Chapter 20

35 4 0
                                        

Hindi na ako nag padala pa sa clinic at sinabi kong gusto ko lang mag pahinga mag isa. Nag taka pa si Giann sa inasal ko pero hindi ko na siya kinausap pa.

Nag punta ako sa likod ng building kung saan may mga nakahilerang malalaki at matatandang puno. Isinandal ko ang likod ko sa puno at pumikit ng makaramdam ako ng pag tabi sakin ng isang tao.

"Elaine." Banggit ko sa pangalan nito. Amoy palang niya ay alam ko na at ang pag dikit ng mga braso namin sa isa't isa. Minulat ko ang mga mata ko at nakita kong nakatingin siya sakin.

"Bakit gusto mong mapag isa? Ayaw mo bang samahan ka ni--" pinutol ko ang pag sasalita niya sa pamamagitan ng pag iling ko.

"May bagay lang ako na gustong kumpirmahin." Seryosong usal ko. Ikinunit niya ang noo niya na tila nag tatanong kung ano ang bagay na gusto kong kumpiramhin.

Ikinwento ko naman sa kanya kung ano 'yon at ginaya ko pa ang tono ng boses ni Alexa kung paano niyang tinawag si Giann.

"Kung ako 'yon ay mag tataka pa din ako lalo na't dumaan ang ilang segundo bago niya sabihing kailangan mo si Giann." Tumango naman ako. Napalingon kaming bigla sa bandang kanan ng makarinig kami ng taong paparating at duon ay nakita namin si Princess na papalapit ng papalapit samin.

"Naudlot ang game as requested by Raven. Kulang tayo sa players kaya umagree nadin ang ibang teacher." Bungad samin ni Princess. Tumango kami. Medyo considerate ang teacher dahil hindi niya hinayaang manalo ang ibang team by default.

"Bakit nandito kayo? Buti may nakapag turo sa'kkn na nakita raw na papunta kayo rito." Tanong pa samin ni Princess. "Gusto ko sanang mag pahinga nang mag isa pero sinundan ako ni Elaine." sagot ko sa kanya.

Umupo sa harap namin si Princess. Nag tanong si Elaine tungkol kay Alexa at masakit padin daw ang binti nito kaya nanatili ito sa clinic.

Maya maya pa lamang ay natahimik kami pero na wala ang katahimikan namin ng biglang may ikwento samin si Elaine.

"Sorry kung hindi ko agad na kwento sainyo si Patrick." natawa kami bigla ni Princess. "Ayos lang sakin. Hindi naman lahat ay pwede mong i-kwento kahit pa importanteng tao ang nasa harap mo." si Princess.

"May mga bagay talaga na dapat sinasarili mo nalang." Dugtong pa niya. "Pero kapag hindi mo na kaya, ilabas mo lang. Mahirap mag ipon ng nararamdaman sa sarili mo." Walang kwentang sabi ko.

Nag kwento pa si Elaine tungkol sa kanila ni Patrick at sa mga napag daanan nila. Maganda ang napag daanana nila pero masama ang naging ending nila. Para sakin ay hindi ko rin kakayanin ang malagay sa ganoong sitwasyon. Hindi sila legal sa pamilya nila at noong ipinakilala ni Elaine si Patrick sa pamilya niya, nag kataong mag kakilala ang magulang nila pareho at parehong mag kagalit ang mga ito.

"Pero teka, mag iba nalang tayo ng topic. May napulot akong diary sa ilalim ng lamesa sa library. Ayaw ko sanang basahin kaso na curious ako dahil may tuyong dugo--" naputol ang sinasabi ni Elaine sa pag kakasigaw namin ng hindi ganong kalakas ni Princess.

"Dugo?!" sabay naming sigaw ni Princess. Tumango si Elaine at inilabas niya ang isang diary na may nga tuyong dugo sa gilid nito.

Hindi nga siya nag kamali dahil mga dugo nga ang nandito. Napatingin ako ng mabuti sa diary at hinablot ko iyon. Pinag pagan ko pa ng kaunti dahil may nakikita akong pangalan na nakaukit dito.

"Coreen." Sabi ko ng makita ko ang pangalan na nakaukit dito. "Coreen?" Nag tatakang tanong ni Elaine. Tumango naman ako.

Bunuklatin ko na sana kaso biglang inagaw sakin mi Princess at nakipag agawana naman ako. "Ako na muna!" Sabi ko pero ganon din ang ipinipilit niya.

"Sandali nga." Itinulak ni Elaine ang notebook at sa sobrang lakas nito ay napadpad ito sa may kalayuan samin. Dalawang puno ang pagitan nito kaya napatakbo kaming tatlo don at ng makarinig ako ay maibilis ko silang hinila paupo at tinakpan ang mga bibig nila.

"Edi ilabas mo ang sikreto ko!" Sigaw ng babae. Kung hindi ako nag kakamali ay si Coreen ang narinig kong boses na sumigaw. Nasa tabing puno namin ang boses na 'yon pero nakatalikod ito samin.

"Si Coreen ba yun?" Mahinang bulong ni Princess. Tumango naman ako. "Pang ba-blockmail na naman to ni Amy." Mahinang bulong naman ni Elaine. Kumunot ang noo ni Princess. Malamang ay hindi niya ito alam.

"Ano? Blockmail?"

"Shhhhh!" Suway namin kay Princess. Tahimik lang kami at narinig na naman namin ang nag sisigawan nilang boses.

"Wala na akong pake sa sikreto ko! Ibunyag mo dahil tapos na ang bagay na 'yon Amy! Pero yung sikreto mo? Yun ang mag papabagsak sayo!" Malakas na sigaw ni Coreen.

"Tigilan mo na to, Coreen. Pagod na ako sa pakikipag laro sayo." Mahinahong sambit naman ni Amy na ikinatawa ng peke ni Coreen. "Ha! At ngayon mo lang naisipan yan? Huli na ang lahat para dyan, Amy. Kung pagod ka ay mas pagod ako sa pakikipag laro mo." at pag katapos non ay naramdaman ko ang pag alis ni Amy pasalungat sa pinag tataguan namin. Nakahinga kaming tatlo ng maluwag at nakarinig kami ng hikbi mula sa likod ng puno.

Agad akong tumayo at hinawakan ako sa braso ni Elaine. "Anong gagawin mo?" Tanong niya sakin. "Kakausapin ko lang siya, Elaine. Nahihirapan na siya. At kung kinakailangan nating tumulong ay tumulong tayo." Ngumiti siya sa'kin at tumayo din kasabay ng pag tayo ni Princess. Sumunod sila sa'kin at pumunta ako sa harap ni Coreen at inabutan siya ng panyo.

Nag angat siya ng tingin samin at kinuha ang panyo na inoffer ko. Umupo naman kami at nakapalibot sa kanya.

"Alam kong narinig niyo kami. Hindi lang ngayon, pati nung nakaraan." Nagulat ako sa sinabi ni Coreen. Alam niya pala na narinig namin siya.

"Hindi ko alam. Ano ang ibig sabihin non?" Tanong ni Princess. Nag pakawala naman ng buntong hininga si Coreen at tumigil ang pag patak ng luha niya.

"Bina-block mail ako ni Amy at hindi ko alam kung bakit. Sa totoo lang ay wala naman akong balak na ibulgar ang nakita ko sa kanya." Panimula ni Coreen. Tahimik lang kami at nakikinig sa kanya.

"Nung mag lalakad ako para mag pasa ng papel sa faculty room ay nakita ko si Amy na may hinahalikan malapit sa dulo ng lumang bakanteng room at kung hindi ako nag kakamali ay si Giann ang hinahalikan niya."

Nahintuan ako sa sinabi niya. Nag simulang bumilis ang tibok ng puso ko. Sobrang bilis at nanginginig pa ang mga kamay ko. Sana nag kakamali ako. Sana hindi isang Giann Peñaflorida ang nakita niya.

Nakatingin sila saking tatlo at parang nag hahantay ng sasabihin ko. "Giann Peñaflorida. Sa pag kakaalam ko ay kilala niyo yon? Dahil yun ang--"

"Yun ang boyfriend ni--" parehas naputol ang sinasabi nila. Pinutol ni Princess ang sinasabi ni Coreen at pinutol naman ni Elaine ang sinasabi ni Princess.

"Makinig nalang muna tayo." Lalo akong kinabahan. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko at nanginginig pa ang buong katawan ko.

"Yun ang boyfriend ni Alexa, kaibigan niyo."

Sa kabila ng pagka lakas ng tibok ng puso ko at panginginig ko ay doon nag simulang tumulo ang luha sa mga mata ko. Patuloy ito sa pag luha ng pag luha at natahimik ang dalawa kong kasama sapagkat nagulat sila sa narinig nila.

"Yun ang boyfriend ni Alexa, kaibigan niyo."

Nag e-echo ang huling pangungusap na sinabi ni Coreen. Hindi ko alam ang gagawin. Patulo parin sa pag tulo ang mga luha ko.

Ano ang ibig sabihin non?

Bakit nagawa sakin ni Giann ang bagay na 'yon? Bakit nagawa niya sakin lahat ng to? Bakit?

"Yun ang boyfriend ni Alexa, kaibigan niyo."

To be continued..

The Wedding DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon