Umusad ng umusad ang sasakyan at wala ng nag salita saming lahat. Tahimik lang silang lahat habang ako ay nakasilip sa bintana at pinipigilan ang pag patak ng namumuong luha sa mga mata ko.
Hanggang sa naramdaman ko nalang na huminto na ang sasakyan sa tapat ng bahay namin. Napatingin ako sa kanilang lahat na dahan dahan at isa isang umaalis ng sasakyan.
"Ready?" Tanong ni Marielle sakin habang nag aabang ng sagot ko si Ally at sila Princess. Tumango ako, gustong gusto ko nang makita ang pamilya ko at lalong lalo na si Giann.
Kinuha ng iba ang gamit ko at dahan dahan kaming nag lakad papasok sa bahay. Habang papalapit ako sa bahay namin ay pabigat ng pabigat ang nararamdaman ko. Alam ko ng may mali. Alam kong may hindi tamang nangyayari.
Pero pag pasok ko ng pintuan ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa gulat sa nakita ko.
"WELCOME BACK KRISTELLE!!"
Nilibot ko ang paningin ko. Kumpleto sila at masayang masaya. Isa isa nila akong niyakap at nag saya kaming lahat. Ang dami namin sa loob ng bahay at nag sasalo salo kami.
Walang pinag bago sa kanila. Nakita ko din si Chloe, medyo awkward yung scene nila nila Mica pero bakit parang ayos lang sa kanila? Hindi ko maintindihan pero mukang okay naman.
Nang matapos na kami mag kamustahan at magtawanan ay nakaupo nalang kami sa hapagkainan naming mahaba. Kumpletong kumpleto kaming lahat kaya naisipan kong mag tanong na nakapag patahimik sa kanilang lahat.
"Pwede ko po bang malaman kung nasan si Giann?" Tanong ko. Nagkatinginan ang lahat. May yumuko, may ngumiti ng pilit, may kinabahan at nag iwas lahat ng tingin sakin. Kaya napayuko ako at napatingin sa kamay kong nanginginig bago sila isa isang tinignan at ngumiti ng pilit.
"Wala na naman bang sasagot sa tanong ko?" Mapait kong tanong. Kaya naman ng mag katinginan sila ay iniisip nila kung sino ang unang mag sasalita hanggang sa napag pasyahan nilang samahan ako kay Giann.
Naging panatag kahit papaano ang kalooban ko dahil makikita ko na si Giann. Nasa kotse ako kasama si Marielle na nag d-drive. Si Princess na nasa passenger seat at nasa likod kaming tatlo ni Andrei at Ally.
Hindi ko alam kung san nila ako dadalhin pero napakatahimik sa loob ng kotse ni Marielle. Maya maya palang ay naramdaman ko ang pag hawak ni Ally sa kamay ko.
"Kristelle, ipangako mo samin na lalakasan mo ang loob mo?" Kinabahan ako sa sinabi ni Ally. Anong meron kay Giann?
Pakiramdam ko nakahanap na siya ng iba, pakiramdam ko iba na ang mahal niya. Paano kung habang wala ako e iba ang kasama niya? Natatakot ako. Parang ayaw ko nang tumuloy.
Dahan dahang huminto ang sasakyan at napatingin ako sa paligid ko. Isang malawak na lupain na hindi ko alam kung matatawa o masasaktan ba ako.
Habang nag lalakad ako ay panay ang pag tatanong ko. "Bakit niyo ako dinala dito?" Pero walang sumasagot sa kanila. "Sabi ko gusto kong makita si Giann." Pag sasabi kong muli.
"Hindi ko naman gustong pumunta dito. Anong ginagawa natin dito?" Naiiyak na ako sa pag tatanong ko at nangingilid na din ang luha ko hanggang sa huminto kami sa isang damuhan at napatingin ako sa pinag aapakan ko.
Mabilis na tumibok ang puso ko sa nakita ko. Nanginig ang buong katawan ko at nag simula ng tumulo ang luha ko. "Gisingin niyo ako." Mahinahon kong sabi sa kanila. Inalalayan ako ni Marielle at niyakap pero nag pumiglas ako.
"Gisingin niyo ako! Nananaginip lang ako diba?" Sinampal ko pa ang sarili ko at duon ko naramdaman ang sakit, sobrang sakit ng puso ko. Hindi ko kaya ang nakikita ko kaya napaupo ako sa pinag aapakan ko.
