Its Kyrie.
Umayos ako sa pag kakaupo at nakita ko siyang umupo sa swivel chair ng study table ko. "What brings you here?" Walang kwentang tanong ko na parang boss na kinakausap ang isang empleyado.
"To apologize." Mabilisan niyang sabi. "Hmmn, I understand." tugon ko at bumaba na. Gusto ko munang mag pahangin. Pagaod na ako sa kaganapan ko sa buhay.
Nakarating ako sa park dito sa loob ng village. Umupo ako sa swing at tsaka nag sway don. Ang sarap pala bumalik sa pagka bata. Yung tatakasan mo yung pag tulog mo para makapag laro. Wala kang problema. Iiyak kapag hindi nabilhan ng laruan o ng pagkain na gusto mo.
Ang sarap bumalik sa pagkabata.
"Nag iisa ka." Napalingon ako sa lalaking nag salita. Mukang kasing edad ko siya. Lumapit siya sakin at lumayo ako. Amoy alak ang lalaking 'to.
"Wag kang matakot, miss." Paatras ako nang paatras hanggang sa mapasandal ako sa pader. Lumakas ang tibok ng puso ko ng lumapit siya nang lumapit sakin.
"Sabi kong wag kang matakot, e. Ang kulit mo." Aalis na sana ako ng bigla niya akong hinila sa braso at isinandal sa pader.
"P-pakawalan mo ako." Natatakot kong sambit at bahagyang tumakbo. Akala ko mahahabol niya ako pero biglang may sumuntok sa kanya kaya napahiga siya sa lapag. "G@go ka! Kung wala kang magawa sa buhay mo, wag kang manakot ng babae. Mas nakakatakot ka pa sa multo." Medyo natawa ako sa sinabi niya.
May itsura naman ang lalaki. Pero nakakatakot pa rin ang inasal niya at hindi ako natutuwa. Lumapit sakin si Kyrie at hinala ang braso ko.
"Nalabas ka pa kasi, madilim na." Sermon niya sakin. Nagulat ako ng dalhin niya ako sa kotse niya at sinakay don ng pilitan. Bumusina pa siya sa bahay at pinaandar ang kotse niya.
"Bakit ba sinama mo pa ako?" Inis kong tanong. "Dahil tinatakasan mo ako. Pano tayo makakapag usap nang maayos kung tatakasan mo ako?" Tanong niya at ngumisi.
"Diba sinabi ko na nga? I understand. Ikaw lang naman tong 'di makaintindi--"
"Shut up, Panget." Sabi niya at pinark ang kotse niya sa.. restaurant? Di ba siya nabubusog e kakakain niya lang.
Pagkapasok namin don ay sinalubong kami ng waiter. "Table for 2." Sagot ni Kyrie at umupo na kami. Maganda ang place. Umorder siya ng pagkain at tahimik lang kami hanggang sa nag salita na siya.
"This is my peace offering. Pag hindi mo tinanggap yung sorry ko, bahala ka mag bayad." Sinamaan ko siya ng tingin dahil wala man lang akong dala kahit piso.
"Malamang papatawarin kita dahil wala akong dalang pera." biro ko pero seryoso ang muka. "Ano?" Natawa ako sa reaksyon niya pero biglang sumeryoso ang muka ko.
"Pinapatawad naman kita, Kyrie. Kapatid pa rin kita kahit anong mangyari." Ngumiti ako nang kaunti at bigla namang dumating ang order namin. Saglit kaming natahimik at habang kumakain ay kinausap ko na siya.
"Naiintindihan ko naman na ganon ang magiging reaksyon mo, Kyrie. Kasalanan ko din naman na napake-alaman mo na masyado ang buhay mo." Sabi ko.
"Wag mo na isipin 'yon. Kumain nalang tayo nagugutom na ako." Tumawa siya at nag patuloy nadin ng pagkain. Nung nakain na kami ng dessert bigla niya akong tinanong.
"Pano pala yung pag N-New York ko?" Babatukan ko na sana siya pero bigla siyang umiwas. "Napag usapan na natin 'to. Sabi ko ako na ang bahala ro'n." Pag mamatigas ko. Ayokong madamay pa si Kyrie. Gusto kong mag enjoy muna siya.
"Pero gusto ko din pumunta sa ibang bansa. Makakapag enjoy sana ako ro'n. Diba?" Nabatukan ko talaga siya sa sinabi niya.
"Hindi ka pupunta don para mag enjoy, Kyrie. Pupunta ka don para asikasuhin ang kompanya. Sa tingin mo ba kaya mo 'yon?" Seryoso kong tanong. Umiling siya. "Wala pa akong alam sa ganyan, ate." Natayuan ata lahat ng balahibo ko at kinabahan ako.
