"Happy birthday Murvyn!" Bati ni Elaine dito at inabot ang isang box na nakabalot. "Thank you." Nakangiting bati naman ni Murvyn.
"Happy birthday, Murvyn! Grabe, akalain mo yun? May itatangkad ka pa. Tsaka hanggang pag tanda na ata tayo mag kasama a! Baka tayo pa mag katuluyan neto, psh." Natatawang biro ni Princess. "Psh. Buti nalang at wala dito si Raven. Kung hindi ay lagot ka talaga sa kanya. Salamat sa regalo." Sagot naman sa kanya ni Murvyn at tsaka kami nag tuloy sa backyard.
Nasa loob ang pinaka main event pero mas prepared namin ang mag stay sa backyard kung nasan ang mga tropa ni Murvyn. Nakaupo sa loob ang family ko kasama ng family ni Murvyn at ng iba pang family.
Pagkapunta namin sa likod ay nakaupo na don sila Andrei at sila Ally. Umupo kami sa table kung nasaan sila at ipinakilala si Elaine sa mga ito. Kilala na nila si Princess ngunit hindi ni Andrei dahil hindi naman namin ito naging ka-klase.
"Wala pa ba si Giann?" Nagtatakang tanong ni Ally. Nasamid naman si Elaine sa pag kakainom nito ng juice na sinerve sa kanya at napatingin kami sa kanya na siya namang tumingin sakin.
"Hindi mo ba kasama, Kristelle?" Sa pag kakataong to naman ay si Princess ang nasamid at hindi ko maiwasang mapalunok habang si Murvyn ay tahimik na nakatingin lang samin. "What's the matter? May problema ba sa drinks?" Nag aalalang tanong ni Ally pero umiling ang dalawa.
Tumikhim naman ako at tumingin sa ibaba. "Break na kami." Mahinang sabi ko. Napaiktad naman kaming lahat ng mahampas ni Ally ang table kung saan nakapatong ang mga kamay namin. "What?!" Gulat nitong tanong. "Pano? Kailan? Bakit?" Usisa nito sakin. Nauna akong mag kwento at dinugtungan naman iyon ng mga kaibigan ko.
Maya maya pa lamang ay dumating na si Giann at umupo sa table namin. "Happy birthday, bro." Bati nito kay Murvyn at nag abot ng box na may wine sa loob. "Salamat." Tugon naman sa kanya ni Murvyn. Pagkatapos naman noon ay nangibabaw na naman sa table namin ang katahimikan.
Akala ko ba hindi sila mag kaayos ni Murvyn? Bro? Kailan pa kaya nakapag usap nang maayos ang dalawang ito after mag plastikan noong gumala kami kasama sila Ally?
May mga nag pa-party, umiinom, kumakanta sa mini stage na naka set up at meron din namang sumasayaw sa kanta. Habang kami ay tahimik lamang dito. "Ah, guys. I think we should eat. Im hungry." Pag basag ng katahimikan ni Elaine. "Oo nga, tama ka Elaine. M-merong niluto si Tita Mae na masarap na putahe ro'n. Im sure magugustuhan niyo. Lets go, Andrei." Pag sang ayon naman ni Ally. Tumayo na ang mga ito at sumama na si Princess habang naiwan naman kaming tatlo nila Giann sa table.
"I'll just follow them. I'll bring the foods here." Paalam ni Murvyn. Hindi na ako nakapag react at umupo nalang ako pero hindi ako mapakali at nag palinga-linga lang ako sa paligid.
"Kristelle." Tawag muli sakin ni Giann. Hindi ako makapag salita. Nagawa kong ibuka ang bibig ko ngunit walang lumalabas na salita duon. Maski ang mga kasama ko ay ganoon din ang reaksyon. Pero kung sila ay nagulat ako ay puro sakit ang nararamdaman.
Lumapit ako sa kanya at hinayaan naman ako ng mga kasama ko. "Kristelle we need to talk." Hindi ako nag salita at tinignan ko lang siya. "Let's break up." Nahintuan ako ng marinig ko 'yon mula sa mga bibig ko. Kung ako ay nahintuan ay mas lalong nahintuan si Giann at hindi nito alam ang sasabihin.
"Just here me out please, Kristelle. I'll explain everything to you. Sasabihin ko ang totoo. Kristelle please." Pakiusap nito ngunit ayaw nang makinig ng isip ko.
"Stop it, Giann. I'm tired of listening on your fake dramas. Lets just break up." At tsaka ako tumalikod sa kanya at hindi mawala ang pag patak ng luha sa mga mata ko.
