"Im so happy for you.." bulong ko kay Ally matapos ko tulungan ang ibang staff na ayusin ang gown niya. Ako ang maid of honor dito. Hindi na aabot pa kay Marielle dahil hindi naman namin nabalitaan ang pag uwi niya dito. Matagal na daw kasing pinag handaan ang wedding ni Ally at Andrei. Hindi naman maagang nakatawag sa akin si Marielle kaya ako ang naging maid of honor ni Ally. Ha! Ako ang ata ang pinaka bestfriend niya kahit mag kalayo pa kaming dalawa.
Well, kung ikakasal naman ako ay siya ang kukunin kong maid of honor. Siya ang kaisa isang babaeng bestfriend ko na naka saksi ng love story namin ni Giann. Well, hindi ko alam kung si Giann ang nakakatuluyan ko hanggang huli pero hinihiling ko na sana siya na nga.
Hindi ko kakayanin na makipag hiwalay pa siya sa akin kaya kahit anong pag sira ng tiwala niya sakin ay bumabalik at bumalik pa rin ako sa kanya. Siya lang ang gusto kong makasama habang buhay. Sa pag gising sa umaga at bago matulog. Hindi ko nakikita ang sarili ko na iba ang gumagawa sakin ng mga bagay na 'yon.
"Im nervous, Kris." Bulong sakin ni Ally habang pababa kami sa venue. Oras na kasi ng kasal nila at halata sa muka niya ang excitement ag kaba. Natutuwa talaga ako para sa kanya. "Dont be." Nakangiti kong sambit bago inalalayan siya pasakay ng elevator.
Medyo hassle pala itong wedding niya! Beach wedding at sa suite kami nag prepare kaya kailangan pa naming sumakay ng elavator bago bumaba. Habang nakasakay kami sa elevator ay nagulat kaming lahat ng pumatay sindi ang ilaw na nakapag panic samin ni Princess kasama ng iba pang staffs na bakla na napairit.
"Anong nangyayari?!" Nag papanic na sagot ni Princess. Unti unti naman akong nakaramdam ng pagkahilo at pag sikip ng dibdib. Walang hangin sa loob. Sa aming nakasakay dito, pinaka mahina ako dahil mabilis akong maubusan ng hangin sa katawan.
"Kristelle, okay ka lang ba?" Binigyan ko sila ng tango kahit hilong hilo na ako at nagawa ko nalang pumikit at hindi ko na alam ang sunod na pangyayari.
"Kristelle Villela do you take— as your lawful husband?" Tumulo ang luha sa mga mata ko ng tanungin ako ng pari. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang mahalin ang lalaking nasa harap ko ngayon. Napatingin ako sa kanya at ganon din sa mga taong nanunuod samin kasama sila Mom and Dad.
Patuloy ang pag hikbi ko at mas lalo iyong lumala ng tumango sakin si Mom and dad. Napatingin ako sa pintuan at nakita ko ang anino ng isang lalaki.
"No Kristelle! Ako ang mahal mo at hindi siya! Gumising ka Kristelle!" Tinanguan ko ang lalaking yon at akmang tatakbo ng hilahin ng groom ang braso ko at yakapin ako.
"Kristelle!"
Nagising ako mula sa malakas na pag sigaw ng pangalan ko at duon ako nag habol ng hininga. Maliwanag na sa elevator. Bukas na ang pintuan at nakatingin ang lahat saakin. Duon ko nakita sa harap ko si Giann at agad akong napayakap sa kanya.
Hindi ko makita ang dalawang lalaki sa panaginip ko pero kinakabahan ako sa panaginip kong yon.
"Giann." Humahagulgol akong nakayakap sa kanya. Hinaplos niya naman ang luha sa mga mata ko. "Shhhh, its okay. Its fine." Niyakap ko lang siya bago humarap sa iba pang kasama. Ngayon ay nakita kong umiiyak si Ally na nakatingin sakin kaya agad ko siyang nilapitan ay yumakap sa kanya.
"Sorry, Ally. Sorry." Paumanhin ko at pinunasan ang luha niy. Bumaba na kami sa elevator at tinanong ang nangyari. Na delay ng ilang minutes ang kasal at sinabing mamaya nalang ituloy dahil sakin pero tumanggi ako. Hindi pwedeng masira ang kasal ng kaibigan ko ng dahil sakin kaya tumuloy kami.
Natuloy ang kasal at nag lakad kami sa red carpet na nakalatag sa beach. Ngayon ay nakatingin kaming lahat sa daraanan ni Allison. Umiiyak ang mga magulang ni Ally habang akay akay si Ally. Si Andrei naman ay bakas na bakas ang saya sa muka kahit pa nag aalala pa ito ng bahagya.
Baby youre my destiny you and I were meant to be, with all my heart and soul, Ill give my love to have and hold and as long as I can see, we were always meant to be.. my destiny.
Unri unting nag lakad si Ally na ikinaiyak ng lahat ng malalapit na mag kakaibigan ganon din ako. Walang luha na lumalabas sa mata ni Andrei pero bakas na bakas ang saya sa mga mata niya.
Lumipas ang oras. Nag bigayan sila ng speech na nakapag paiyak samin. Nag bigayan ng kung ano ano. Sing sing at pag sisindi ng kandila. Ngayon naman ay oras na para i kiss ng groom ang bride.
"I now pronounced you, husband and wife. You may now kiss the bride." Litanya ng par. Umirit ang iba ng ilalapit ni Andrei ang muka niya kay Ally at kami naman ay todo ang pag ngiti.
Nakangiting inilapit ni Andrei ang muka niya kay Ally at nag palakpakan kami ng lumapat ang labi nila sa isa't isa. Nakita kong naiiyak sa saya ang pamilya nilang pareho ay ako naman ay todo rin ang pag ngiti at pag palakpak.
"Congrats." Bati na naman Murvyn sa kanila. Nandito kami ngayon sa tabi ng bonfire. Naka ikot kami at masayang nag ku-kwentuhan pagkatapos panuorin ang foreworks sa ulap.
"Cheers to the newly weds!" Sigaw ni Princess na nangunguna sa kaingayan. Tinaas namin ang mga baso namin at nag cheers. Pinlano nila Andrei at Ally na ganito ang gagawin nila ngayong gabi. Bukas ay uuwi na kami at hindi pa ako nakakapag paalam. Eto na siguro ang oras para mag paalam ako sa kanila.
"Ahm, may gusto sana akong sabihin." Pag agaw ko sa atensyon nila. Nag tahimikan silang lahat at napabuntong hininga ako at pumikit pikit pa. Naramdaman ko ang mainit na palad na dumampi sa mga kamay ko to see it was Giann.
Hindi ko rin nasabi sa kanya ang bagay na to. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction nila. Mag tatampo, magagalit, matutuwa, maiinis o kung ano man. Basta I have to tell them na I'll be leaving tomorrow.
"What is it, Kris?" Lakas loob na nag tanong sakin si Ally. I'll miss them. I'll miss all our bondings. Lahat lahat. Lahat ng mga kwento nila. Maybe wala na akong time sa kanila para duon pagkatapos dahil I'll be busy. Hindi ko hahayaan na bigla nalang mawala ang mga business namin. Hindi ko hahayaan na mawala ang lahat ng pinag hirapan ng pamilya ko.
I'll do everything just to make them proud of me. I'll do it everything just to make things better and to make my family happy. Nuong pinanganak ako, halos duon na umikot ang mundo nila. Hindi ako papayag na mawala na lang 'yon.
"Im going to Paris.. tomorrow." Direkta kong sagot sa kanila. Napapikit ako at tinignan sila isa isa. Hindi ko makita ang shocked sa muka nila. They were all serious pero makikita mo ang sadness sa mga mata nila.
"Sorry hindi agad ako nakapag sabi sainyo. Im so--" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil nagulat ako sa pag group hug nila sakin.
"Alam namin to, sinabi na to samin ni Tito Gino and Tita Lyn." Bulong ni Marielle at kumalas sila isa isa sakin. "Mag iingat ka don ha?" Paalala ni Murvyn at duon na nag simula ang pangaral nila sakin kesyo wag ko daw silang kakalimutan. Tumawag daw ako kung kailangan nila ng kausap at kung ano ano pa.
I smiled infront of the sea. Naka ceossed arms ako at ninanamnam ang lamig ng tibog dagat ng umaalon papalaput sakin. Ang mga malamig na dampi ng simoy ng hangin at ang dagat na maganda ang tunog sa tenga ko.
"So youre going to leave me, huh?" Napatingin ako kay Giann. Unti unti nitong dinudurog ang puso ko. The fact na aalis ako at maiiwan siya ay natatakot ako. Natatakot ako na habang busy ako mag paka sasa sa ibang bansa ay baka mabaling ang atensyon niya sa ibang babae. Baka mamaya ay palitan niya ako at tuluyan niya akong makalimutan.
Kung nagawa niya akong alisan ng tingin habang nandito ako, what more pa kaya kung nasa ibang bansa na ako?
He hugged me tight at wiped my tears. "I know what you're thinking." Bulong niya sakin. Hinawi niya ang buhok na humagarang sa muka ko at tsaka ako hinalikan sa noo. That simple gesture made trembled my heart. Parang may kung anong lumilipad sa tiyan ko at hindi ko ma explain kung ano. Maybe that was the butterflies in my stomach.
"I love you and Im sorry if you have that trust issues. But Kris, trust me. Just this time. Ayokong umalis ka ng ganyan. Ayoko at hind ko kakayanin." Niyakap niya akong muli at ipinag dikit ang noo naming pareho. Unti unting lumapat ang labi niya saakin at duon na naman nag wala ang mga paru-paro sa tiyan ko.
"I love you, Kristelle Villela-Peñaflorida. My princess and soon to be my Queen."
To be continued...
