Nakatayo ako sa harap ng Eiffel tower habang sinasalubong ang hangin na dumadampi sa katawan ko.
Nandito na ako sa Paris pero kahit masaya ako ay hindi padin mawala ang lungkot ko na iniwan ko ang mga kaibigan ko at ang mga pamilya ko sa Pinas.
Nasa biyahe palang ako parang gusto ko ng bumaba ng eroplano at bumalik sa kanila, pero wala na akong magagawa. Kailangan ko naman talagang manatili dito sa Paris para bawiin ang kompanya naming pabagsak na.
Sumakay ako sa taxi papunta sa bahay namin at habang nakasakay ay patingin tingin lang ako sa paligid. Gabi na din kasi kaya umuwi na ako.
Ilang linggo nadin akong nandito sa Paris, madami na din akong nakaka salamuha sa kompanya at ang pinaka close ko lang ay ang secretary kong si Linzy.
Hindi ko alam kung bakit sobrang close agad namin. Mas matanda ako sa kanya ng isang taon pero parang maging bff ko na siya sa maikling panahon.
Tumigil ako sa pag iisip ng biglang tumunog ang phone ko. Nakita ko ang pangalan ni Giann na nakikipag video call kaya sinagot ko ito, mukang mahaba pa naman ng kaunti ang biyahe.
"Baaaabe!" Excite kong tawag sa kanya. Napangiti naman siya at inayos ang magulo niyang buhok. Mukang kakagising niya lang dahil naka topless pa siya at naka upo lang sa kama niya.
"Babe! I miss you, kamusta kana dyan?" Tanong niya sakin. Nag bihis naman siya ng sando niya at hinahantay ang sagot ko.
"Eto okay naman kahit medyo nakakapagod sa trabaho. Ikaw? Kamusta kana? Kayo?" Balik kong tanong at tinutukoy ang pamilya niya kasama si Chloe.
Pansin ko lang, nawalan na ako ng balita kay Chloe at kay Kyrie. Hindi ko na din naman kasi tinanong kay Kyrie dahil baka mag away lang ulit kaming dalawa. Siguro siya na ang bahala sa lovelife niya kahit medyo concern lang ako.
"Okay lang naman kami dito. Ay prinsesa ko, alam mo bang next week ay mag s-start na akong mag trabaho sa company? Medyo kinakabahan ako kasi baka hindi ko kayanin."
Napangiti naman ako sa kanya at sumilip sa bintana. Mabilis ang biyahe dahil malapit na ako sa bahay namin.
"Wag kang kabahan babe, Im sure kayang kaya mo yan dahil mana ka kay Tito diba? Tsaka nag aral ka naman e. Kayang kaya mo yan. Basta wag mo lang akong ipagpalit dyan ah! Baka naman kasi mas mapalapit ka sa secretary mo. Babae pa naman yun, nako ipapatapon ko talaga siya sa Neptune." Natatawa kong banta. Tumawa din naman siya pero hindi ganong sobra.
"Ikaw din. Nako baka makakita ka dyan ng gwapo hindi ako papayag no, aagawin kita pabalik sakin." Napangiti naman ako. "Hindi ako ganon, basta babe hintayin mo lang ako dyan. Okay? Babalik ako, pangako." Binigyan ko siya ng nangangakong itsura at napangiti naman siya.
"Sorry talaga sa nagawa ko babe, pero I promise, hinding hindi na mauulit 'yon. Dahil si Giann Peñaflorida at nangangako na simula sa araw na ito hindi na ako titingin sa ibang babae bukod kay mommy, Chloe at syempre sa aking Prinsesa. Dahil para sakin, wala ng mas gaganda pa sainyo at hindi ko kayo maipagpapalit sa kahit kanino. I love you Kristelle. I love you, prinsesa ko."
Bigla akong natawa sa kanya pero nangingilid ang luha ko. Mabuti nalang at napigilan ko. Naalala ko lang kasi si Alexa. Marahil ay nadala lang din siya sa nararamdaman niya.
"I love you too, Giann ko. I love you, Prinsipe ko." At ngumiti. "Ah bahe, nandito na ako. Okay lang ba na mamaya nalang ulit ako tatawag?" Tumango siya sakin. "Sure babe, Ingat." Tsaka ko ngumiti. "Ikaw din, Iloveyou." At pinatay ko na ang tawag.
Huminto ang sasakyan at tumunog ang phone ko. Naka receive ako mg message pero inuna ko muna ang pag bayad at pumasok sa bahay.
Pag tingin ko sa phone ko ay natawa ako sa na receive kong text message mula kay Giann.
![](https://img.wattpad.com/cover/118597321-288-k531671.jpg)