Chapter 33

36 5 0
                                        

Hindi ko alam kung paano ako nakauwi mg bahay habang umiiyak kaya naman pagkarating ko sa gate at pinark ang bike ko sa garden ay nag ayos muna ako.

Bad news.

Nag pakawala ako ng isang malalim na buntong hininga. Isang bad news na naman ang matatanggap ko. Simula nung umalis at umuwi ako, parang wala ng ibang nakalibot sakin kundi ang bad news.

Ang pag ka lugi ng konpanya sa Paris,

Ang pagkamatay ni Giann.

Ano pa bang bad news ang kailangan kong marinig? Hindi ko na alam kung anong nangyayari samin.

Hinayaan ko nalang ang mga nasa isip ko at pumasok ako. Bumungad sakin si Manang Luisa. Nakita ko sa mata niya ang pagkaawa sakin at para hindi na siya mag alala ay binigyan ko siya ng ngiting sinasabi na ayos lang ako. Na kaya ko pa naman.

Dito sa bahay na to, halos si Manang Luisa nalang ang nakakaunawa at nakakaintindi sa lahat ng pinag dadaanan ko. Para na siyang tumayong lola ko sa bahay na 'to. Kaya naman naiinis din ako sa sarili ko kung bakit ganon pa ang inaasal ko sa harap niya.

Tinapik niya ako at parang may gustong sabihin sakin pero hinayaan niya nalang din ako. "Asan po sila?" Tanong ko kay manang Luisa. Tumingin siya sa taas at nag simula ng lumakas ang tibok ng puso ko dahil iba ang sinasabi ng mga mata niya sakin.

"Nasa office ng Dad mo." Yun lang at tinalikuran niya na ako. Narinig ko pa ang hikbi niya ay ng lalapitan ko sana siya ay tinawag naman ako ni Kyrie. Sobrang nadurog ang puso ko sa nakita ko kay manang. Ano bang meron sakin? Papalayasin ba nila ako sa bahay dahil sa ugaling inapply ko sa sarili ko?

Well then, gawin nila. Wala na akong pake. Gusto ko din munang mag simula ng bagong sarili ko. Ayokong makita ng pamilya ko ang meron sakin. Ayokong makita nila akong ganito. Na parang rebelde dahil sa pagka miserable ng buhay ko. Hindi ko din naman ginusto to pero parang may nag uudyok saking gawin ang bagay na to kahit alam kong hindi tama.

Tahimik lang kami ni Kyrie at mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko nang makapasok ako sa loob ng office ni Dad. Nakayuko si Dad habang hinahaplos ang ulo niya habang si mom naman ay di mapakalinh pabalik balik sa kinauupuan niya. Uupo, tatayo, mag lalakad, uupo. Nakakahilo.

"I'll be straight to the point Kris, luging lugi na ang kompanya natin. 2 weeks nalang at mag sasara na ito." Napatingin ako kay Dad. Napatingin din ako kay Mom. Ganun na din kay Kyrie.

Then it hits me.

Itong kompanya namin sa Pilipinas ang buhay nila. Simula pagka panganak ko at bago pa ako ipanganak ay dugo't pawis nila ang inaalay nila dito. Hindi ko kakayaning makitang unti unting nawawala ang pinag hihirapan ng nanay at tatay ko na halos hindi na nila kami mabigyan ng oras dahil sa ginugugol nila sa kompanya.

"And when It happen?" Hindi ko din alam ang gagawin kundi ang mag tanong nalang kung anong pangyayari ang magaganap. "That will never happen!" Sigaw ni mom na nag pa lapit sakin kay Kyrie.

"2 weeks nalang mom!" Sigaw ni Kyrie.

"Lets just accept it! 2 weeks nalang at wala na satin ang kompanya. Ano pang magagawa natin? Pano natin maibabangon ang kompanyang mag sasara na sa loob ng 2 linggo?" ako.

"Ibebenta ang kompanya kay Mr. Torres." Napatingin ako kay Kyrie. Ah, hindi ko nabalitaan ang bentahan ng kompanya. Tumango tango ako. "E bakit hindi yung kompanya sa NYC at kunin niyo ang pera pang simula sa Pinas?" Tanong.

"Alam mong hindi ko yun magagawa, Kris." Dinig kong sabi ni Dad. "Then accept the fact na sa ibang bansa nalang ang matitirang kompanya natin!" Naiinis na din ako. Ano bang ayaw nila? Mag trabaho sa ibang bansa samantalang parang ganon na din ang ginawa nila?

"Pero sayo nakasalalay ang kompanya natin dito." Napatingin ako kay Dad. Naguluhan ako sa narinig ko. "Gino!" Pag pigil ni Mom kay Dad.

"We have no choice, Lyn!" Sagot naman ni Dad. Lalo lang akong naguluhan. Halos mabingi na ako sa pag tatalo nila.

"Kris, please, sayo nakasalalay ang kompanya natin." Muling paalala sakin ni Dad.

"Stop it, Dad." Kahit si Kyrie ay pinipigilan na din si Dad sa pag tuloy nito sa kung ano mang binabalak nito.

"What is it?" Lakas loob kong tanong kahit ako mismo ay parang nawawalan na ng lakas sa lahat ng naririnig ko. Hindi ko na alam kung paano akong nabubuhay. Hindi ko na talaga alam.

"Eric and Mae are willing to help us, at ang solusyon lang na naiisip nila ay ang fixed marriage mo kay Murvyn."

I was stunned on what I heard. Gusto kong tumakbo pero pinang hinaan ako ng enerhiya para magawa ang bagay na 'yon.

fixed marriage mo kay Murvyn.

Tell me, anong gagawin ko?

Nanlambot ang tuhod ko at pasalamat nalang dahil nasalo ako ni Kyrie. Narinig ko pa ang pag tatalo nila pero hindi ko maintindihan. Parang wala na rin akong naririnig dahil puro tanong ang nasa isip ko.

Bakit ako pa? Bakit kami pa? Bakit ganito? Anong nangyari? Nananaginip lang ba ako?

Nung una, ang pag bagsak ng kompanya sa Paris, ang pagkamatay ni Giann at ngayon ang pag papakasal ko kay Murvyn?

Anong klaseng buhay ba meron ako?

Hindi ko na sila kinausap at nag tatakbo ako palabas ng bahay. Palabas ng gate at nag tatakbo ako papunta sa direksyon kung nasan ang bahay ni Murvyn. Malapit sa park.

Takbo lang ako ng takbo at nakita ko si Murvyn na nakatayo sa harap ng gate nila. Tulala. Malalim ang iniisip.

Habang lumalapit pabagal ng pabagal ang pag usad ko hanggang sa napahinto ako. Kumulimlim ang langit kasabay ng biglang pagbuhos ng malakas na ulan na sinabayan ng malalakas na hangin.

Napakagaling ng timing, ang malalamig na hangin at ang malakas na ulan ay sumabay sa kalungkutan na nararamdaman ko at ang sunod sunod na pag tulo ng luha sa mga mata ko.

Sobrang sakit ng nararamdaman ko. Parang ako na ang pinakamalas sa buong mundo. Sa lahat ng taong nabubuhay parang sinalo ko lahat ng kamalasan.

Wala na akong nagawa kundi ang humagulgol ng humagulgol habang nakatingin kay Murvyn na hindi padin natitinag sa pwesto kanina. Pareho naming hindi alam ang gagawin at hindi iniinda ang malakas na ulan na sinasalubong namin.

Napaupo nalang ako sa sahig habang dinadamdam ang masakit na pakiramdam na dumudurog sa puso ko.

"Kristelle." Patuloy padin ang paghagulgol ko at hindi pinapakealaman ang sarili ko hanggang sa napayakap ako sa kanya at humagulgol sa balikat niya.

"Ang sakit sakit na ng nararamdaman ko bakit kailangan maranasan ko pa to?" Tanong ko sa kanya. But he didnt answer my question. Instead he hugged me back.

"Alam mo to diba? Alam mo to!" Hinarap ko siya. Tumango siya at nakayuko padin. "Bakit hindi natin gawan ng paraan Murvyn? Bakit?! Ayoko ng ganito! Ayoko na, pagod na pagod na pagod na ako!" Hinampas hampas ko na siya pero pinipigilan niya ako sa pagkayakap sakin, at the end, niyakap ko padin siya.

"Hindi ko din ginusto to Kristelle. I love you, Oo. Mahal kita pero bilang kaibigan ko. Mahal natin ang isa't isa bilang kaibigan. You know Trix? She's the one I wanna marry. Anong magiging reaksyon niya kapag nalaman niya to?" Lalo akong umiyak sa sinabi ni Murvyn at humagulgol ng humagulgol.

"Im sorry Murvyn, Im really sorry kung pati ikaw nadadamay pa dito." Lalo akong umiyak. Hindi ko alam na ang dami din palang nadadamay sa problema ko. Ang dami din palang nadadamay sa problema namin.

Then I just realized, napaka damot sakin ng tadhana. Napaka damot niya para ipagkait ang lahat ng kaligayahan na gusto kong maranasan ngayon.

Ang pabagsak na kompanya sa Paris, nagawa kong iahon.

Ang pagkamatay ni Giann, hindi ko magawang matanggap pero unti unti kong tatanggapin.

Pero ang ikasal ako kay Murvyn?—

Hindi ko na alam kung magagawa ko pa bang solusyunan ang bagay na 'to. Dahil ako mismo, hindi ko alam kung pano aayusin ang sarili ko.

Ang alam ko lang, pagod na ako. Pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na ako.

To be continued...

The Wedding DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon