matagal na nila itong pangarap. Isang taon din daw silang nag aayos ng mga posibleng mangyari sa kasal nila at surprisingly, mayroong isang salita si Andrei para tuparin ito.
