Chapter 6

43 4 0
                                        

Kristelle.

Hindi ko na alam ang gagawin ko, basta ang alam ko nalang mag lalakad ako pauwi ng bahay. Hindi ko man lang natignan kung sino yung babaeng yun. Hindi ko man lang nagawang nag pakita sa kanila. Hindi ko alam ang gagawin ko.

Dapat ba akong mag pakita sa kanila? Dapat ba akong sumugod? Dapat ba akong umiwas? Dapat ko bang sabihin to kay Giann pag nag kausap kami? Dapat ko bang itanong kay Alexia kung siya ba yung kasama ni Giann?

Ayaw ko. Natatakot ako. Natatakot ako na baka pag tinanong ko ang mga bagay na yan ay isagot niya din sakin ang mga bagay na ayaw kong marinig. Ang mga salitang hindi ko gustong pakinggan.

Hindi ko lang maintindihan kung bakit hindi man lang ako nagawang i text o i chat man lang ni Giann. Puwede naman akong mag paliwanag sa kaniya. Naiintindihan ko rin naman ang galit niya.

Alam kong may oras na hindi talaga natin gustong makipag usap sa tuwing nagagalit tayo, pero gusto kong malaman kung ano ang mga nasa isip niya. Gusto kong marinig ang bawat nararamdaman niya.

Galit ba siya sa'kin? Pakiramdam niya ba pinag taksilan ko siya? Puwedeng puwede ko namang sagutin ang lahat ng mga tanong niya dahil may paninindigan naman ako.

Hinding hindi ko rin kayang ipag palit ang relasyon naming dalawa para lang kay Murvyn dahil simula nang dumating siya sa buhay ko, sigurado na ako na mamahalin ko siya.

Pero sana naman ay huwag niya akong ignorahin nang ganito. Pu-puwede naman niya sabihin sa'king galit siya at kailangan niya munang mag isa o mag isip isip.

Tumulo na naman ang luha sa mga mata ko. Totoo na ba to? Ang hula sakin? Dito na ba yun mag sisimula? Wag naman sana. Ayaw ko ng ganito e, ayaw kong mawala sa'kin si Giann. Hindi pwede. Hindi ko kakayanin. Hindi ko alam ang gagawin ko.

"May maagaw sayo..."

Nag e-echo na naman ang boses ng matandang manghuhula sakin. Maagaw siya? Bakit? Mag paagaw ba siya? Eto na yun, eto na yung kinakatakutan ko. Ayaw kong mangyari ang bagay na to. Pero bakit sumasang ayon ang tadhana na agawin siya sakin? Kahit anong pag pigil ko..

Ayaw ko na, ayaw kong dumating ang araw na yun. Natatakot ako, sobra..

*BEEEEEEEEEEEEEEP*

Nakarinig ako ng malakas na busina. Kasabay non ang pag tama ng malakas na ilaw sa mata ko at ang pag bagsak ng luha ko at ang pag pikit ng mata ko..

.

.

.

.

"Mag papakamatay kaba?!"

Isang malakas na sigaw ang natanggap ko sa lalaking nasa harap ko. Nanginginig ako. Akala ko katapusan ko na. Akala ko mawawala na lahat ng problema ko. Akala ko dun na matatapos ang lahat. Pero nag kamali ako, nandyan si Murvyn. Niligtas niya ako.

Wala akong ibang nagawa kundi ang yakapin siya. Nasa gilid kami ng kalsada ngayon ay yakap yakap ko siya. Niyakap niya ako pabalik at umiyak ako ng umiyak sa balikat niya.

"Salamat Murvyn, salamat." Umiyak na naman ako. Hinaplos haplos niya ang likod ko at hinayaang umiyak ako sa balikat niya. "Si Giann ba ang may gawa nito?"

Hindi ko na nagawang sumagot man lang. Umiyak nalang ako ng umiyak hanggang sa bumitaw ako sa kanya. Ngumiti siya sakin at tumalikod na ako.

"Salamat sa pagligtas mo sakin." Sabi ko nag lakad na papalayo. Alam kong mali ang ginawa kong pang iiwan sa kanya lalo na at utang ko ang pangalawang buhay ko sa kanya. Kung bakit naman kasi inisip kong mag pakamatay?

"Kristelle!" Napaharap ako sa likod ko at nakita ko si Murvyn na hinahabol ako. Huminto ako at hinantay siya hanggang sa makalapit. "Ihahatid na kita."

Hinayaan ko nalang siyang ihatid ako. Mamimilit lang din naman siya kapag hindi ako pumayag. Isa pa, madilim na din at wala pa ako sa sarili ko. Kagaya ngayon, may sinasabi siya pero wala akong naiintindihan. Paulit ulit ko nalang kasing tinatanong sa sarili ko kung sino ang babaeng kasama ni Giann sa cafe na yun.

"Kristelle!" Napatingin ako kay Murvyn. Nakahinto siya sa-- bahay namin?! Hindi ko namalayan na nandito na pala kami kaya lumapit ako sa kanya at papasok na sana ako sa gate ng bigla niya akong hilahin at yakapin.

Umiyak na naman ako. Ayaw ko sa lahat ay ang niyayakap ako sa tuwing malungkot ako dahil hindi ko mapigilang umiyak.

"Sa oras na paiyakin ka pa ni Giann, babawiin kita sa kanya."

Hindi ko alam kung matutuwa o maggalit ako sa sinabi ni Murvyn. Naiinis ako sa kaniya dahil hindi niya kayang respetuhin ang relasyon naming dalawa ni Giann.

At mas naiinis din ako sa sarili ko dahil hindi ko alam kung ganiyan din ba ang inasal ko dati sa kanilang dalawa ni Marielle?

Gusto kong sigawan si Murvyn at sisihin siya kung bakit nasa ganito kaming sitwasyon ngayon ni Giann. Pero kaibigan ko pa rin si Murvyn at ayaw kong maramdaman niyang masyado ko na siyang binabastos.

Hindi ko rin alam kung nananadya ba siya at tila ginagantihan niya kaming dalawa ni Giann sa nagawa ko sa kanilang dalawa ni Marielle noon pero sana malaman ni Murvyn na nag bago na ako.

Sana malaman niya na nag sisisi na ako para ulitin pa ang mga bagay na 'yon. Sana malaman niya na alam ko na ngayon kung ano ang pakiramdam na hindi respetuhin.

Sana malaman niya na hindi ko kayang mawala sa'kin si Giann dahil mahal na mahal ko si Giann at tanging si Giann lang ang humawak sa mga kamay ko noong panahong kailangan ko ng masasandalan. Na si Giann ang bumuo ulit ng puso kong dinurog niya.

Napaka rami ko pang bagay na gutong sabihin at ipag dukdukan sa harap niya pero masyado na akong pagod para makipag talo sa kaniya.

Pagod na pagod na ako para makipag sigawan pa sa kaniya at sabihin sa kaniya lahat ng saloobin at nararamdaman ko ngayon. Dahil kung mayroon man akong gustong makausap na tao ngayon ay walang iba kundi si Giann.

Gusto kong sabihin sa kaniya lahat ng mga naiisip ko. Lahat ng ikinakatakot ko at lahat ng gusto kong marinig niya.

Pero wala siya ngayon. Wala siya ngayon sa tabi ko dahil nasa iba ang atensyon niya ngayon.

The Wedding DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon