Natapos ang Valentines day at bumalik sa dati ang lahat. Lumipas ang ilang linggo at madami din ang nangyari. Simula kay Alexa at kay Elaine, mas naging close kaming apat. Halos oras oras ay kami kami ang mag kakasama.
Nag start na rin ang pag de-defense namin sa thesis namin at sa awa naman ng Diyos ay nakatapos kaming lahat.
Kay Raven? Masaya ako para sa kanya dahil finally. Nakaamin na din siya kay Princess. Valentines night.
Nag dilim ang paligid sa buong school grounds. Tanging ang liwanag ng mga puso na kumikinang sa mini stage ang nakikita namin.
Tahimik ang lahat at nawala ang ibang nag sasayaw sa grounds. Nakaupo kami sa table at naguguluhan sa pangyayari. Kahit ang iba ay naguguluhan din.
Nag karoon ng liwanag sa stage at nagulat ang lahat ng makita si Raven. Gwapong gwapo sa coat na suot at may hawak pang bouquet.
"This one is for you, my love." Nag tilian ang halos lahat ng kababaihan at naibaling ko ang tingin ko kay Princess. Clueless siyang tumingin sakin.
"Alam mo kung sino?" Nag tataka niyang tanong kaya tumawa ako. Habang kumakanta ay nag lalakad si Raven, papalapit nang papalapit samin. Papalapit nang papalapit sa babaeng gusto niya... si Princess.
Pag katapos din noon ay naging abala ang halos lahat sa kani-kanilang pag aaral. Hindi na din ganoong ka active ang SSG sa nag daang linggo dahil wala na silang aasikasuhin pa kundi ang huli. Ang Game day kung saan mayroon kaming isang linggong pag eenjoy sa mga sports and talents namin.
Kasalukuyan kaming nasa loob ng room namin at nag aayos ng gamit. Uwian na kasi ng lahat at kailangan ko ding umuwi nang maaga. Ayon kasi kay Mom at Dad may pag uusapan daw kami. Hindi ko alam. Sobrang busy namin na halos mawalan na kami ng time para sa isa't isa. Tungkol naman kay Kyrie.. hindi ko alam. Nag papansinan lang kami sa tuwing may kailangan ba siyang itanong sakin o hanapin sa'kin pero pag wala ay para kaming hangin sa isa't isa. Ayaw ko naman sana ng ganoong sitawasyon pero kung gusto niyang tigilan ko muna siya sa pange-ngealam ko sa buhay niya ay ayos lang sa'kin. Naiintindihan ko naman kung ano ba ang nagawa ko sa kanya. Hindi ko rin naman naisip kung ano ba ang nararamdaman niya.
"Uuwi na kayo deretso?" Tanong samin ni Elaine at nag sabi na ako tungkol sa pag uwi ko nang maaga.
"Ako hindi pa, san ka ba pupunta?" Tanong naman ni Princess. "Ah. Mag papasama lang sana ako sa mall. I'm going to buy something." Sagot pa ni Elaine.
"Sure." at nag paalam na kami sa isa't isa. Pagka sakay ko pauwi ay naabutan ko ang kotse ni Kyrie na nakatapat sa gate. Papasok na din siya nung bumaba ako at sakto na nag kasabay kami sa tapat. Huminto ako para umuna siya pero huminto din siya kaya napatingin kami sa isa't isa.
Awkward.
"Uhm.. una na ako." Sabi ko at tinalikuran siya. Sumunod naman siya pagkapasok ko at sabay kaming sinalubong ni mom at Dad.
Bumeso ako kay Mom at Dad at pagkatapos ay nag paalam na mag ha-half bath lang. Habang naakyat ako pataas ay biglang nag salita si Dad.
"Sinundo mo ba ang ate mo, Kyrie?" Nahinutuan ako at napatingin sa kanila muka sa hagdan. Napatingin din sakin si Kyrie at nag iwas ako ng tingin.
Dumertso nalang ako sa kwarto ko at nag half bath. Habang nakababad ako sa shower ay 'di ko mapigilang maisip si Kyrie. Nalulungkot ako para saming dalawa. Hindi ko talaga alam kung panong nangyari yun pero sana naman mag kaayos na kami. I miss my Kyrie.
Pagkatapos kong maligo ay bumaba na ako. Nasa dining area silang lahat ng makasalubong ko si Manang Luisa paakyat ng hagdan.
"Manang." Bati ko. Ngumiti naman siya sakin at lalagpas na sana ng tawagin niya ako. "Kristelle." Humarap ako kay manang at nag tatanong ang mga mata ko. Binaba niya saglit ang basket na hawak niya.
"Kayo ba e mag ka galit ni Kyrie? Aba e napapansin kong hindi kayo nag papansinan." Napahinto ako. Mag ka galit nga ba kami?
"Ah manang, hindi naman ho. Baka po nag tatampo lang si Kyrie." Paliwanag ko. "Aba e mabuti na ang nag kakalinawan. Habang maaga pa e ayusin niyo ang mga buhay niyo. Masyadong maikli ang buhay, Kristelle." tinignan niya ako at umalis na.
Dahan dahan akong bumaba at naabutan kong kumakain ng merienda sila mom. "Come here, Kris. I cooked spaghetti." Umupo ako sa tabi ni Kyrie sa tapat ni Mom at tsaka kumain.
"Aware naman kayo na kompanya ang pag uusapan natin 'dito?" Tumango ako gayon din si Kyrie.
"Napag desisyonan namin ng mommy niyo na.." bigla akong kinabahan. Nakatingin sakin si Dad gayon din si Mom. Sobrang kaba ang nararamdaman ko at hindi ko maipaliwanag kung bakit.
"Ipadala ka Kristelle sa France." Nahintuan ako at nabitawan ko ang tinidor na hawak ko. "Dad?" Napayuko sila at napatingin din sakin. Gayon din si Kyrie.
"Two days after your graduation--" pinutol ko ang sasabihin ni mom sa tanong ko. "Di ba napag usapan na po natin na dito ako sa kompanya natin? Dad ayaw kong umalis ng bansa."
Nag pakawala ng buntong hininga si Dad at umiling. "I know, Kris. Pero pabagsak na ang kompanya natin. Hindi na kami pwedeng pumunta ng mom mo don dahil mas madami kaming kailangang asikasuhin sa pinas."
"And Kyrie?" I asked. Napatingin sakin si Kyrie. "New York." Tipid na sagot ni Kyrie. Napabuntong hininga ako. "Ha." Hindi makapaniwalang singhal ko. Napaka bata pa ni Kyrie para asikasuhin ang kompanya.
"Kaya mo na ba, Kyrie?" Nagulat siya sa pag tanong ko sa kaniya pero hinayaan ko lang 'yon at tinignan siya ng seryoso.
"I-I dont know." Utal niyang sambit. "Just let Kyrie stay here." Seryosong sambit ko. "He's too young for this. Sana aware kayo do'n. Kung hindi pa naman lugi ang business natin sa New York why ask Kyrie to handle that?" Naiinis ako. Bakit kailangan pang i damay si Kyrie.
Alam ko na. Tanggap ko na na ipapadala nila ako sa France. Kaya kong tanggapin 'yon dahil alam kong sa business din naman namin ang bagsak ko.
"Dont worry. Pag naayos ko na ang lahat sa France, bibisita ako ng New York. Kahit pa mahirap." sabi ko at tumayo.
"I lost my appetite. Excuse me." Tumayo ako at pumasok na sa kwarto. Tumingin pa ako sa kalendaryo. Hi France, Im going to see you.. soon.
Nakatingin ako sa kalendaryo ng tumunog ang cellphone ko.
Unknown number. Sinagot ko ito at wala akong narinig na boses sa kabilang linya kaya nauna na akong mag salita.
"Hello?"
"Hello?" Ulit ko pa. Ibababa ko na sana ng may tumawag sa pangalan ko. "K-Kristelle." Parang nabuhayan ang dugo ko. Halos mapatalon ako sa sobrang saya.
"Mariellle?! Kamusta kana?! Anong lagay mo ngayon? Masaya ba dyan? We missed you so much."
"H-hindi ka galit sakin?" Natawa ako sa tanong niya. Kung mag usap kami ngayon ay parang hindi siya nag paramdamam samin ng ilang taon.
"Ano ka ba? Bakit naman ako magagalit sayo? Alam na ba nila?" Tanong ko sa kanya. "Si Ally lang ang una kong tinawagan." Sagot niya. Napangiti naman ako.
Sobrang na miss ko siya. Medyo nag iba ang accent niya. Sanay na din siguro sa accent do'n. Madami dami kaming napag usapan at nag paalam na din kami ng sinabi niyang kailangan niya ng umalis.
Ang saya ko, after how many years ay nakatawag na din siya sa'kin. Sobrang tuwa ko at parang nawala lahat ng inis sa katawan ko. Ang sabi niya pa ay uuwi na daw siya dahil malapit na siyang maka graduate do'n. Excited na ako. Paniguradong madami na ang nag bago sa kanya.
Napatingin ako sa pintuan ng makarinig ako ng katok doon. Unti unti itong bumukas at kinabahan ako ng makita ko siya.
Its Kyrie.
To be continued...
